Feb 20 2011
Magandang gabi diary,
Ilang buwan na simula nung huli kong pagsulat sayo.
Kakauwi ko lang ngayon araw diary, galing school. Pinagalitan pa ako ni Sir Trev ang asawa ni Ma'am Eli dahil ginabi ako.
Kanina kasi pinagtripan ako ng mga estudyante sa school. Pinagbabato nila ako at sinabing salot daw ako.
Hindi ko na lang sila pinansin kahit dumudugo ang ulo ko. Anong magagawa ko? Mayaman sila, ampon lang ako.
Kanina din nasugatan ako dahil may dalang balisong yung isang estudyante. Nahiwa nya ako sa braso ko.
Wala nalang akong ginawa dahil wala naman akong laban sa kanila. Ang iniisip kolang nung oras na iyon, na late na akong umuwi, dapat ako ang maghuhugas ng pinggan kaya paguwi ko napagbuhatan ako ng kamay ni Sir Trev at pinatulog ako sa kulungan ng aso.
Hanggang sa muli.
-Sadie
YOU ARE READING
Diary ni Sadie✔️
Fanfiction"Feeling like being dead is actually sounds better than alive..."