Page 11

2 0 0
                                    

Jan 24 2015

Hello mahal kong diary,

Ilang buwan na simuka nung huli kong sulat sayo. Alam mo ba diary, buntis ako ngayon. Sobrang tuwa ko dahil may makakasama na ako.

Simula kasi nang may mangyari saamin ni Cal hindi na muli sya nagpakita saakin. Si ate mimi naman hindi ko na alam kung nasaan.

Pero diary, ang saya ko dahil nung isang araw umuwi na si Cal. Kasama din nito ang girlfriend nito.

Ang ganda nya diary, matangkad at maputi ang kutis. Hindi katulad ng saakin. Kaya siguro ganun ang galit saakin ni Cal. Dahil maganda na at mabait pa ang girlfriend nya tapos ako pa ang humadlang sa pangarap nilang kasal.

Diary, ang saya pala makita nang inaalagaan ka. Kita ko ang saya sa mata nilang dalawa kapag magkasama sila. Kita mo na mahal talaga nila ang isa't-isa.

Mukang ako lang talaga ang hadlang. Kailan ko kaya mararanasan ang maalagaan at maging mahalaga?

Diary, wala na ba talaga akong magagawa? Gusto ko lang naman magkaroon ng pamilya at maging maayos at tahimik ang buhay.

Hanggang tingin nalang ba talaga ako sa mga pamilyang masayang magkasama?

Diary, gusto ko din maranasan ang pakiramdam na maging masaya. Kahit panandalian lang.

Hanggang sa muli.

-Sadie

Diary ni Sadie✔️Where stories live. Discover now