May 17 2013
Hi diary,
Ilang buwan ulit ang lumipas. May iku-kwento ulit ako sayo.
Minsan hindi ko alam kung ano ba talaga ang nagawa ko. Tahimik lang naman ako. Palangiti ako kaso magmumukha naman akong baliw kung ngingiti ako mag-isa diba?
Diary,kahapon pinagtripan nanaman ako ng mga estudyante. Sigaw sila ng sigaw na salot daw ako.
Pinagbabato nila ako ng bato kaya marami akong gasgas at sugat sa katawan ko.
Wala nanaman akong nagawa kung hindi ang umiyak at yumuko. Tawanan at sigawan lang nila ang naririnig ko.
May isang estudyante pa ang binuhusan ako ng basura dahil bagay daw iyon saakin.
Hindi ko sila maintindihan kung bakit nila ginagawa iyon. Nakita ko pang isa sa mga estudyanteng nagbabato saakin si Elisha.
Nang makita ko ito ay nagmakaawa akong patigilin ang mga estudyante ngunit sinabihan lang ako nito na hindi ako nito kilala.
Nandidiring tinignan pa ako nito dahil dumikit sa uniform ko ang ilang basura pati ang amoy.
Hindi pa sila nakontento at binato ako ng malaking bato at tumama ito sa ulo ko kaya nawalan ako ng malay dahil sa lakas ng impak.
Nawala ang ingay nung oras na iyon. Pagkagasing ko nun ay sumakit ang ulo ko pati ang katawan ko.
Tinanong pa ako ng nurse kung saan ko daw nakukuha ang mga pasa at sugat ko.
Sinabi pa nito na isusumbong nya daw sa prinicipal ang nangyari dahil sobrang daming sugat at pasa ko daw sa katawan.
Ngunit nagmakaawa ako ditong huwag na sabihin. Pumayag naman ito sa huli. Mukang hindi nya alam ang nangyari saakin.
Hindi rin naman kasi mahahalata ang mga sugat at pasa ko dahil nagja-jacket ako. Mahaba din ang medyas ko kaya hindi makikita ang pasa at sugat ko sa binti.
Mahaba naman ang palda ng uniform namin kaya wala na akong problema. Minsan nga nagma-mask ako kapag pumapasok para takpan ang sugat ko sa mukha.
Kaya nga mas lalo nila akong pinagti-tripan dahil ang basura ko daw tignan dahil sa suot ko. Hindi ko nalang sila pinansin dahil wala naman akong magagawa.
Nang makauwi pa ako nung araw na iyon ay pagtanggal ko sa jacket ko ay nakita ko ang dugo sa uniform ko mula sa likod.
Nang tinanggal ko ang uniform ko ay isang malaking sugat ang nakita ko. Kahit nahihirapan ay ginamot ko mag-isa ang sugat ko.
Ayoko na kasing kay nanay maria dahil matanda na ito at baka mahirapan pa.
Kinagabihan pa ay nagwawalis ako sa sala ng biglang may humataw sa likod ko.
Napahiga ako nun sa sahig sa sobrang sakit ng likod ko. Nang tignan ko kung sino ang gumawa nun ay si Elisha. Tinawanan pa ako nito at hinataw muli ng baton na para sa majorette at sinabing ipagpatuloy ko daw ang paglilinis ko saka umalis.
Wala na akong nagawa at itinuloy ko ang paglilinis ko kahit dama ko ang pagkabasa ng likod ko at pagkirot nito.
Yun lang muna diary.
-Sadie
YOU ARE READING
Diary ni Sadie✔️
Fanfiction"Feeling like being dead is actually sounds better than alive..."