Sep 11 2013
Happy vacation diary.
Wala na kaming pasok ngayon dahil sembreak namin. Gusto ko sanang sumama sa mga kaklase ko dahil pupunta daw sila sa isang beach.
Kaso baka hindi ako payagan ni Ma'am Eli. Kinagabihan nung magpaalam ako kung pwede bang sumama ako sa mga kaklase ko at sobrang tuwa ko ng pumayag ito.
Kinabukasan ay pumunta na ako sa pagkikitaan namin. Nang nasa bus palang ay ilag na ang mga kaklase ko.
Syempre balot nanaman ako. Nang makarating na kami at naghahanda na sa pag ligo sa dagat ay tinawanan nila ako dahil magsi-swimming daw pero balot na balot ako.
Hindi ko nalang sila pinansin at naligo sa bandang malayo sa kanila. Tahimik ako naliligo mag-isa nun. Kita ko pa ang magagandang corals sa ilalim at makukulay na isda.
Ngunit nabulabog ang tahimik kong oras nung may biglang humila saakin at hinawakan ako sa balikat at pilit ako inululubog.
Sinubukan kong magpumiglas dito ngunit mabigat ito. Nauubusan na ako ng hininga ng oras na iyon. Nakalmot ko ito sa braso nito kaya nakawala ako at nakaahon.
Nang makaahon ako ay kita kong dali-daling pumunta ito sa adviser namin at lumuluhang nagsumbong dito na kinalmot ko daw ito.
Pinaahon ako ng adviser namin at tinanong ako kung totoo ba iyon. Magpapaliwanag na sana kaso nabigla ako ng sampalin ako nito at sigawan.
Sinabihan ako nito huwag ko daw dalhin ang pagiging salot ko doon. Yumuko lang ako at tahimik na umiyak. Habang pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko.
Sinabihan pa ako na hindi daw ako kakain ng hapunan namin. Hindi nalang ako umimik at bumalik na sa silid ko.
Hanggang sa muli.
-Sadie
YOU ARE READING
Diary ni Sadie✔️
Fanfiction"Feeling like being dead is actually sounds better than alive..."