March 6 2010
Magandang umaga diary,
Birthday ko ngayon diary. Bumili si nanay maria nang ulam at kanin sa karinderya sa labas ng village para may handa daw kami.
Hindi kasi sya pinayagan na ipagluto ako. Pero ayos lang dahil nag effort parin si nanay sa birthday ko.
Sya ang tumatayong nanay ko dito sa bahay. Sya ang lagi kong kakwentuhan.
Matanda na sya. Edad 68 na. Sinabi ko nga sa kanya na bakit hindi pa sya huminto sa pagta-trabaho kasi diba dapat nagpapahinga na ang matatanda?
Onga pala diary nung binigyan ko ng ulam si Ma'am Eli tinapon lang nito at sinigawan ako na hindi daw sya kumakain ng pagkain ng basura.
Masama yung sinabi nya pero anong magagawa ko? Alipin lang naman ako dito sa bahay nila.
Kanina nga palang hapon pinaglinis ako ng buong bahay pati ang bakuran. Kaya hindi ko na nakain yung biniling ulam ni nanay maria.
Hindi kasi ako pinayagan na kumain ngayong araw. Pero nung tulog na sila kinain kona yung biniling handa ni nanay maria kahit nangangamoy panis na.
Atleast nakain ko yung handa nya diba?
Sa susunod muli diary!
-Sadie
YOU ARE READING
Diary ni Sadie✔️
Fanfiction"Feeling like being dead is actually sounds better than alive..."