Page 10

2 0 0
                                    

November 19 2014

Hi diary,

May iku-kwento ulit ako sayo. Kanina nagpunta dito ang kapatid ni Cal. Ang saya ko nga nung pumunta sila dahil may makaka-kwentuhan na ako dito sa bahay.

Ang cute nga ng kapatid ni Cal eh. Si Terry ang sumunod kay Cal na 20 yrs old ng dalawang-taon at ang bunso nilang si Sam na 6 yrs old.

Kasama pa nila ang alaga nilang aso na si chamcham. Pinagluto ko pa nga sila ng meryenda kaso ayaw daw nila kumain dahil baka may lason daw.

Kaya wala na akong nagawa kundi itabi sa ref ang niluto ko at nag-order nalang sa fastfood chain. Ang dami ko ngang kinuwento kay Terry diary kahit nakatutok sya sa cellphone nya.

Nakalaro ko pa si Sam kahit binabato nya ako ng laruan. Ayaw nya daw kasi saakin. Kaya pinanood ko nalang syang maglaro.

Nakakatuwa nga dahil lumaki silang healthy at mabait. Alam ko namang hindi nila ako gusto para sa kuya nila.

Ayos na saakin ang makitang bumibisita parin sila dito saamin kahit napilitan lang sila.

Ilang araw na din kasing hindi umuuwi si Cal simula nung ikasal kami. Laging si ate mimi lang ang kasama ko sa bahay ang katulong namin.

Lagi ko nga kinukwentuhan iyon si ate mimi. Tuwang-tuwa pa sya ng malamang honored student ako sa school namin.

Natuwa din ako dahil unang beses na may natuwa sa akin.

Hanggang sa muli diary.

-Sadie

Diary ni Sadie✔️Where stories live. Discover now