Calvin
Nandito ako ngayon sa bahay. It's been month since that day happened.
Hindi ko alam pero simula nung mangyari iyon, parang may kulang, parang may hindi ako alam.
Umakyat ako sa kwarto nya at pinagmasdan ito.
Naalala ko lagi lang syang nandito. Nakatingin lang sya sa bintana. Minsan nagbabasa ng libro, at minsan naman nakatingin lang sa kawalan.
Yung ngiti nyang matamis. Yung boses nyang laging nakakapag-irita saakin. Yung tawa nyang nakakahawa. Yung kakulitan nya. Yung luto nya. Naglaho ng parang bula.
I sigh. Mapanlinlang, yun sya. Magaling syang manlinlang at magtago.
Hindi ko alam pero parang may dapat akong malaman.
Sini-sira nya ang relasyon namin ni Soleil. Kung hindi dahil sa kanya, edi sana kasal na kami ni soleil.
Kung hindi sya dumating...edi sana hindi mangyayari iyon sa kanya.
When she came, everything changed...even my feelings.
Pinagmasdan ko ang kwarto nya hanggang sa maalala ko ang diary. Binigay ito saakin ng babae. Lagi nya daw itong sinusulatan.
Kinuha ko ito dahil may nagtutulak saakin na kunin ito. Nang mabasa ko ang title ay may naguudyok saakin na basahin ito. Mas lalo akong na-curious nang mabasa ko ang nasa unang pahina.
"Everything has a limitations, even our lives."
Kumabog ang puso ko. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.
~~~~~~
A/N: Kung soft-hearted ka. Mararamdaman mo yung kirot habang binabasa mo ito. Ramdam mo yung lungkot sa bawat pahina. Ramdam mo yung sakit na pinagdaanan nya. Dahil ako, oo.Nagstart po sya ng 13 years old. And please para hindi po kayo malito check the date first, thankyou.
Vote and comments if you like it:)
YOU ARE READING
Diary ni Sadie✔️
Fanfiction"Feeling like being dead is actually sounds better than alive..."