March 6 2016
Hi diary,
Isang taon na ang lumipas. Isang taon na din simula nang mangyari iyon. Ang pagkawala ng anak ko. Nang lakas ko.
Bumalik ako sa bahay pagkatapos nang mangyari iyon. Walang ibang nakakaalam sa nangyari kundi ako at si Soleil.
Ako lang at ang ale ang nakakaalam sa pagkawala ng anak ko. Hindi alam ni Cal at wala akong balak na sabihin.
Ayoko masira ang relasyon nila. Diary, masyado na akong pagod. Sirang-sira na ako diary.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tuwing bumibisita sila mama at papa dito. Isang ngiti ang lagi kong pinapakita sa kanila kahit nasasaktan na ako.
Pagod na pagod na ako diary. Gusto ko nalang na magpahinga. Gusto ko makasama muli ang anak ko. Gusto kong mamuhay ng tahimik at payapa.
Simple lang naman iyon pero bakit hindi ko makuha?
Diary, ang sakit maisip nagiisa ako. Ngayon ko lang naisip na sino nga ba talaga ako?
Hindi ko talaga kilala ang sarili ko dahil tanging Sadie lang ang pangalan ko. Walang apelyido. Naalala ko nung inaasar ako ng mga bata dahil wala akong apelyido.
Madami ngang nagtataka pero hindi ko nalang ito pinansin. Alam ko kasing kahit ampon ako ni Ma'am Eli at Sir Trev hindi nila ipapagamit ang apelyido nila saakin.
Dahil isa akong salot. Diary, masama bang humiling nang magpahinga nalang habang buhay?
Hindi ko na talaga alam diary. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kanina nga napagbuhatan ako ng kamay ni Cal. Sinigawan ako nito na sinisiraan ko daw si Soleil. Ako naman wala lang ginawa kundi tumahimik.
Sanay narin naman ako sa ganun. Wala namang naniniwala saakin, so bakit pa ako magpapaliwanag? Bakit ko pa dedepensahan ang sarili ko kung wala namang naniniwala saakin?
Alam mo ba diary, hindi na ako nakatira sa kanila. Matapos kasing hatawin ako ng baseball bat sa ulo ni Soleil ay pinalayas ako nito.
Ang dala kolang ay ang ultrasound picture ni baby at ikaw diary ko. Walang kaalam-alam si Cal sa nangyayari. Hindi na din ako nag-abalang magsabi dahil alam kong walang maniniwala saakin.
Dumudugo ang ulong naglakad ako sa kalsada ng gabing iyon hanggang sa nahimatay ako.
Nagising ako na nasa hospital na ako. Isang babae at lalake ang nagbabatay saakin ng araw iyon.
Nakita daw nila akong duguan at walang malay sa kalsada. Nagpasalamat ako sa kanila sa kabaitan nila. Tinanong pa ako nila kung ano daw ang nangyari saakin.
Hindi ko naman sila masagot at naintindihan naman nila iyon. Ilang araw akong na confine sa hospital. Nagtataka nga ako kung bakit ang tagal ko dun.
Akalain mo yun diary. Birthday ko nangyari lahat ng iyon.
Hanggang sa muli diary.
-Sadie
YOU ARE READING
Diary ni Sadie✔️
Fanfikce"Feeling like being dead is actually sounds better than alive..."