Day 478

1 0 0
                                    

CALVIN

Nang mabasa ko lahat ay para akong nakagawa ng kasalanang malaki.

Nagumpisa nang tumulo ang pinipigilan kong luha.

Hindi ko alam na ganun pala ang pinagdaanan nya. Ang sama ko para pagbintangan sya.

Hindi nya deserve lahat ng nangyari sa kanya.

Ang sama-sama ko para hindi sya paniwalaan. Namatay pa ang anak namin ng dahil kay Soleil.

Akala ko hindi totoo ang mga sinasabi nya na sinasaktan sya ni Soleil dahil mas kilala ko ng matagal si Soleil ngunit nagkamali ako.

Isang simpleng buhay lang naman ang gusto nya bakit nya napagdadaanan ito?

Wala akong pinagkaiba sa mga taong nanakit at sumira sa buhay nya.

Simula nung nawala sya akala ko dahil naglayas lang ito. Hindi na nito nakayanan kaya lumayas nito.

Galit na galit pa ako sa kanya noon dahil akala ko sya ang nananakit kay Soleil at sinisiraan nito. Ang tanga ko para paniwalaan ang babaeng akala ko totoo.

Ilang araw din hinanap ni Mom at Dad si Sadie. Wala naman akong masabi sa kanila kaya ang sabi ko nalang ay naglayas ito.

Nung una nagulat sila dahil wala naman daw sa itsura ni Sadie. Sinabi ko pa sa kanila ang kasinungalingan ni Soleil na sinasasaktan nya ito.

Hindi makapaniwala si Mom. Mas nanaig pa ang kasiguraduhan nitong hindi totoo ang binibintang ko.

Hanggang sa may tumawag saamin. Saktong nasa bahay din nun sila Mom at dad pati ang mga kapatid ko.

May tumawag samin na sinabing nasa Hospital daw si Sadie. Nung una hindi ako naniwala dahil galit nga ako dito.

Sinabi ko pa ito kay Mom at hindi nag hesitate si Mom na puntahan ang address ng hospital.

Ilang beses ko pang pinigilan nun si mom dahil baka hindi totoo. Ngunit ganun na lamang ang gulat namin ng makita nga si Sadie nakahiga sa hospital bed at maraming aparato ang nakakabit sa katawan nito habang natutulog ito.

Natatandaan ko pa ang sinabi nung babaeng nagbabantay sa kanya.

(A/N: araw kung san nalaman ng pamilyang Lothaire ang nangyari kay Sadie kasama si Soleil ng araw na ito.)

"She's comatose. Ilang araw na syang naconfine dito sa hospital. Maayos naman ang lagay nya sa una hanggang sa maranasan nya ang paghilo at pananakit ng ulo. Akala namin nakatulog lang sya habang nagsusulat pero ilang araw na ang  lumipas at hindi pa sya nagigising. Nang pinaalam namin ito sa doctor ay nagulat kami ng malamang comatose sya."

Nagulat kami sa sinabi nito. Wala kaming kaaalam-alam na naconfine na pala sya.

"Ano na daw ang balita? Kailan daw sya magigising? Bakit na comatose sya?" tanong ni Mom.

Napabuntong hininga ang mag-asawa.

"Sa totoo lang hindi namin alam ang nangyari sa kanya. Nakita na lang namin syang nakahandusay sa kalsada at duguan habang may hawak na notebook at ultrasound. Akala nga namin buntis sya ngunit nalaman naming hindi. Sabi ng doctor may possibility na nakunan sya dahil sa result ay wala talaga."saad nung lalake.

Mas lalo kaming nagulat sa sinabi nito.

"Baka naman anak nya sa ibang lalake." saad ko.

Napalingon naman sakin sila.
"Iho kahit ilang araw lang namin nakilala si Sadie. Alam naming mabuti syang tao."saad nung babae.

Hindi nalang ako nagsalita at nakinig nalang sa usapan nila.

Diary ni Sadie✔️Where stories live. Discover now