Maagang gumising si Lianna upang maghanda ng umagahan para sa kanyang mga magulang at kapatid na si Luigi. Nakasanayan na niyang gawin ito bilang isang responsibilidad ng nakakatandang anak ng mag-asawang Mabini. Hindi man siya nakapagtapos ng kolehiyo at huminto sa pag-aaral ay tumutulong naman siya sa karinderya nila at umiextra naman tuwing gabi sa isang bakeshop.Sanay na siyang magbanat ng buto upang makatulong sa panggastos nila sa pang araw-araw at pag-papaaral sa nakababatang kapatid. Bagama’t naiinggit siya minsan sa mga nakikita niyang estudyanteng nag-aaral ay alam naman niya sa kaniyang sarili na may maipapagmalaki siya.
Sa pagluluto at pagbebake siya na ata ang panalo. Noong bata pa lamang kasi siya ay nahilig na siyang tumambay sa kusina at manood sa pagluluto ng kaniyang Nanay Melissa.
Pagkatapos nilang kumain ng umagahan ay nagpaalam ang kaniyang Tatay Ricardo. Nagtatrabaho kasi ito sa talyer ng kanyang kapatid na si Jack. Ang kaniyang Tito Jack ay napakabait at matulungin. Sa tuwing sila ay kapos sa pera ay dito sila umuutang. Agad naman itong binibigyan ng kanyang Tito Jack.
Naghuhugas ng pinagkainan si Lianna habang ang kaniyang ina naman ay nagkukwenta ng kita nila kahapon. Mamamalengke kasi sila ngayong araw upang mamili ng kanilang lulutuin sa kanilang karinderya. Si Luigi naman ay nag-aayos ng kaniyang uniporme upang maghanda sa kaniyang pagpasok sa eskwela.
“Nay hihingi sana ako ng singkwenta pampayad lang sa class fund namin.” Nakikiusap na sabi ni Luigi sa kaniyang ina.
Umentrada naman si Lianna sa usapan.
“Nay wag mo bigyan, baka ipanglaro niya lang yan sa computer shop.” Pang-aalaska ni Lianna sa kapatid dahil minsan kasi ay hindi ito nagrerecess dahil ipapanglaro lamang ng online games pagtapos sa eskwela.
“Ate ang epal mo, Nay wag ka maniwala riyan kay Ate. May babayaran talaga kami kahit itanong mo pa kay Luis.” Si Luis ay matalik na kaibigan at kaklase ni Luigi. Pareho silang nasa ika-sampong baitang at magkaedad.
“ Ah talaga, itatanong ko talaga kay Luis ang bagay na yan.” Pagsagot ni Lianna.
“ Ay huwag na pala Ate, alam kong sayo kakampi sa Luis. Lakas kasi ng pagkagusto sayo.” Lingid sa kaalaman ni Luigi na may gusto si Luis sa Ate niya. Noong una ay akala niya ay nagbibiro lang ito dahil alam niyang hindi nagseseryoso si Luis. Ngunit labis na nabigla si Luigi ng kausapin siya ng masinsinan ng kaibigan na gusto niya talaga si Lianna.
Napailing na lang si Lianna sa tinuran ng kapatid tungkol kay Luigi. Hindi niya ito siniseryoso dahil alam niyang napakabata ni Luis para sa kanya at isa pa wala pa sa kanyang isip na magkaroon ng nobyo.
Sumabat ang kanilang Nanay Melissa dahil baka magkapikunan pa ang dalawa.
“ Osiya, tumigil na kayong dalawa. Eto Luigi ang singkwenta, siguraduhin mong ipapampayad mo yan sa eskwela hindi sa computer shop. Bilisan mo na riyan sa pagbibihis at mahuhuli ka na sa klase mo” Ani ng kanilang nanay.
Bago umalis si Luigi ay dumila pa ito sa kaniyang ate upang maasar ito. Natatawa na lamang si Lianna sa inasal ng kapatid.
“Nay tapos na ako sa paghuhugas, pupunta na ba tayo ng palengke?” Pagtatanong ni Lianna.
“Osiya tara na baka wala na tayong maabutan na sariwang gulay kung tanghali na tayo gagayak sa palengke.” Balak ng ina na magluto ng pinakbet at ginataang papaya. Si Lianna naman ang nakaatas na magluluto ng specialty niyang sinigang at kare-kare.
Pagpunta nila sa palengke ay hindi pa ganon karami ang mga tao. Mabuti na lamang at maaga silang namalengke. Namili na sila ng kailangang bilhin. Nakamura sila sa ilang mga nagtitinda dahil napapansin ng ilan ang ganda ni Lianna at agad silang binibigyan ng bawas sa presyo.
BINABASA MO ANG
When I Call Your Name (Haciendero Series 1)
RomanceIpinanganak si Lianna mula sa hirap ngunit hindi naman siya pinagkaitan nang masaya at maayos na pamilya. Nagtagpo muli ang landas nila ni Zacharias sa hindi inaasahang pagkakataon. Pinilit ni Lianna na hindi mahulog sa binata ngunit ang kanyang pus...