Chapter 4

19 1 0
                                    


Nakaalis na ang aming sinasakyan sa Isla Cuevas matapos ang isang oras. Halos walong oras pa ang aabutin bago kami makarating sa Nueva Ecija. Ito ang una kong karanasan na lumabas sa lugar na aking kinalakihan. Siguro ay oras na rin para maging independent ako. Habang nagbibiyahe kami ay napatingin ako sa salamin sa harap upang tingnan ang driver. Mukhang mapapagkatiwalaan naman siya. Matagal na kaya siya nagtatrabaho sa mga Montecarlos?

Napansin naman niya na kanina pa ako tingin ng tingin sa kaniya. May katandaan na rin ito katulad ni Tatay.

“Ay iha, nakalimutan ko pa lang magpakilala sayo. Ako si Mang Bert.”

“ Ako po si Lianna. Matagal na po ba kayong nagtatrabaho kina Mrs. Montecarlos?” Pagtatanong ko sa kaniya.

“ Matagal tagal na rin iha, nasa dalawampong taon na rin.” Pagsagot naman niya. Nako napakatagal na pala niya nagtatatrabaho roon. Makakatagal kayo ako? Sana naman, ayokong madisappoint ang pamilya ko sa akin.

“ Edi kung ganoon ay kilalang kilala niyo po ang pamilya nila?”

“Oo naman iha”Aniya.

“ Pwede pong ikwento niyo kung anong klaseng pamilya po sila?” Napatango na lang si Mang Bert at nagsimulang magkwento.

“ Nagmula ang angkan na ito kay Señor Ontorio at Senyora Budecia Montecarlos. Nagkaroon sila ng tatlong anak at puro ito mga lalaki. Sobrang saya ng senyor dahil maipagpapatuloy pa rin ang apelyidong Montecarlos. Isa sa mga anak nila si Sir Paulrico Montecarlos. Lingid sa kaalaman ng lahat na napakayaman ng Montecarlos at napakarami nitong negosyo at ilang hacienda. Napunta ang Hacienda Ondecia sa kamay ni Sir Paulrico. Dahil sa pagiging mabait, matulungin at matalino nito ay napalago niya ang hacienda. Hanggang sa makilala niya si Ma’am Medina. Nako napakabait na asawa niya at ina sa anak nila.”

“ Ang ibig niyo pong sabihin ay sa Hacienda Ondecia tayo pupunta?” May pagtatakang saad ko.

“ Oo iha, hindi ba nasabi sa iyo ni ma’am?”Pagtatanong nito sa akin.

“ Ay hindi po. Ang sabi niya sa akin ay magiging personal cook po ako ng anak niya sa Nueva Ecija. Hindi ko naman po akalaain na sa may Hacienda sila nakatira.”

“ Personal cook ni Sir Zach? Mukhang mahihirapan ka sa anak nila. Hindi kasi iyon kumakain ng lutong bahay. Maging ang luto ng mayordoma ay hindi niya kinakain na paborito niyang kainin noong bata pa siya.” Sabi ni Mang Bert habang umiiling-iling pa.

Kung ganoon ay kailangan kong galingan para mapakain ko siya ng mga luto ko. Siguro naman ay may dahilan kung bakit di siya kumakain ng mga lutong bahay.

“ Bakit po kaya ganoon? Ano po ang dahilan niya?"

“ Hindi ko rin alam iha. Nag-aalala na kaming lahat sa mga kinakain niya. Kaya ikaw iha sana mapapayag mong kainin niya ang mga luto mo. Huwag mo sana siyang susukuan” Seryosong saad nito.

Tipid na ngumiti at tumango na lamang ako sa tinuran ni Mang Bert. Hindi naman siguro spoiled ang bata na yun dahil base sa kwento ni Mang Bert mababait naman ang magulang nito. Baka pag natikman niya ang sinigang ko ay makalimutan niya ang pangalan niya sa sarap.

Unti-unting napapapikit ang aking mata sa sobrang antok. Paggising ko ay bumungad sa akin ang malaking arko sa taas na may nakalagay na Hacienda Ondecia. Mukhang napasarap ata ang tulog at medyo kumakalam na ang sikmura ko. Habang tumitingin-tingin ako sa palagid ay natatanaw ko na malawak na plantasyon ng palay, mais,tubo, at pinya. Napakayaman talaga ng Montecarlos.

Maya-maya ay nasa harap na kami ng isang malaking mansion. Siguro ay ito na ang tirahan ni Mrs. Medina. Para siguro akong prinsesa sa pagpasok ko roon. Kinuha ko na ang aking mga bag at sumunod kay Mang Bert papasok ng mansion. Lubha akong namangha sa ganda at laki nito. Hindi ako nakakasigurado kung ilang palapag ito. Bigla namang dumating si Mrs. Montecarlos.

When I Call Your Name (Haciendero Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon