Pagbaba ko kinaumagahan ay nakita kong natataranta lahat ng katulong sa bahay. May sunog ba? Ano ang nangyayari? Pati sina Rina at Manang Chita ay hindi na rin magkandaugaga sa kanilang ginagawa. Si Ma'am Dina naman ay patuloy na nag-uutos sa mga katulong.
" Buti naman ay gising ka na. Tulungan mo na kaming maghanda rito" Pag-aya sa akin ni Rina.
" Ano ba ang nangyayari?" Napakunot na lamang ang aking noo sa kalituhan.
" Hay nako Lianna, tulog pa more. Darating ngayon si Sir Paulrico at ang magpinsang Montecarlos" Pagsagot nito sa akin.
" Sorry naman, ano ba pwede kong itulong?"Pagtatanong ko sa kanya. Napakaraming hawak kasi nito na mga plato. Halatang galing ito sa stock room, nilalabas nila ang mga bagong gamit.
" Samahan mo na lang ako mamalengke, napakarami ng nilista ni Nanay dito"Sabay pakita sa akin ng isang papel. Totoong madami nga ang nakalista rito.
" Oh ano pa hinihintay natin, tara na, mas maganda na maaga mamalengke Rina." Napatango na lamang siya sa akin bilang pagsang-ayon. Lumabas na kami at nag-abang ng tricycle. Ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa ring dumadaan.
" Napakamalas naman, wala pang masasakyan" Naiinis na wika ni Rina. Nalaman ko na wala si Mang Bert at susunduin sina sir Paulrico sa Maynila.
May bumusina sa harap namin at nakita ko na kotse ito ni Sir Zach. Biglang bumukas ang binatana nito at nakita namin ang kanyang mukha. Napahampas ng bahagya sa aking tagiliran si Rina. Ano nanamang problema nito?
" Come on, I'll drive you to the market" Pag-aya nito sa amin ngunit sa akin lang ito nakatingin.
"We can manage sir, may dadaan naman sigurong tricyle" Mabilis ko namang pagtanggi.
" Sir hindi namin matatanggihan yan" Pagsagot naman ni Rina. Mabilis akong tumingin sa kanya ng masama. Binalikan naman niya ako ng tingin na nagsasabing pumayag na kaming sumakay sa sasakyan ni Sir Zach.
Wala naman akong nagawa at pumasok na papuntang back seat. Naupo na kami ni Rina ngunit tumingin naman sa akin si Sir Zach.
"How many times will I say to you that always sit in front. I'm not your driver" Masungit na sabi nito. Kaya ayokong sumakay sa kanya eh. Nagsusungit nanaman siya. Napatingin naman ako kay Rina at nakita kong natatawa pa siya. Grabe talaga tong babaeng to. Lumabas na ako at pumunta sa harapan katabi niya.
Mabilis naman kaming nakarating sa palengke. Masasabi kong mas malaki ito kaysa sa palengke sa Isla Cuevas. Nagsimula na kaming mamili ng mapansin kong nakasunod sa amin si Sir Zach. Sanay kaya siya rito sa palengke? Ngunit sa aking tingin ay hindi.
"Rina nakasunod sa atin si Sir, mukhang hindi siya sanay sa ganitong lugar" Mahinang pagbulong ko kay Rina. Napatingin naman siya sa gawi ni Sir at lumapit sa kanya.
" Sir maaari po kayong maghintay na lamang sa inyong sasakyan. Kayang-kaya na namin 'to ni Lianna" Nakangiting sabi ni Rina. Tumitig naman sa kanya si Sir na naging sanhi ng pagkirot ng aking dibdib. Anong bang nangyayari sa akin?
" It's okay. I can manage to go in places like this" Seryosong pagsagot nito at sandaling sumilip sa kinatatayuan ko.
" Okay sir, eto po kasing si Lianna baka raw po napapagod na kayo" Nakangising saad ni Rina. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa kaniyang pagsisinungaling. Wala naman akong sinasabing ganun. Hinila ko ang braso ni Rina palayo kay Sir at marahan pang pinisil-pisil ito. Nakita ko pa ang pagtaas ng kilay ni Sir at ang paghagikhik ni Rina. Kanina pa niya ako inaasar kay Sir. Namili na kami ng mga ilang ulam katulad ng manok, karneng baboy at itlog.
" Miss bili na kayo rito, one hundred fifty na lang ang isang kilo nitong manok" Pagsasabi ng lalaki na ikinakuha ng aking atensiyon. Tumigil kami roon upang bumili.
BINABASA MO ANG
When I Call Your Name (Haciendero Series 1)
RomanceIpinanganak si Lianna mula sa hirap ngunit hindi naman siya pinagkaitan nang masaya at maayos na pamilya. Nagtagpo muli ang landas nila ni Zacharias sa hindi inaasahang pagkakataon. Pinilit ni Lianna na hindi mahulog sa binata ngunit ang kanyang pus...