Bumalik si Rina na humihingal pa na halatang galing sa pagtakbo. May dala na siyang flashlight at nagsuot siya ng jacket. Kung sana binilisan niya edi sana hindi ko nakilala ang lalaking yun. Sino kaya siya?
" Rina bakit ang tagal mo?" Pagsabi ko na may inis sa boses. Hindi ko mapigilan ang iritasyon sa aking boses dahil hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin sa aking utak ang sinabi ng lalaki.
" Woah kalma girl. Matagal ba yung tatlong minuto? May nangyari ba?" Pagtatanong niya.
" May nakita kasi akong lalaki dito sa puno ng mangga. Nabato ko siya ng bato kasi akala ko kapre" Mahinahong paliwanag ko.
" Baka isa sa mga trabahador yon Lianna" Pagsagot naman ni Rina.
" Hindi eh, nakita ko na rin siya dati sa Isla Cuevas kasi nagpaayos siya ng sasakyan kay Tatay. At isa pa ay bihasa siya magingles."
" Hmm baka mga bisita lang ng Montecarlos. May mga small houses pa kasi rito kung saan nagiistay ang mga investors nila.Pero gwapo ba o matanda na?"Saad nito habang may nanunuyang ngisi sa kanyang labi.
" Matanda at kulubot na ang balat ng lalaking iyon kaya siguro ay napagkamalan kong kapre. At isa pa ang pangit ng ugali niya" Hindi mapigilang sabi ko.
Hindi ko sinabi ang tunay na hitsura ng lalaki dahil naiinis pa rin ako. Pero totoo namang pangit ang ugali niya. Sana nga lang ay hindi siya bisita ng Montecarlos dahil baka hindi pa ako nagsisimula ay sisante na ako.
Hindi na namin pinag-usapan ang nangyari sa akin. Naglibot-libot kami sa paligid ng mansyon at tama nga si Rina na napakasarap sa pakiramdam ng hangin dito. Ayaw pa sanang umuwi ni Rina ngunit pinilit ko siya dahil kailangan kong maagang matulog upang maipaghanda ng pagkain ang anak ni Ma'am Dina. Pagbalik naming sa mansyon ay iniintay na pala kami ni Manang Chita.
" Ano ba ang ginawa niyo at gabi na kayo nakabalik Rina? Sinama mo pa talaga tong si Lianna."
" Nay diyan lang naman kasi labas, naglakad-lakad lang" Pagsagot ni Rina sa ina.
" Osiya sige, papanhik na ako sa taas at matutulog na. Sumunod ka kaagad Rina, ikaw rin Lianna matulog ka na" Pagtukoy nito sa akin.
Umakyat na rin kami at niyakap muna siya bago ako pumasok sa aking kwarto. Pagbukas ko sa sa pinto ay hindi pa rin ako makapaniwala na akin ang silid na ito. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang family picture namin.
" Nay, tay, Luigi kamusta na kayo riyan? Sana ay ayos lang kayo. Habang ako ay gagawin ko ang lahat para maiahon kayo sa kahirapan. Goodnight fam" Pangangausap ko sa picture frame at nilagay ito sa taas ng table. Humiga na ako at ipinikit ang aking mata. Sana ay maging maayos ang unang araw ko.
Gumising ako ng alasais at inaayos ko muna aking mga damit at inilagay sa aparador. Pagkatapos ay bumaba na ako papuntang kusina upang maghanda sa pagluluto. Nadatnan ko roon si Manang Chita na nagluluto.
" Good morning Manang, ano po ang niluluto niyo?" Pagtatanong ko sa matanda.
" Nako nagprito lang ako ng itlog, bacon at ham. Hindi naman mapili si Ma'am Medina. Osiya ikaw anong lulutuin mo para kay Sir Zach?" Balik niyang pagtatanong sa akin.
" Balak ko po sanang magluto ng fried rice at pork adobo. Magugustuhan niya po kaya ito?."
" Siguro ay magugustuhan niya kung matitikman niya yan. Iha pilitin mong mapakain yan si Zach. Nagtatampo na ako sa batang yan at hindi na kinakain ang luto ko" May lungkot sa boses ng matanda.
" Ah nasaan na nga po ba si Rina?"
" Mga alasyete pa ang gising non Lianna. Hindi ko na ginising at masarap ang tulog niya." Mukhang napagod ata sa paglalakad namin kagabi si Rina. Medyo inaantok pa kasi ako kaya kailangan ko marinig ang boses niya para magising ako.
BINABASA MO ANG
When I Call Your Name (Haciendero Series 1)
RomanceIpinanganak si Lianna mula sa hirap ngunit hindi naman siya pinagkaitan nang masaya at maayos na pamilya. Nagtagpo muli ang landas nila ni Zacharias sa hindi inaasahang pagkakataon. Pinilit ni Lianna na hindi mahulog sa binata ngunit ang kanyang pus...