Pag-uwi ko sa bahay ay nakita kong may hinanda ng pagkain si Nanay. Ang mga tirang pagkain sa karinderya ang madalas na kinakain namin sa kinagabihan. Bumungad naman sa aming sala si Luigi na nagcecellphone habang bukas ang tv. Talaga naman ang batang to nagsasayang ng kuryente.
“ Luigi kung hindi ka nanonood ng tv ay patayin mo na lang. Hindi yang nagsasayang ka ng kuryente na para bang madami tayong pambayad.” Pagsasaway kong sabi sa kapatid.
“Ate nanonood ako” Pagsagot naman niya.
Nainis naman ako bigla. Hindi naman kasi talaga siya nanonood ih , naglalaro lang siya sa cellphone niya. Pumunta ako malapit sa saksakan at tinanggal ito. Akala niya siguro ay makakayan-kayanan niya ako.
“ Ate ano ba naman yan, napakakill joy mo” Naiinis na saad ni Luigi.
“ Kayong dalawa nagkakapikunan nanaman. Luigi kung hindi naman nakatutok yang mata mo sa tv ay patayin mo na lang. Mahal na ang bayad sa kuryente ngayon. Ikaw naman Lianna sunduin mo na nag tatay mo sa talyer ng Tito Jack mo para saba-sabay na tayong kumain ng hapunan” Mahabang saad ni Nanay.
Bakit kaya gabi na at wala pa si tatay. Ito ang unang beses na ginabi siya ng walang paalam.
“Nay bakit po ginabi na si tatay ngayon?” Pagtatanong ko.
“Out na kasi raw dapat nila kaso may biglang dumating na costumer at mukhang kailangan nang makabiyahe ngayong gabi kaya tinatapos nila. Hinatayin mo na lang ang tatay mo roon kung di pa tapos” Pagsagot naman nito.
Lumabas ako ng bahay na hindi pinapansin si Luigi. Naiinis pa rin ako sa kanya. Habang ako ay naglalakad ay napagtanto ko na wala pala akong dalang flashlight. Kahit kasi may street lights ay may parte pa rin na lubhang madilim. Malapit na ako sa talyer at naririnig ko ang malakas na boses ni tatay.
“Ser mukhang kailangan niyo pang maghintay ng tatlong pong minuto para makabiyahe” Wika ni tatay.
“It’s okay. I can wait. I need to drop off my mom in our home tonight.” May malamig na boses na saad nito.
Nako mukhang mayaman ang costumer nina tatay ngayon kaya siguro ay ginabi na. Halatang sanay sa Ingles, siguro ay hindi to isang Pilipino. Tumapat ang lalaki sa liwanag at nakita ko ang bahagi ng kanyang mukha. Bigla kong narinig ang pagtatagalog niya at naliwanagan ako na isa siyang Pinoy siguro ay may dugo lang na banyaga o kaya ay tumira sa ibang bansa.
Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad at humarap kina tatay.
“ Tay matagal pa ba yan? Naghihintay na sa inyo si Nanay sa bahay” Walang pakundangan kong sabi.
“ Ano ka ba naman Lianna, mahiya ka naman kay Sir. Maupo ka muna sa silya roon para hindi ka mangalay kahihintay sa akin.” Humingi ng tawad naman si tatay sa sir na ito.
Nang makita ko sa malapitan ang kaniyang mukha ay lalo kong napagtanto na napakagwapo niya pero mayaman kaya dapat layuan.
Umupo na lamang ako sa silya habang tinitingnan ang ginagawang pag-aayos ng sasakyan ni tatay.
“ Kayo rin sir, umupo muna kayo ron sa tabi ni Lianna at baka ngalayin din kayo.” Noong una’y akala ko ay tatanggi siya na umupo sa tabi ko ngunit laking gulat ko ng sinunod niya nga ang sinabi ni tatay.
Naamoy ko agad ang matapang niyang pabango na nanuot sa aking ilong. Nakakaadik ang amoy niya. Bigla akong naconscious sa aking katawan at pasimpleng suminghot kung ano ang aking amoy. Hindi na masama, hindi pa naman ako nangangamoy. Kung alam ko lang sana na ganitong sir pala ang nasa talyer edi sana naligo ako.
Biglang dumating si Tito Jack na may dalang pitsel at baso. Akala ko ay wala siya yun pala ay kumuha ng tubig.
Wala pang asawa si Tito Jack kahit medyo may katandaan na rin ito katulad ni tatay. Hindi ko nga alam sa kanya kung may balak pa mag-asawa.
“Oh Lianna nandiyan ka pala, hinihintay mo ba ang tatay mo?”Pagtatanong nito.
“Opo mukhang matatagalan pa po eh.”
“ Oh siya sige, Lianna oh tubig, ser kayo rin tubig” Pangyayaya nito sa aming dalawa.
Tumango na lamang itong sir na para bang sinasabi na ilagay na lang sa mesa ang tubig at kung siya ay nauuhaw ay siya na lamang ang kukuha.
Naglagay ng tubig sa baso si Tito Jack at akala ko ay sa lalaki ito ibibigay ngunit sa akin pala. Natapig ko ang baso sa gulat kaya nabasa ang damit ng lalaki maging ang aking paa.
Humingi naman ako at si Tito Jack ng tawad sa lalaki. Binigyan naman siya ni Tito Jack ng pamunas na kanya namang tinanggap. Habang ako naman ay pinunasan ni Tito Jack sa aking paa.
Napakamasikaso talaga nitong si Tito. Biglang umigting ang panga ng lalaki. Naiinis ba siya? Nako lagot na mukhang galit siya.
Matapos ang trenta minuto ay naayos na rin ang sasakyan. Hay salamat makakauwi na rin kami. Nauna akong tumayo sa upuan at lumapit ng bahagya sa kinatatayuan ng sasakyan. Tumayo na rin ang lalaki at hindi ko inaasahan ang paglapit ng kaniyang mukha sa aking tainga.
“Next time if you’re going to go outside don’t wear something like that. You’re so naive that people can easily take advantage of you,”matigas na wika nito at sumakay sa kaniyang sasakyan.
Walang nakakita sa kinatatayuan namin kanina dahil medyo madilim ang parteng iyon. Naiwan akong nakatulala. Nagising lamang ako sa katinuan nung tinawag ako ni Tatay na uuwi na kami.
Pag-uwi namin sa bahay ay iniisip ko pa rin ang sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan pero ang alam ko lang galit siya o di kaya naman ay naiinis sa akin.
Pagtapos naming kumain ng hapunan ay naghugas ako ng pinagkainan at nahiga. Nagpalit muna ako ng damit ng maalala ko ang calling card na binigay sa akin ni Mrs. Montecarlos. Sana ay huwag dumating sa punto na tatanggapin ko ang alok niya at mawawalay ako sa aking pamilya.
Paggising ko ay may nakita ko na may ilaw sa kusina. Mukhang naunang nagising si nanay kaysa sa akin ngayon. Tumayo ako at pumunta sa kusina. Laking gulat ko na si Luigi ang nakita ko roon. Nagluluto siya ng itlog habang luto naman na ang sinaing.
Ano kaya ang nakain ng batang to?
“ Kung sino mang espiritu ang nasa loob ng katawan ng kapatid ko, lumabas ka.” Sabay acting ko na may hawak na krus. Bigla namang sumimangot ang mukha ng kapatid ko.
“ Tss lakas ng tama mo Ate. Peace offering ko lang to dahil sa nangyari kagabi” Saad ni Luigi.
Agad naman akong pumunta sa likod niya at inilagay ang kamay sa kanyang leeg na para bang sinasakal.
“ Wah baby bro, ang sweet mo naman pakiss nga” Nang-aasar na wika ko.
Hahalikan ko sana siya sa pisngi ng ang palad niya ang lumapat sa mukha ko. Napanguso na lang ako sa ginawa niya. Lumabas sina Nanay at Tatay sa kwarto at nagulat din ang kanilang reaksyon. Tawang-tawa naman ako dahil kanina pa nakasimangot ang mukha ng kapatid ko. Wala ng mas sasaya pa sa ganitong uri ng pamilya.
BINABASA MO ANG
When I Call Your Name (Haciendero Series 1)
Roman d'amourIpinanganak si Lianna mula sa hirap ngunit hindi naman siya pinagkaitan nang masaya at maayos na pamilya. Nagtagpo muli ang landas nila ni Zacharias sa hindi inaasahang pagkakataon. Pinilit ni Lianna na hindi mahulog sa binata ngunit ang kanyang pus...