Kanina ay binati ko si Zach nang makasalubong ko siya sa may sala ngunit hindi niya ako pinansin. Bad mood ba siya? Dahil siguro ay umalis na sina Sir Norwege kaninang madaling araw.
Naisipan kong ipagluto siya ngayon ng Chicken Picata II. Nakita ko lang ang recipe na ito sa internet at mukhang masarap. Noong una ay nagdadalawang-isip pa ako kung ipagpapatuloy ko ang pagluluto nitong lemon flavored chicken dahil hindi ko pa ganon kabisado ang recipe nito ngunit naisip ko na ayaw rin naman siguro ni Zach nang paulit-ulit na ulam.
Matapos kung lutuin ito ay hinanda ko na ito upang dalhin sa kwarto niya. Sana naman ngayon ay magustuhan na niya ang luto ko.
Nakasalubong ko si Ma'am Dina at medyo nahiya pa ako sa tingin niya sa akin.
" Para kay Zach ba 'yan Lianna?" Pagtatanong niya.
" Opo Ma'am Dina. Akyat na po ako" Ngumiti na lamang ito bilang pagsang-ayon.
Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto niya. Sana naman ay hindi niya ako sungitan ngayon. Mukhang nagbago ata ang mood niya, hindi katulad kahapon.
" Sir.. I mean Zach, ihahatid ko lang sana ang makakain mo." Paalam ko sa kanya.
Bumukas ang pinto at napatalikod ako agad nang makita kong wala siyang suot na damit. Nako naman, napakahilig niya talagang maghubad.
" Zach baka pwede ka namang magdamit muna." Kinakabahang saad ko.
" Damit pa lang ang wala 'ko Lianna, paano pa kaya pag-."
Pinutol ko ang kanyang sinasabi dahil ayokong marinig pa ang kasunod ng tinuran niya.
" Sir please... n-nandito l-lang ako up-pang ibigay ang pagkain niyo." Nautal na ako sa aking sinasabi dahil sa sobrang kaba. Bakit parang umiinit ata ang paligid ko? Naramdaman ko na rin ang unting butil ng pawis sa aking noo. Bakit kasi ang hot niya?
Narinig ko ang pagtawa niya." Pag wala na akong pagkain ang ibig kung sabihin Lianna. If I don't have my food, I won't have a hot body like this? Right Lianna?" Nang-aasar ba siya?
Humarap na ako at mabuti naman ay suot na niya ang t-shirt niya.
"Malakas ko bang nasabi na hot siya? Nakakahiya" Mahina kong bulong sa sarili.
" So you find me hot? Do you wan't to touch it" Nakangising wika ni Zach. Nakakahiya talaga na narinig niya ang bagay na iyon.
" No.. Ayoko... I mean sabi ko kasi Zach baka nilalagnat ka kaya mainit ka.." Pagpapalusot ko dahil sa kahihiyan.
" Are you sure you don't want to touch it? Libre pa 'to Lianna, baka sa sunod may bayad na" Pang-aasar nanaman nito sa akin.
May sumapi ba sa kanya dahil bigla siyang naging pilyo? Ibang Zacharias ata ang kaharap ko.
" Sir sigurado ka bang ikaw yan? Baka naman may kakambal ka rin gaya nina Sir Akilion at Osirinio?" Paninigurado ko sa kanya.
Napakunot naman ang kanyang noon na tila naguluhan.
" Of course I am.. and what is this sir again Lianna? Call me Zach please, I like my name when it comes from your mouth" Nakangiting wika nito. Mas lalo atang naging gwapo siya sa paningin ko. Namula naman ako at binago ang usapan.
"Heto nga pala ulit ang pagkain mo Zach. Chicken Picata II yan, lemon flavored chicken. Sana magustuhan mo." Wika ko. Sana lang talaga ay magustuhan naman niya sa pagkakataong ito ang niluto ko.
" Lemon flavored?" Tila natigilan siya at nagtanong.
" Oo, may problem ba? Hindi mo ba nagustuhan? Gusto mo bang bumili na lang ako sa restaurant sa labas?" Sunod-sunod na tanong ko.
BINABASA MO ANG
When I Call Your Name (Haciendero Series 1)
RomanceIpinanganak si Lianna mula sa hirap ngunit hindi naman siya pinagkaitan nang masaya at maayos na pamilya. Nagtagpo muli ang landas nila ni Zacharias sa hindi inaasahang pagkakataon. Pinilit ni Lianna na hindi mahulog sa binata ngunit ang kanyang pus...