Chapter 10

14 1 0
                                    

Ala una na ng umaga ngunit hindi pa rin ako makatulog. Patuloy na bumabagabag sa akin ang mga sinabi ni Sir Zach. Naiinis ako dahil hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Lumabas ako ng kwarto upang pumunta sa veranda ng mansyon. May mga ilaw pa rin naman sa hallway ng palapag ng aking kwarto.

Napabuntong-hininga ako ng makita ko ang mga bituin at ang buwan. Naramdaman ko rin ang marahang paghaplos ng hangin sa aking balat. Naalala ko na ilang araw na pala akong hindi nakakatawag kina Nanay. Kamusta na kaya sila? Siguro bukas ay tatawag ako ulit.

“Why are you still awake?”Saad ng isang lalaki na hindi ko mawari kung sino dahil nasa dilim ito. Unti-unti pa itong humakbang upang lumapit sa akin na aking ikinatakot. Napawi naman agad ito ng nakita ko na si Sir Norwege ito.

“ Kayo pala yan Sir Norwege, natakot naman ako sayo” Saad ko sa kanya. Napatawa siya ng kaunti sa aking sinabi.

“I’m sorry... if natakot kita, bakit gising ka pa?”

“Hindi po kasi ako dinadalaw ng antok, hindi ko rin po alam kung bakit hindi ako makatulog” Naiinis kong wika sa kanya.

“Kayo sir, bakit gising pa kayo?” Pagtatanong ko naman sa kanya.

“ Namamahay siguro ako, hindi ata ako sanay sa ibang higaan” Mapagbirong ani nito. Sa tingin ko ay mabait na tao si Sir Norwege. Napakagaan ng loob ko sa kanya.

Napakahabang katahimikan ang namayani sa buong veranda. Walang nagsalita sa aming dalawa at tila dinama na lamang ang ganda ng kalangitan. Nakakahiya kasi magsalita muli.

“ Zach is only child like me. Sa magpipinsan, siya ang pinakamalapit sa akin. He’s understanding and if he truly love that person he’ll treasure her or him. His not really good with words, if you know what I mean, pero iba ang ipinapakita niya. Oo masungit siya, he’s like that eversince he was a child but the truth is, he is a loving person” Mahabang pagkukwento nito.

“ Ah..eh.. Sir, bakit niyo sa akin sinasabi to?”Naguguluhan kong wika.

“ I don’t know, I just feel that I need to” Seryoso nitong saad. Kung totoo man ang sinabi nito siguro ay hindi ko pa talaga tuluyang kilala si Sir Zach.

“Have you ever been inlove?” Pagtatanong nito sa akin. Bahagya pa akong nagulat dahil sa kanyang tanong.

“Hindi pa Sir, wala rin akong balak na magmahal ng lalaki sa ngayon, my family is more important right now.” Napapaenglish talaga ako pag kausap ko ang mga Montecarlos, hays.

“We don’t know when will Cupid hits us. Sabi nga, pagtinamaan ka, tinamaan ka” Natatawang wika nito. Pati ako ay natawa rin dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko alam he’s a romantic type of guy.

“But really Lianna, love is unexpected and powerful. It can make us happy but it can be source of our pain. It can destroy us but then it can also fix us. What do you think happened to Zach because of love?” Makahulugang wika nito.

May kaugnayan ba ito sa first love ni Sir Zach. Nasaktan ba siya ng sobra sa babaeng una niyang minahal? Patuloy pa rin ba siyang nabubuhay sa nakaraan?

“Nasaktan ba siya sa first love niya?” mausisa kong tanong. Napatingin naman siya sa akin. Nako baka isipin niya na tsismosa ako kaya alam ko na may first love si Sir Zach.

“ Ah..kasi sir narinig ko lang naman kina Manang Chita” Defensive kong sabi.

Napangiti naman siya at muling sinabi,” Parte ng pag-ibig ang sakit. I’ve seen how he loved her. I think that he’s still inlove with her but I think something change. Something is happening, Zacharias is doomed.... But I hope he’ll choose the right person. Kaya Lianna sana mapagtiyagaan mo si Zach, I hope you can see the true Zacharias Jake.”

When I Call Your Name (Haciendero Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon