Pinatawag ako ni Ma'am Medina sa garden matapos ang pag-uusap namin ni Rina. Kinabahan ako dahil baka isumbong ako ng anak niya. Hindi ko kasi mawari ang takbo ng isip nito. Pagpunta ko sa garden ay nakita ko siya na nagdidilig ng mga halaman. Nang makita niya ako ay lumapit siya sa aking kinatatayuan at nagtanggal ng gloves.
" Lianna, I'm sorry sa inasal ng anak ko kanina" Ani ng ginang.
" Nako ma'am wala po 'yon, ako nga po dapat ang humingi ng tawad dahil hindi ko nagawa ang trabaho ko." Nako patawad na rin sana sa ginawa ko sa anak niyo, hays. Alam kong napakalaki na ng galit niya sa akin ngayon.
Ngumiti na lamang siya at nagbukas ng panibagong usapan.
" By the way, kamusta na ang tatay mo?" Pagtatanong nito sa akin.
" Yun na nga po eh di ko pa po sila natatawagan simula ng nakarating ako dito" Pagsagot ko naman sa kanya. Nawala sa isip ko na tawagan sila Nanay. Miss ko na sila, sobra.
" You should call them now, hindi naman magtatanghalian dito si Zach kaya wala ka namang gagawin" Malungkot na saad nito.
Masama na kung masama ngunit ayoko muna makita si Sir Zach. Tumalikod na si ma'am at nagdilig muli ng kanyang halaman. Ako naman ay lumabas ng mansyon at tumawag kina Nanay. Siguradong miss na rin nila ako.
" Anak kamusta na?" Pagsagot ni Nanay sa tawag ko.
" Maayos naman ako dito Nay, kayo po ba riyan?"
" Ayos naman kami dito ng Tatay at kapatid mo... Oh nandito na pala ang Tatay mo."
" Anak tinatrato ka ba nang mabuti riyan?" Pagtatanong ni Tatay. Hay kung pwede ko lang sa kanila sabihin na napakagaspang ng ugali ng boss ko at ang lalaking naging costumer niya sa talyer ay iisa.
" Maayos na maayos tay, sobrang ganda po rito sa Hacienda. Napakayaman po ng mga Montecarlos" Sagot ko naman kay Tatay.
" Basta lagi mong tandaan na huwag ka magpapaapi riyan. Tumawag ka sa amin agad pag may problema ka" Saad ng aking ina. Narinig ko naman ang boses ni Luigi sa kabilang linya. I miss my baby brother dearly.
" Ate baka may nanliligaw na sa iyo riyan huh?" Narinig ko naman ang tawa ng aking magulang. Hay nako hilig talagang mang-asar ni Luigi.
" Ano ka ba bro, wala akong manliligaw dito. Hindi ako pumunta dito para sa ganoong bagay" Seryoso kong saad.
" Very good ...my dear sister." Akala mo mas matanda siya sa akin, napakaoverprotective.
Narinig ko naman ang pagsigaw ni Manang Chita sa akin. Maghahanda na raw kami para sa tanghalian ni Ma'am Dina. Agad naman akong nagpaalam sa kanila at ibinaba ang tawag. Buti na lang talaga ay may telepono para mabawasan ang pagkamiss ko sa kanila.
Sumunod naman ako agad kay Manang Chita at nakita ko siyang nagluluto. Si Rina naman ay nakaupo habang kumakain ng mansanas. Ang babaeng ito talaga puro kain ang inaatupag kaya laging pinapagalitan ni Manang Chita.
" Oh Lianna buti nandito ka na, tulungan mo ako rito at wala akong maasahan diyan kay Rina. Baka malason pa ang kakain kung siya ang magluluto." Napatawa naman ako agad. Hindi kasi marunong magluto si Rina. Isang beses nang matikman ko ang niluto niya ay ayoko ng maulit pa iyon.
" Nay grabe ka talaga sa anak mo. Ganda lang kasi meron ako" Nakangusong saad ni Rina. Napahalakhak ako sa sinabi niya. Lakas ng confidence ng babaitang ito.
"Anak hindi ka man lang ba tinubuan ng hiya? Hindi kita tinuruan na magsinungaling" Pambibiro ni Manang Chita sa anak. Napakasaya ko talaga pagkasama ko silang dalawa. Nawawala lahat ng inis na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
When I Call Your Name (Haciendero Series 1)
RomansaIpinanganak si Lianna mula sa hirap ngunit hindi naman siya pinagkaitan nang masaya at maayos na pamilya. Nagtagpo muli ang landas nila ni Zacharias sa hindi inaasahang pagkakataon. Pinilit ni Lianna na hindi mahulog sa binata ngunit ang kanyang pus...