Naisip ko na ang kahihinatnan ng aking magiging desisyon. Basta ang nasa isip ko lang ngayon kung paano namin maitutuloy ang pagpapagamot kay tatay. Alam kong doble ang magiging kita ko kung tatanggapin ko ang alok ni Mrs. Montecarlos. At alam kong magiging mabait din siyang amo sa akin. Kinuha ko ang aking cellphone at tinext ang ginang.Lianna:
Ma’am gusto ko lang po sabihin na tinatanggap ko nap o ang alok ninyo.
Makalipas ang tatlong minuto ay nagreply ito.
Mrs. Montecarlos:
Hindi ka magsisisi sa desisyon mo Iha. You can start this Friday. I’ll just ask my driver na sunduin ka ng Thursday. Medyo malayo-layo kasi ang biyahe kaya mas maganda na mas maaga ka ng isang araw.
Lianna:
Maraming salamat po ma’am. Asahan niyo po na pagbubutihin ko ang trabaho ko.
Matapos ang tatlong araw, Miyerkules ngayon. Nakalabas na si Tatay sa hospital at nakabili na rin kami ng paunang gamot niya. Hindi na namin pa pinagtrabaho si tatay at isa pa nakasara ang talyer ng aking tiyuhin. Hindi pa namin malaman kung hanggang kailan siya tatakas sa batas.
Habang kumakain kami ng umagahan ay naisip ko na sabihin ang desisyon kong magtrabaho sa Nueva Ecija.
“ Ah may gusto sana akong sabihin sa inyo.” Panimula kong saad sa kanila.
“ Ano Ate buntis ka? Sinong ama?.” Naghihisteryang wika ni Luigi.
Binatukan naman siya ni tatay dahil sa kaniyang sinabi. Talagang napakatabil ng dila ng lalaking to.
“Loko kang bata ka, eh wala nga yang nobyo, mabuntis pa kaya.” Pagtatanggol naman sa akin ni Tatay.
“ Eh Tay malay mo naman may secret boyfriend tong si ate Lianna.” Nang-aasar na wika ng aking kapatid.
“ Osige ikaw na magsalita dito Luigi, mukhang alam mo naman sasabihin ko eh” Sarkastikong wika ko.
“ Osiya tama na yan, Lianna ano ba talagang sasabihin mo.” Wika naman ni nanay,
“Kasi po may isang costumer po na nagustuhan ang gawa kong cake roll at ube cheese pandesal. Nagpakilala po siyang Mrs. Montecarlos. Nagoffer po siya sa akin na maging personal cook ng anak niya. Kaso nga lang po ay sa Nueva Ecija pa.” Pagkukwento ko sa kanila.
“ Medyo malayo nga iyon. Pero anak malaki ka na, kung ano ang desisyon mo ay susuportahan ka namin.” Sabi ni Nanay.
“ Tama ang Nanay mo anak, kung sa tingin mo ay makakatulong yan sa atin ay tanggapin mo na ang alok na iyan. Malay mo may malaking opurtunidad sa lugar nayan.” Dagdag pa ni Itay.
Tumingin naman kami kay Luigi na parang naghihintay kung ano sasabihin niya.
“ Oh anong tinitingin-tingin niyo sa akin?”Pagtanong ni Luigi na napatigil pa ang kanyang pagsubo sa kinakain.
“ Baka may gusto kang sabihin?” Pabalik kong tanong sa kaniya.
“ Pasalubong na lang at hindi kita mamimiss” Wala sa loob na sabi nito.
Tawang-tawa ako saking kaloob-looban dahil alam kong taliwas ang nararamdaman niya sa kanyang sinasabi. Hindi man showy tong kapatid ko alam kong mahal na mahal niya ako.
“ Pasalubong agad naman to. Oo nga pala bukas na ang alis ko."
“ Ha? Ano? Bakit ngayon mo lang sinabi sa amin kung kailan malapit ka na umalis.” May inis sa tono ng aking kapatid. Tingnan mo to hindi raw ako mamimiss pero siya ang unang nagreact.
BINABASA MO ANG
When I Call Your Name (Haciendero Series 1)
RomanceIpinanganak si Lianna mula sa hirap ngunit hindi naman siya pinagkaitan nang masaya at maayos na pamilya. Nagtagpo muli ang landas nila ni Zacharias sa hindi inaasahang pagkakataon. Pinilit ni Lianna na hindi mahulog sa binata ngunit ang kanyang pus...