Beware of some scenes that are not suitable for young readers.
Makalipas ang tatlong araw ay ganun pa rin ang routine ko. Gigising ng maaga upang maghanda ng makakain, mamalengke, magluluto at syempre papasok sa bakeshop .
Linggo ngayon ang ibig sabihin ay day off ko ngayon sa bakeshop. Nagbabantay ako ngayon sa karinderya ng may nagtext sa akin mula sa hindi kilalang numero.
Unknown Number:
Hi Lianna. This is Medina Montecarlos. I just want you to know that you can still accept my offer. Just text me back.
Muntikan ko na makalimutan ang offer ni Mrs. Montecarlos. Hindi ko na lamang siya nireplayan dahil wala rin naman akong sasabihin sa kaniya.
Bigla namang dumating si Tatay at inutusan akong manghiram ng screw driver kina Tito Jack. Hindi kasi pumasok ngayon si tatay sa talyer at may kukumpunihin muna sa bahay.
Pumunta ako sa talyer at nakita kong walang tao dito. Pumunta naman ako sa bahay niya na malapit sa talyer. Tinawag ko ang pangalan ni Tito Jack ngunit walang sumasagot. Pumasok na lang ako sa loob. Napakakalat ng bahay niya. May mga bote pa ng alak at sigarilyo sa sahig. Dapat na talaga na mag-asawa siya.
Nakita ko ang isang bulto ng lalaki at alam kong si Tito Jack yun. Humaharap siya sa akin na may mapulang mata at maitim na ang ilalim nito. Napahigit ang aking hininga at natakot sa aking tito na animo’y ibang tao ang kaharap.
“ Lianna halika rito.” Maawtoridad na wika nito na mukhang may balak nag gawing masama.
“Nako Tito, aalis na ako. Magbabantay pa ako sa karinderya” May takot sa boses ko.
Hahakbang na sana ako palabas nang biglang higitin niya ang aking braso at inamoy-amoy ang aking leeg. Kinagat ko ang kaniyang kamay at kinuha ang pagkakataong iyon upang makatakas.
Tumakbo ako palabas ng kaniyang bahay pabalik sa karinderya. Patuloy ang pag-agos ng aking luha at nanginginig pa ang aking katawan. Nakita ko si tatay na naghihintay sa labas. Nagulat siya ng makita akong umiiyak.
“ Tay, si Tito, si T-tito..” Hindi na pinatapos ni tatay ang aking sinasabi dahil alam na niya ang ginawa ng kapatid niya.
“ Ang gagong yun, mapapatay ko siya!,” Nanggigigil na umalis si tatay at susugod sa bahay ng aking tiyuhin.
Ang konting mga tao naman sa karinderya ay sumunod sa pinuntahan ni Tatay. Biglang dumating si Nanay at sinumbong ko ang nagyari.
“ Nay si tatay sumugod kina Tito, n-nay p-pigilan mo si tatay...” Umiiyak kong saad.
Napatakbo na rin si Nanay sa nangyari. Bawal mabigla ang emosyon ni tatay baka mahigh blood siya at maaaring makasama sa kanya. Nakita kong papalapit si Mang Danyo sa akin.
“ Lianna ang tatay mo nahimatay habang hinahabol ang tito mo.” Humihingal na saad nito na galing pa sa pagtakbo.
Bumalik ako sa bahay ng tiyuhin at nakitang may nagkukumpulan sa labas. Doon ata nahimatay si tatay. Tumawag agad ng ambulansiya ang kapitbahay namin at itinakbo siya sa hospital.
Nasa labas lamang kami nina Nanay at Luigi na hindi mapakali sa nangyari. Napahikbi ako habang sinisisi ang aking sarili sa nangyari. Diyos ko, ikaw na po bahala sa tatay ko.
Lumabas ang doktor mula sa silid ng aking tatay. Labis akong kinakabahan kung ano man ang sasabihin ng niya sa amin. Para bang nauubusan na ako ng hininga at medyo nandidilim pa aking paningin. Napahawak ako sa kamay ni Luigi dahil baka mamaya ay matumba na ako sa aking kinatatayuan.
BINABASA MO ANG
When I Call Your Name (Haciendero Series 1)
RomanceIpinanganak si Lianna mula sa hirap ngunit hindi naman siya pinagkaitan nang masaya at maayos na pamilya. Nagtagpo muli ang landas nila ni Zacharias sa hindi inaasahang pagkakataon. Pinilit ni Lianna na hindi mahulog sa binata ngunit ang kanyang pus...