Nagising ako sa aking silid. Paano ako napunta rito?Ang naalala ko lang ay nahimatay ako habang nag-aabang ng sasakyan. Umangat ako nang bahagya sa aking kama ngunit biglang sumakit ang aking ulo. Ano ba talaga ang nangyari sa akin.
Bumukas ang aking pinto at pumasok si Rina sa loob ng aking kwarto. May dala-dala siyang mangkok at nakita kong soup ang laman nito.
" Mahiga ka muna Lianna." Nilagay niya ang kanyang palad sa aking noo at napangiwi siya. " Mataas pa rin ang lagnat mo" Seryosong saad nito.
" Sino ang nagdala sa akin dito?" Pagtatanong ko sa kaniya.
" Kagabi kasi ay sinabi ko kay Nanay ang pag-uusap niyo ni Sir Zach. Halos isang oras na ang nakakalipas at di ka pa rin nakakabalik kaya inabangan ka namin ni Nanay sa may gate. Nakasalubong namin si Sir Zach at tinanong niya sa amin kung nasaan na ang pagkain na pinapabili sayo. Ngunit sinabi namin na hindi ka pa nakakauwi simula ng kinausap ka niya. Pinacontact ka pa sa amin ni sir Zach kaso naalala ko na wala akong numero mo. Saka mabilis siyang umalis at pumunta sa sasakyan niya" Mahabang paliwanag niya.
Si Sir Zach ba talaga ang nagsundo sa akin? Baka nakonsensya siya sa pag-uutos sa akin. Dapat lang naman na makonsensiya siya dahil sinong matinong tao ang mag-uutos sa isang babae na lumabas sa gabi at pumunta sa lugar na hindi pa siya pamilyar.
Hindi naman sa nagrereklamo ako ngunit halatang pinapahirapan niya ako.
"Rina alalayan mo ako, magluluto pa ako ng agahan ni Sir." Nako baka magalit sa akin si Ma'am Dina.
" Sabi ni Sir ay magpahinga ka raw muna. At isa pa alas diyes na ng umaga. Gulat ka no?!" Nakangising wika nito. Ano ba ang nangyayari kay Sir Zach at mukhang bumait ata?
" Sinabi talaga ni Sir 'yon?" Hindi makapaniwala kong saad. Tiningnan ko siya sa mata upang malaman kung nagsasabi siya ng totoo.
"Oo promise, sinabi niya na huwag na kita gisingin para maghanda ng breakfast niya" Sabi ni Rina.
" So sino naghanda ng umagahan niya?" Pagtatanong ko.
" Naghanda si Nanay ng umagahan para kay Sir kaso umalis nanaman siya para sa labas kumain."
" Sige na magpahinga ka na muna" Dagdag pa nito. Iniwan na ko ni Rina at ako naman ay nahiga muli. Susulitin ko na ang pahinga ko at ang kabaitan ni Sir Zach dahil baka ngayong araw lang to. Pinikit ko na lang ang aking mata at natulog ng mahimbing.
Paggising ko ay alas dose na. Tumayo ako at medyo nahilo pa ako pero mas okay na ang aking pakiramdam kaysa kanina. Bumaba na ako papuntang kusina kahit medyo nanghihina pa ako. Nakita ko naman si Manang Chita na naghahanda na ng pagkain.
"Lianna bakit bumaba ka na? Maayos na ba ang pakiramdam mo?"
" Medyo maayos na po ako Manang. Magluluto pa ako para kay Sir Zach." Inilagay niya ang kanyang palad sa aking noo .
" Mainit ka pa. Dapat ay nagpahinga ka na lamang" Ani Manang Chita.
" Nako Manang kailangan ko na po talagang magluto. Hindi ko na po nagagawa nang maayos ang trabaho ko." Napailing na lamang si Manang Chita sa aking sinabi.
Bigla namang pumasok si Rina sa kusina.
" Lianna magaling ka na ba?" Pagtatanong nito.
" Hindi pa rin Rina, pareho kayong pasaway" Pagsagot naman ni Manang Chita.
Hindi naman ako napigilan nila na magluto ng pananghalian ni Sir. Lumabas na kami pagkatapos at pumunta sa dining hall. Nakita ko na papaalis na si Sir ngunit kausap pa si Ma'am Dina. Napunta ang kanilang tingin sa aking gawi.
BINABASA MO ANG
When I Call Your Name (Haciendero Series 1)
RomanceIpinanganak si Lianna mula sa hirap ngunit hindi naman siya pinagkaitan nang masaya at maayos na pamilya. Nagtagpo muli ang landas nila ni Zacharias sa hindi inaasahang pagkakataon. Pinilit ni Lianna na hindi mahulog sa binata ngunit ang kanyang pus...