Nakasakay kami sa kabayo ni Sir Zach habang ako ay nasa likod niya. Nakayakap ako nang bahagya sa kanyang baywang dahil ayokong mahulog. Wala naman sigurong malisya ang ginagawa kong paghawak sa kanya.
Nakarating na kami malapit sa may Mago Falls. Dito kasi nila iiwan ang mga kabayo nila. Nakita ko naman agad ang masayang mukha ni Rina. Mukhang naenjoy ata sumakay sa kabayo ni Sir Akilion.
" Nanalo kanina sa karera pero ngayon lang kayo dumating" Nakangising wika ni Sir Norwege. Ang totoo mabagal talaga ang pagtakbo ng kabayo kanina. Medyo nabigla pa nga ako dahil akala ko ay kasing bilis ng pagpapatakbo niya kanina ang gagawin niya.
"Alam niyong may sakay ako, wag niyo kong umpisahan." Nako ayan nanaman po ang pagsusungit ni Sir Zach.
"Sungit, ang sabihin mo gusto mo lang makasabay nang matagal" Pang-aasar nito. Talaga namang gusto atang magalit ni Sir Aki si Sir Zach.
" Wag niyo na asarin, baka umamin." Pagsabat ni Sir Osirinio. Aba lahat ata sila tinutukso kami ni Sir Zach. Tumingin sa akin si Sir Zach na para ba akong hihigupin. Matagal pa sana ang aming pagtititigan nang hilahin ako ni Rina paalis.
" Hoy ano ginagawa niyo ha? Walang kukurap challenge?"Sabay pag-irap pa nito.
" Saka mo na ako asarin kapag hindi ka na kinikilig dahil kay Sir Akilion." Dapat lang hindi ako papatalo. Lagi na lang akong talunan tuwing inaasar niya ako kay Sir Zach eh.
" Hala ka Lianna, friendship over na lang talaga pag narinig niya ang sinabi mo" Madramang wika nito. Masyadong oa naman tong si Rina, ang layo-layo kaya nila sa kinatatayuan namin.
Dinala ako ni Rina sa likod ng malaking bato. Nakita ko pang may hawak siyang plastic na may lamang damit.
" O ayan, sabi ko naman sayo diba pagbalik natin dito ay maliligo na tayo. Charan! Nagdala na ako ng mga damit natin." Inabot niya sa akin ang isang t-shirt na kulay grey at isang shorts. Napatango na lamang ako at nagbihis na kami.
Sumunod na kami papunta kina sir Zach. Nakita ko pa ang pagkunot ng noo niya habang papalapit kami. May ginawa nanaman ba ako?
" Oy ready na kayo magswimming?" Nagtatanong na saad ni Sir Akilion. Gusto ko sanang barahin si Sir Aki pero naunahan ako ni Sir Osi.
"Ay hindi Akilion, ready na sila mangisda" Sarkastikong wika nito na ikinatawa naming lahat. Nakita ko ang pagtawa ni Sir Zach ngunit ng makita niya ang titig ko ay muling sumeryoso na lamang ito.
" Saan nga kayo nagpalit ng damit?" Pagtatanong ni Sir Norwege.
" Diyan lang sa may malaking bato Sir" Pagsagot ko. Narinig ko pa ang mahinang mura ni Sir Zach at natawa na lamang ang magpipinsan.
Nagulat ako dahil sa pagmumura niya." Minumura niyo ba ako Sir?!" May inis sa tonong sabi ko. Lumakas ang halakhak nila sa sinabi ko habang si Rina naman ay pangisi-ngisi lang. Sana ol may alam.
"Of course not! Bakit kita sisigawan?!" Mataas na boses nito.
"Yan ba ang hindi sumisigaw?!" tumaas na rin ang boses ko. Napatahimik ang lahat nang sumigaw ako. Naiinis kasi ako sa kanya. Nagagalit nanaman siya na walang dahilan.
Magsasalita na sanang muli si Sir Norwege ngunit tumalikod agad ako upang umalis at maligo sa falls. Baka kasi maiyak ako sa harap nila sa sobrang inis.
" Lianna sandali, saan ka pupunta?" May pag-alala sa tono nito.
" Huwag kang mag-alala Rina, hindi naman ako lalayo. Diyan lang ako para maligo sa talon." Tumango na lamang siya at nakita ko pa rin ang bakas nang pag-aalala sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
When I Call Your Name (Haciendero Series 1)
RomanceIpinanganak si Lianna mula sa hirap ngunit hindi naman siya pinagkaitan nang masaya at maayos na pamilya. Nagtagpo muli ang landas nila ni Zacharias sa hindi inaasahang pagkakataon. Pinilit ni Lianna na hindi mahulog sa binata ngunit ang kanyang pus...