Pumunta na kami ni Rina sa kusina upang tumulong na muli sa paghahanda. Nadatnan namin si Manang Chita na nagluluto. Tumulong naman ako agad at si Rina naman ay pinagmasdan na lamang ang ginagawa naming dahil wala siyang alam sa pagluluto.Nalaman ko na balak magluto ng kare-kare ni Manang Chita dahil paborito raw ito ni Sir Paulrico. Nagpresinta ako na magluto ng kare-kare dahil alam ko namang kabisado ko ang pagluluto nito. Sumang-ayon naman si Manang Chita upang mapabilis ang aming pagluluto.
Inihain na namin sa dining hall ang mga pagkain. May narinig kaming halakhakan sa labas at sa tingin ko ay nariyan na sina Sir Paulrico.
“Bilisan niyo na ang pagkilos, nariyan na sina Sir at Ma’am” Saad ni Manang Chita. Binilisan namin ang pagkilos at marahang sumilip sa pagdating ng mga bisita. Nakita ko agad ang matandang bersyon ni Sir Zach. Batid ko ay siya sa Sir paulrico. Magkahawak kamay sila ni Ma’am Dina papasok ng dining hall. Sana all.
Nakita ko naman sa kanilang likuran si Sir Zach at ang magpipinsan. Kung gwapo sila sa litrato sa internet ay mas gwapo sila sa personal. Magagandang lahi talaga ang Montecarlos. Wala atang hindi magandang lalaki sa kanila. Naramdaman ko naman na may humampas sa aking pwet na aking ikinagulat.
“ Aba Lianna, nagsosolo ka diyan. Share share ng papable"May panunuyang sabi nito.
“ Ano bang pinagsasabi mo Rina? Tara na sa dining hall, kanina pa tayo hinihintay ni Manang Chita” Pag-iiba ko sa aming usapan.
Tinitigan muna niya ako ng matagal bago kami humilera sa may dining hall. Umupo na silang lahat at nagusap-usap. Parang isang hari si Sir Paulrico at reyna naman si Ma'am Dina. Para namang mga prinsipe ang magpipinsan. Kung ano-ano nanaman ang pinagiisip ko, hays.
“ Buti naman ay napabisita kayo rito mga iho” Nagagalak na sabi ng ginang sa mga binata.
“Of course Tita Din, nakakahiya naman po kasi sa anak niyo. Wala po atang balak na bisitahin kami sa Maynila at sa Hacienda namin kaya kami na lang pupunta dito” May pagbibirong wika ng isang lalaki ngunit nakakatiyak akong si Sir Akilion ito.
“Oh shut it Aki, I don’t want you here” Masungit na anas ni Sir Zach. Pati ba naman sa kaniyang mga pinsan ay napakasungit nito, wala talaga siyang pinapalampas.
“Oh come on Zach, wag kang ganyan. Alam ko namang miss mo na kami. Saka wag mo kong sungitan, sawa na ako sa pagsusungit ng kakambal ko” pagtukoy nito kay Sir Osirinio. Napaismid si Sir Osirinio at napatawa ang mag-asawa sa sinabi ni Sir Akilion.
“Stop it Aki, hindi ko talaga alam kung kakambal ba kita."Totoo ngang masungit ito kagaya ni Sir Zach.
“Bakit mo naman nasabi iyan iho?” Natatawang tanong ni Sir Paulrico. Mukhang sanay na siya sa lokohan ng magpipinsan.
“He’s so loud Tito Paul. Para siyang babae” Pang-aasar nito sa kakambal na ikinanguso naman ni Sir Akilion. Hindi naman siguro may dugong berde to Sir Aki, sadyang ganyan lang ang kaniyang personalidad at palaging inaasar ng kakambal.
“Norwege, kampihan mo naman ako. Inaasar nila ako oh” Parang batang saad ni Sir Aki. He’s so cute.
“Not now Aki, ilang beses mo na pinasakit ang ulo ko” Seryosong saad ni Sir Norwege. Mukha siyang seryoso sa buhay at seryoso sa babae hindi katulad ni Sir Akilion. Bakit ko ba sila pinagkukumpara?
Narinig ko na ilang beses na palang sinasampahan ng kaso si Sir Akilion dahil sa paglabag nito sa ilang kontrata niya sa pag-aartista. Minsan pa raw ay hatinggabi ay tumatawag si Sir Akilion kay Sir Norwege tungkol dito. Sakit pala talaga siya sa ulo.
BINABASA MO ANG
When I Call Your Name (Haciendero Series 1)
RomanceIpinanganak si Lianna mula sa hirap ngunit hindi naman siya pinagkaitan nang masaya at maayos na pamilya. Nagtagpo muli ang landas nila ni Zacharias sa hindi inaasahang pagkakataon. Pinilit ni Lianna na hindi mahulog sa binata ngunit ang kanyang pus...