Binuksan na ni Sir Norwege ang mga tupperware na dala nila. Hindi naman sobrang ready nila no?Nakita ko pa ang ngiting-ngiti sa mukha ni Sir Akilion habang nakikita ang ilang pagkain. Gutom na gutom na ata siya.
" Buti na lang madaming hinanda si Manang Chita. Atsaka nagdala pa ako ng ice cream, tamang-tama to sa tag-init." Dali-dali niyang binuksan ito at naghagalpakan kami sa sobrang tawa dahil may laman itong isda, hindi ice cream. Napasimangot si Sir Akilion sa nakita.
" Damn, bakit may tilapia rito?" Inis na saad nito.
" Hala sir, si nanay kasi mahilig maglagay ng isda sa mga pinaglagyan ng ice cream" Medyo nahihiya at natatawang saad ni Rina.
" Scam pala tong ice cream na to eh, ipapatulfo ko to."
Napatawa nanaman kami dahil hindi niya naalala na abogado si Sir Norwege, bakit kailangan pa magpatulfo.Nagpatuloy ang kalokohan ni Sir Akilion tungkol sa isda.Tama nga si Sir Osirinio, sobrang ingay nga ng kakambal niya.
Naglatag sila ng blanket sa may damuhang parte at dun kami naupo at nagsimulang kumain. Katabi ko sa kaliwa si Rina habang sa kanan ko naman ay si Sir Osirinio. Napatingin ako kay Zach sa aking harapan upang malaman kung kumakain siya. Ngunit sa nakikita ko ay mga prutas lang na dala ang kinakain niya. Talaga bang hindi siya kakain ng mga luto ni Manang Chita?
" Dude, ayaw mo ba 'tong sisig na luto ni Manang Chita? The best dude, I swear." Pang-aaya ni Sir Norwege kay Zach. Unti-unti na ata akong nasasanay na tawagin lamang siya sa kanyang pangalan ah. Mabuti ba ito?
"Stop it Norwege, I'm fine with these fruits." Napadako ang lahat sa gawi niya. Nako ang sungit nanaman niya.
" Grabe talaga Lianna yang Sir Zach mo na yan. Tingnan mo hindi na nga kinakain ang mga luto mo, pati na rin ang mga luto ni Manang Chita" Pagsusumbong nito sa akin. Tumaas ang kilay ni Sir Akilion na para bang may gustong sabihin sa akin. Wala naman akong maintindihan sa pinaggagaagawa niya.
" She's slow Aki, stop doing that. Just please let us eat peacefully." Nakita ko ang maliit na ngiti ni Zach. Teka lang, ako ba yung sinabihan niya na slow?
Nang unti-unti ko iyong napagtanto may nag-udyok sa akin na taasan ng kilay si Zach.
" Uh-oh" maikling bigkas ni Sir Osirinio na parang inaasar kami. Pati ang tingin sa akin ni Rina ay ganon din. Nako nakita pa naman niya kami ni Zach na magkalapit ang katawan. Nako naman.
Nagpatuloy kami sa pagkain at nakita kong ubos na ang kanin sa plato ko. Sasabihan ko na sana si Sir Norwege na iabot ang lalagyan ng kanin ngunit may nagsandok na sa aking plato. Napaangat ang aking tingin at nakitang si Zach 'yon.
Napangiti ako at nagpatuloy pa rin siyang nagsandok ng kanin at ulam sa akin.
" You should eat more, you're so thin" Seryosong sad nito sa akin.
" I think you should eat too. Ayan tuloy napaenglish na rin ako dahil sayo." Napatawa siya at di makapaniwalang tiningnan ako.
" Some other time, Lianna... some other time." Makahulugang wika niya.
" Iintayin ko yan Zach."
Nakarinig ako ng pag-ubo at huli na ng mapagtanto namin na may kasama nga pala kami. Sinalubong ko ang mga mata nila na para bang di makapaniwala sa nakita nila. Grabe nakakahiya, bigla kasi akong naging kompartable kay Zach.
" Ay wow, Zach na lang pala ang tawag mo Lianna? Buti pumayag?" Panguguna ni Sir Aki.
" That's so unfair Lianna, Zach lang tawag mo sa kanya. Tapos sa'min nagsisir ka" Kunyaring nagtatampong saad ni Sir Norwege. Si Rina ay di rin makapaniwala sa mga nangyayari dahil nanlalaki pa rin ang kanyang mata. Gusto kong matawa ngunit nakakahiya naman dahil mga seryoso ang kanilang mukha.
BINABASA MO ANG
When I Call Your Name (Haciendero Series 1)
RomanceIpinanganak si Lianna mula sa hirap ngunit hindi naman siya pinagkaitan nang masaya at maayos na pamilya. Nagtagpo muli ang landas nila ni Zacharias sa hindi inaasahang pagkakataon. Pinilit ni Lianna na hindi mahulog sa binata ngunit ang kanyang pus...