Chapter 9: Coldness

157 4 16
                                    

Dedicated to DefinitelyChaos

THIRD PERSON'S POV

Makalipas ang ilang araw ay nakauwi na rin si Acie. Ngunit bago ito'y iniadvice ng ng doktor na uminom siya ng ilang vitamins at iwasan ang mastress dahil maselan ang pagbubuntis niya't maaari siyang magkaroon ng bleeding kung magpapatuloy ang ganitong estado ng kanyang emosyon. Dumaan sila sa pharmacy at bumili ng mga niresetang gamot. Pati na ng ilang mga prutas. Matapos niyon ay inihatid na nila Apollo't Qwerty si Acie sa bahay ng mga ito.

Nang makauwi sila galing ospital ay malinis na ang bahay. Lalung-lalo na ang parte kung saan nabasag ang mga piraso ng vase na nasagi ni Acie noong nakaraang araw. Kung noong nakalipas na mga araw ay masayang umuuwi si Acie rito, ngayo'y mapait na ngiti ang nakapaskil sa mga labi nito mula ng unang tumapak ito sa kanilang bahay. Tahimik rin ito't hindi gaanong nagsasalita. Kung noong nakaraang araw ay puno ito ng saya ngayo'y para itong hangin na dumadaan-daan lang.

Tila nawalan ito ng ganang makita ang asawa. Kahit anino nito'y ayaw na ayaw nitong makita. Noong mga araw na nasa ospital pa si Acie ay laging naroon si Querem. Ngunit lagi itong pinapaalis ni Acie. Matapos paalisin ni Acie si Querem noong nakaraang nagising siya'y napakatigas ng ulo nito at sa tuwing nagigising siya'y nakikita niya ang pagmumukha ng manlolokong iyon.

Pinaki-usapan pa ni Acie si Qwerty na paalisin si Querem dahil umiinit ang dugo nito pag nakikita niya ni kapirasong buhok nito. Hindi naman nabigo si Acie dahil sa tuwing nagigising siya'y kusang umaalis si Querem. Na ikinatutuwa ni Acie. Kapag kasi naroon ang asawa'y naaalala lang niya ang panlolokong ginawa nito sa pang-limang pagkakataon. Naging maayos naman si Acie sa ospital dahil inaalagaan siya nila Apollo't Qwerty.

Pinaupo ni Qwerty si Acie sa sofa na naroon sa sala. Samantalang ito nama'y dumiretso sa kusina't inilagay roon ang mga pagkaing kanilang pinamili bago sila umuwi. Matapos nito'y bumalik si Qwerty sa sala't tinanong si Acie kung anong gusto nitong kainin.

"May gusto ka bang kainin, Acie?" Nakangiting tanong ni Qwerty rito

Tiningnan lamang siya ni Acie ng ilang segundo't hindi nagsalita

Napabuntong-hininga na lang si Qwerty at hinila si Apollo na nakaupo sa single sofa ng sala't sinabihang magluto ng pagkain para sa kanilang tatlo. Naiwang mag-isa si Acie sa sala. Nakatingin ito sa kawalan. Parang ang dami-dami nitong iniisip at tila nahuhulog ito sa kaisipang iyon. Hindi niya namalayang muling bumagsak ang kanyang mga luha.

Nasa ganoon siyang estado ng datnan siya ni Qwerty. Dali-dali itong lumapit sa kanya at inalo siya.

"Acie, why are you crying? May problema ba? May masakit ba sa'yo? Alam mo namang makakasama sa baby mo ang too much stress diba?" Alo ni Qwerty kay Acie habang tinutuyo nito ang mga luha nito

"Ate, ang sakit-sakit kasi, e! Hindi ko na kaya. Hindi ko pa kayang makita si Querem sa ngayon. Kasi pag nakikita ko siya nasasaktan ako! Alam mo 'yon? Ang sakit-sakit lang kasi na ibinigay ko nang lahat pero patuloy niya pa rin pala akong niloloko kapag nakatalikod ako!" Umiiyak na saad ni Acie kay Qwerty

Pinawi nito ang mga luhang kumakawala sa mga mata nito't niyakap ito at patuloy na inalo. Nasasaktan rin ito para sa kapatid. Naaawa siya rito. Ngayon pa't buntis ito. Ang laki naman kasing tanga ng kakambal niya, e!

Napakaswerte nito dahil mayroon siyang napagmahal na asaw pero anong ginagawa niya? Patuloy pa rin niya itong ginagago! Kapag lang talaga may nangyaring hindi maganda kay Acie ako na mismong kapatid niya ang makakalaban niya! Hindi ko alam kung bakit napakatanga ni Querem at patuloy pa rin siyang naghahabol sa babaeng 'yon! Hindi ba papasok sa makitid nitong utak na kasal na yung tao.

I'm Marrying The Worst (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon