SOMEONE'S POV
"Is everything settled now? Ayokong pumalpak ito this time! Marami nang nasayang na taon. Hindi ko na hahayaang lumipas pa ang isang taon." Saad ko naman sa kausap ko
Kasalukuyan ko itong kausap via google meet. Alam kong alam niya kung bakit ako tumawag. Hindi ko na hahayaan pang mas masira silang dalawa. Masyado na silang maraming pinagdaanan. Oras na para kumilos.
At sisiguruhin ko ang lahat na magkakabalikan silang dalawa.
"Yes, siguruhin mo lang talaga na mag-kakaayos sila, a! Kung hindi kakalbuhin kita." Turan nito bago sumimsim sa kopitang hawak-hawak nito
Napatawa ako sa itinuran nito.
"Don't worry akong bahala." Ani ko bago nagpaalam na papatayin ko na ang tawag
Pagkapatay ko ng tawag ay bigla na lamang lumapit ang fiancé ko. Oo, matapos ang ilang taon malapit na kaming magpakasal. Umupo ito sa tabi ko at ginawaran ako ng yakap at masuyong halik sa aking mga labi.
"You sure about it?" Tanong nito na tipong hindi sigurado at puno ng pag-aalinlangan
"Yes, I'll returning the favor he do for me. A thank you gift for them tho? Maraming taon na rin ang nasayang sa kanila. Alam ko namang mahal pa nila ang isa't-isa kahit gaano pa nila ito itanggi sa kanilang sarili lalung-lalo na si Querem. Alam kong mahal na mahal niya si Acie." Pahayag ko rito habang sumiksik ako sa mga bisig nito
QWERTY'S POV
Ang napakaharot na Marga balak mag-Paris! Talaga namang kinarir ang pagiging kupido, e! Anong pinakain ni Acie doon at ganoon na lamang ang pagkagusto nitong magkabalikan ang mga in denials! Talaga namang dinamay pa talaga ako! Well, gusto ko rin namang sumama dahil namiss ko ang babaeng 'yon!
Mantakin mo bang hindi ako imbitahan sa sariling kasal? Dalawang beses kinasal tapos hindi ako inimbita!? Kakainis diba? Kukutusan ko talaga 'yang si Marga pagdating sa Paris! Samantalang nung pinadalhan ko siya ng wedding invitation ko'y hindi pa 'ko nakuntento at talaga namang lagi kong pinapaalala.
As in walang araw na hindi ko ito tinatawagan. Natatawa na nga lang si Apollo sa ginagawa ko noon. Kamuntikan na nga itong hindi makapunta dahil kailangan daw itong puntahan. Kamuntilan ko nang itakwil ito sa pagiging matalik na kaibigan! Pero alam niyo kung anong ginawa ng Marga na 'yon?
Mantakin mo bang bigla na lamang sumulpot at umuwi rito sa Pilipinas ng walang pasabi sa araw ng kasal ko. Kamuntikan ko nang sabunutan, e! Napakahilig niya sa mga ganoong bagay. Parang tanga diba? Pero alam niyo sobrang naluha ako noong nakita ko siyang nakangiting sinalubong ako ng yakap.
Well, nasabihan ko na pala ang oa kong kakambal ika nga ni Marga na umuwi na ng bansa si Acie. Ang walangya ginawa akong carousel! Inikut-ikot ako sa harap ng boards! Masyadong natuwa at bumalik na ang asawa after seven years. Hindi ko naman siya masisisi sa sobrang saya niya.
Ikaw ba naman ang walang sex ng pitong taon! Tingnan lang natin kung hindi ka maexcite! Ayun na nga, kailangan ko na palang sabihan itong kakambal kong head over heels sa asawa niya na pupunta kaming Paris dahil nagkaproblema ang isang naking branch doon. Alam ko kasi ngayon rin lilipad pa-Paris si Acie dahil nag-offer si Marga na magbukas ito ng restaurant doon.
Kasalukuyan ko palang kukulitin ang magaling kong kakambal. Noong isang araw matapos ko kasing ibalita na nakauwi na si Acie ay tinapos na nito ang meeting sa pagitan ng mga boards. At mantakin mo ba namang tanungin ako kung gusto ko daw bang maglunch kasama siya. Syempre naman libre 'yon ay hindi ko na pinalampas. Dinala niya 'ko sa paborito naming kainan at inorder niya ang mga paborito naming pagkain.
![](https://img.wattpad.com/cover/71533920-288-k319153.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Marrying The Worst (Completed)
RomanceDalawang taon na... Dalawang taon na akong nagdurusa sa pagmamahal ko kay Querem Tuazon. Patuloy pa rin akong umaasa na sana ako naman ang piliin niya. Na sana makalimutan na niya si Amie. Kailan niya ba matatanggap na hindi na maibibigay ni Amie an...