Chapter 41: Epilogue

89 1 22
                                    

ACIE'S POV

This is the moat awaited day!!! My gosh, hindi ko ineexpect na sa pangalawang pagkakataon ay ikakasal ako... Sa lalaking ni sa hinagap ko magiging kabiyak ko pala. Ang buong akala ko noo'y wala nang pag-asa. Na mamumuhay na lang ako sa sakit at sa pagdaramdam. Subalit napakabait ng tadhana at ibinigay nito sa'kin ang matagal ko nang hiling.

Na ang akala ko lang noon ay ang bukod tanging paraan ay ang paglayo ng tuluyan. Sa loob ng halos walong taon ay may mga oras at panahong sumasagi sa isipn ko si Querem. Na kung ano na bang lagay niya o kung mabuti na ba siya. Kung may iba na bang napupusuan o baka masaya na sa sarili niyang buhay.

Hindi naging madali ang lahat. Nasira ang samahan sa pagitan namin. Nawalan kami ng unang supling subalit sa panahong amg mga presensya nami'y wala sa isa't-isa nanatili ang aming mga puso na nakatali sa isa't-isa. Pilit ko mang itanggi sa sarili ko na wala na at purong sakit na lamang ang nararamdaman ko'y nagkamali ako.

Nagkamali ako sa isiping wala nang pagmamahal. Kasi naroon at naroon lang din pala ito. Na kahit gaano pa kabigat ang pagsubok na ibinigay sa'min ay napagtagumpayan namin itong dalawa sa kabila ng lahat. Not until I've realized that still he's the one.

Na kahit ilang ulit pa 'kong masaktan ay siya lang rin pala ang lalaking makakasama ko sa pagtanda. Na kahit ilang pagsubok pa ang ibigay sa'ming dalawa'y muli namin itong mapagtatagumpayan kasama ng Panginoon.

At hindi nga nagtagal ay biniyayaan kami ng kambal na supling. Si Eiffel Raine at si Paris Laire. Ang kambal kong nagpapaalala sa'kin kung paano ko muling naramdaman ang natupok na apoy ng pag-ibig sa puso ko. I personally picked their names. I named them after the City of Love ... Paris and the iconic tower of it.

Si Eiffel Raine, bata pa lang pero nakikita ko nang magkakaroon ito ng isang magandang kinabukasan. Bata pa lang kasi ito'y kinuha na itong model ng baby clothes na linya rin ni Ate Qwerty. Ang Red Caps na mayroong branch all over the globe.

At marami na rin ang nakikipag-ugnayan sa'kin para kuhanin si Eiffel sa pagmomodelo ng kung anu-ano katulad na lamang ng sapatos, damit, tuxedo, gatas, diapers at marami pang iba. Nakukuha na rin itong extra sa ilang pelikula. Tutol rito si Querem subalit wala rin naman itong nagawa dahil mukhang nag-eenjoy ang panganay naming lalaki sa ginagawa nito.

Mukhang kapag laki si Eiffel maging artista ito. Ngayon pa nga lang na dalawang taon pa lang ito kabi-kabila na ang kumukuha rito para magmodelo ano pa kaya kapag lumaki na ito? At ang panganay ko namang babae na si Paris ay napakahilig mag-painting. Kagaya ni Eiffel ay nakahiligan na rin nitong magmodelo. Lagi rin kasi itong laman ng mga balita, magazines at dyaryo. Dahil silang dalawa ang kinukuhang model para sa clothing line ni Ate Qwerty.

Marami nang nagiging painting itong si Paris. Nakahiligan na rin ito ni Querem. Dating pintor kasi ito noong kabataan. Natigil lang noong nag-high school dahil nagkaroon ng interest sa musika. Isang beses nga isinama ko si Paris sa kusina para magbake ng cake tumalikod lang ako saglit hawak na nito ang isang wire whisk at pilit hinahalo ang pagkaing nasa bowl nito.

Napangiti ako noong nakita ko ito. Tila ba may interest din ito sa kusina gaya ko. Kaya naman binilhan namin ito ni Querem ng miniature ng mga kitchenwares. Silang dalawa madalas ni Eiffel ang magkalaro.

"Saang dimensyon na napunta ang kamalayan mo, Acie?" Tanong naman ni Ate Qwerty sa'kin habang iwinawagayway ang kamay nito sa harap ng mukha ko

"Ate naman! Nagbabaliktanaw lang ako sa mga nangyari." Sambit ko pa rito

"Sus, nagbabaliktanaw daw." Pabalik namang tugon nito na bakas ang di paniniwala sa tinuran ko

I'm Marrying The Worst (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon