Chapter 21: Lost Control

78 2 16
                                    

Warning: Sensitive content that might triggered something. Read at your own risk.

Play the music at it's que 'Train Wreck by James Arthur'

THIRD PERSON'S POV

Halos araw-araw gumigising si Querem na parang isang patay. Kung hindi umiiyak ay nakatulala lamang ito sa isang sulok. Malaki na rin ang ibinaba ng timbang nito. Nangangayayat ito't napakalayo na ng itsura nito sa itsura niya noong napakapresentableng tingnan miski sa malayo. Bibihira itong kumain ng matinong pagkain.

Laging ipinanlalamang tiyan nito ang mga alak na nasa bar counter ng bahay ng mga magulang nito. Labis-labis na ang pagaalala ng mga ito sa anak. Hindi naman napatid ang pag-aalaga ng mga ito rito. Lagi nila itong kinakausap subalit ni hindi lamang ito kumikibo. Nilinis nila ang kwarto nito noong isang araw.

Miski habang tulog ito'y hinahanap nito ang kanyang pinakamamahal na asawa. Umiiyak nang parang wala nang bukas. Nagpapakalasing na akala mo'y pinapatay ang sarili sa pamamagitan ng alak. Lalung-lalo lang naging mas maalaga ang kanyang kakambal na si Qwerty. Lagi niya itong binibisita sa oras na pumupunta siya sa kwarto nito.

Lagi na lamang nakikita ni Qwerty na lumuluha ang sarili sa tuwing makikita ang kalagayan ng kanyang mahal na kapatid. Noong una'y inakala pa nitong siya ang asawa nito. Noong minsang pumasok siya sa silid nito. Tandang-tanda pa niya kung paano ito tumayo mula sa pagkakalupagi nito sa tabi ng kama. Nagkalat ang mg basyo ng bote ng iba't-ibang alak sa paligid nito.

Maging ang suka nito'y halos mahigaan na nito. Noong marinig nitong bumukas ang pintua'y agad itong tumayo. Dahil nasa ilalim ng impluwensya ng alak ay nag-iilusyon na ito.

"A-acie? Ikaw ba 'yan?! Bu-bumalik ka na? P-pinapatawad muna a-ako? Pwish, huwag mo na a-kong iwan. Pramis, magiging ma-mabuting asawa na 'ko. Ma-mahal na mahal kita Acie." Sambit nito bakas ang gulat at ang pagkasabik na makita ang asawa matapos ang ilang araw na pag-alis nito ng biglaan

Niyakap nito ang kakambal na inakalang si Acie. Ang mga luhang pilit pinipigilan ay tuluyan nang nagsipagtulo. Niyakap na lamang ni Qwerty ang kapatid na kailangang kailangan ng pag-aalaga ngayon. Sinuklay-suklay ni Qwerty ang buhok ng kakambal at iginaya ito sa kama't pinahiga. Inayos nito ang higa ni Querem at kinumutan ito.

Lumabas ito't kumuha ng bimpo't planggana upang punasan ang kakambal. Pagbalik nito'y hindi man lamang ito gumalaw sa pagkakahiga mula noong iniwan niya ito sandali. Dahan-dahan niyan pinunasan ang buong mukha nito. Pinagmasdan niya ito't muli na namang napaluha si Qwerty. Gagawin niya ang lahat maging maayos lang muli ang kalagayan ng kanyang kakambal.

Kahit na anong mangyari hahanapin niya si Acie at ibabalik niya rito sa piling ng kakambal. Ayaw niyang nakikitang nasasaktan ang kapatid. Dahil nararamdaman niya rin ito sa kanyang sarili dahil sila'y konektado sa isa't-isa. Ramdan niya kung anong nararamdaman nito. Ni hindi niya ito matitiginan ng matagal dahil nadudurog ang puso ni niya.

Labas na si Qwerty mula sa kwarto ng kapatid. Nagpaalam na rin siya sa mga magulang na uuwi na. Gustuhin mang manatili ni Qwerty ay hindi maaari dahil iniintay rin siya ng anak na si Mattrix. Nang makauwi si Qwerty ay agad rin itong nagbihis at tumabi ng higa sa anak nitong mahimbing nang natutulog. Binabagabag man ng kakaibang kutob ay hindi nito namalayang hinila na siya ng antok.

ACIE'S POV

Nasaan nga ba ako? Tila hindi ko alam kung saan magsisimula o kung makakapagsimula pa nga bang muli ako matapos ang lahat? Sirang-sira ang buong pagkatao ko. Noong makarating ako sa UK ay hindi ko alam kung anong una kong gagawin dahil walang oras na hindi ako umiiyak. Walang oras na sumasagi sa isipan ko ang mga bagay na noo'y akala ko'y napakaimposibleng mangyari.

I'm Marrying The Worst (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon