Chapter 23: Back to Basics

72 1 26
                                    

THIRD PERSON'S POV

As time goes by Querem spending his almost 4 years in rehab center. Pabalik-balik si Querem doon dahil paulit-ulit ring sinusubukan nitong magpakamatay. Iba't-ibang paraan. Iba't-ibang oras. Iba't-ibang araw.

Tila wala na itong pag-asa pang makabangon. Labis itong nilamon ng labis na depresyon sa pagkawala ng kanilang anak at ang pagiging miserable ng relasyon nilang mag-asawa. Ilang suntok na rin ang paulit-ulit nitong tinanggap mula sa kakambal. Subalit ni hindi manlang ito natitinag. Hindi manlang ito umaalma sa pinaggagagawa ng kakambal sa kanya.

Bibihira itong magsalita. Titingnan ka lamang nito sa mga mata at bigla na lamang iiwas. Mas lumala ang pagiging cold nito kumpara noon. Gigising ito sa umaga at mag-aayos. Magbibihis at papasok sa trabaho.

Uuwing lasing at susubukang wakasan ang sariling buhay. Kulang na lang ay itali ni Qwerty si Querem sa kanya para hindi lang nito masaktan ang sarili. Ilang bese niya na rin itong pinadaplisan ng bala sa katawan subalit parang wala lang rito ang nangyayari. Mas manhid pa ito sa manhid. Kung hindi lang talaga ito mahal ni Qwerty ay matagal na niya 'tong inilibing ng buhay!

Isang araw ay nagulat na lang si Qwerty dahil nakasalubong nito ang kapatid na naka-ayos. Bagong ahit ito at talaga namang suot ang karaniwan nitong suot habang nagtatrabaho. Hindi man ito nagsasalita ay alam na ni Qwerty na natauhan na ito. Sa apat na taong dumaan ay alam niya at kitang-kita niya ang pagluluksa nito't kung paano ito malungkot. Tila nagsimula muli ito sa umpisa.

Naging madalang ang pag-uwi nito na siyang kinababahala ni Qwerty. Subalit ilang beses man niya itong kulitin ay palagi lamang nitong ginigiit na nagbago na ito. Lagi itong laman ng opisina kung hindi naman ay nasa headquarters ng Orion. Muli itong bumalik sa dati nitong trabaho. Balik ito sa pagiging agent ng Orion.

Kumbaga bumalik siya sa dati nitong buhay noong hindi pa nakikilala ang asawa. Subalit hindi nawala sa isip nito ang imahe ng asawa. Lagi niyang naiisip kung kumusta na ba ito o ano. Ang balita niya kasi'y nasa UK ito. Lagi niya itong pinapadalhan ng mga regalo tuwing Christmas, Valentine's Day at tuwing kaarawan nito.

Minsan na rin niya itong sinundan nang minsang magkaroon siya ng misyon sa London. Nagkahiwalay man silang dalawa'y hindi pa rin nawawala sa isip ni Querem na isang araw ay pagtatagpuin silang muli ng tadhana at magkakaayos. Noong itapon sa kanya ni Acie ang wedding ring nito'y ginawa itong pendant ni Querem sa suot nitong kwintas. Ni hindi niya ito inihihiwalay sa kanyang katawan. Tila kasi kasama niya ang presensya ng asawa tuwing suot-suot ito.

Sinubukan nitong ihinto ang mga naging bisyo mula ng iwan siya ng asawa. Alak, drugs, at attempting suidices. Unti-unti muli niyang binuo ang sarili. Muli pa rin kasi itong umaasa na isang araw magdidilang anghel ang tadhana at magtatagpo ulit silang mag-asawa. Kahit apat na taon na ang nakaraan mula ng mamatay ang kanilang anak ay hindi pa rin nito magawang bitawan ang alaalang 'yon.

Lagi itong bumabalik sa dati nilang bahay upang magpalipas ng gabi sa noo'y gagawin sana nilang nursery room. Kung hindi lang nawala ang anak nila'y marahil ay masaya sana sila ngayon. Matatawag sana silang isang pamilya. Marahil mayroon na rin silang pangalawang anak ngayon kung hindi lamang nagulo ang takbo ng lahat. Nalaman na rin niyang si Evergreene ang may kagagawan ng lahat.

Kasalukuyan itong nakakulong. Ilang taon na rin ang lumipas at binisita ito ni Querem kamakailan lamang.

Nasa visitor's area sila ng istasyon ng pulis at naroong tahimik na nakaupo si Querem habang iniintay si Evergreene na kasalukuyang tinatawag nang on duty na pulis. Nang makalapit ang mga ito sa kanya'y pinaupo noong pulis si Evergreene sa harapan ni Querem.

"Que...rem patawarin mo 'ko. P-pinagsisisihan ko na lahat ng nangyari. Please parang awa muna. Pa-patawad kung nasira ko ang re-relasyon niyo ni Acie. P-please Querem. Pa-patawarin mo 'ko kung ba...bakit nawalan kayo ng a-anak da...hil sa'kin. Labis-la...bis ang pagsisisi ko sa ginawa ko." Sambit ni Evergreene habang nakaluhod sa harapan ni Querem

I'm Marrying The Worst (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon