Special Chapter 7: The Chaos (Qwerty and Apollo)

80 1 4
                                    

QWERTY'S POV

19.8968° N, 155.5828° W

Somewhere in Hawaii

Kita sa mga ulap ang nagbabadyang buhos ng napakabigat na ulan. Tila ba anumang oras ay nakahanda na itong kumawala. Bagama't nagbabadya ang ulan ay mababakas pa rin ang ganda't malakas na hangin na nagmumula sa dagat Pasipiko. Ang tahimik na cliff ay sandaling mababalutan pala ng kahindik-hindik na tanawin.

Nagising ako na tila kakaiba ang pakiramdam. Akmang hahawakan ko ang parte ng batok ko ng mapagtanto kong nakagapos ako sa isang upuan. Nasilaw pa 'ko noong makita ko ng bumbilyang halos nasa gitna nitong kwartong kinalalagyan ko. Sinubukan kong igalaw ang mga kamay at paa ko subalit hindi ko ito maigalaw dahil sa higpit ng pagkakatali ng mga ito. Lalo lamang nitong nasusugatan ang magkabila kong pulsuhan.

Sinubukan kong ilibot ang paningin ko baka may magamit akong pwedeng pang-alis sa mga taling ito. Subalit mas lalo lamang sumasakit ang ulo ko dahil hindi lang batok ko ang pinukpok nila maging ang likurang bahagi ng ulo ko. Umiikot man ang paningin ko'y mas pinili ko pa ring kalmahin ang sarili ko upang makapag-isip ng maayos.

Bigla na lamang bumukas ang pintuan ng kwarto't iniluwa nito ang isang taong ni sa hinagap ko hindi ko aakalaing buhay pa.

"Kumusta na, Qwerty Dane?" pang-aasar pa nito habang tangan ang isang patalim sa kanyang kanang kamay

"Pa...anong buhay ka pa, Kenshie?!" naguguluhan at nagtatakang pahayag ko pa rito

"Hindi mo naman kasi ako napatay talaga. Ang tanga mo sa part na hindi mo sinigurong patay na talaga ako! Tanga ka nga Qwerty. Hindi lang sa trabaho pati na sa pag-ibig! Nakakalungkot lang na sa paraang ito lamang matutuldukan ang lahat. Ano ngang pangalan niya? Adler? Avster? Ah, yeah it's Apollo Cameron right?" pangbubuyo pa nito habang pinaglalaruan ang hawak na kutsilyo

"Pakawalan mo si Apollo, Kenshie!"gigil na pahayag ko rito

"Shhh, not a chance, Qwerty... sisiguruhin kong pagsisishan mo kung anong ginawa mo sa pamilya ko!"patuloy pa nito bago idinampi sa pisngi ko ang hawak nitong patalim

"Hindi ako ang pumatay sa pamilya mo, Kenshie! Si Selfirr ang pumatay sa kanila! Alam mo namang malaki ang galit noon sa'yo dahil lagi mo siyang nalalamangan sa lahat ng bagay. P-pero bakit? Bakit ka nagtaksil sa CDAL?! akala ko ba family by blood whatever happens?!" sambit ko naman dito habang pilit sinusundan ang mga kilos nito

"Sa tingin mo maniniwala ako, ha, Qwerty? Nagawa mo ngang patayin si Therese!" galit na galit na pahayag nito

"Ipinagtos ni Zeus na patahimikin si Therese dahil siya ang spy ng Indigo...hiniling niya rin na ako ang tumapos sa buhay niya dahil hindi niya matatangap kapag ikaw mismo ang nakaalam na isa siya sa mga elite spy ng Indigo. Mahal ka niya, Kenshie pero mas pinili niyang dalhin sa huling hantungan ang pagmamahal niya sa'yo dahil ayaw niyang mapahamak ka ng dahil sa kanya." pagpapaliwanag ko pa rito

Sandali itong tumalikod sa gawi ko't ikinalat ang mga kagamitang nasa malapit. Nagwala ito na akala mo'y nasaksihan ang pangyayaring sumira sa pagkatao niya. Alam kong nakita niyang nasa bisig ko si Therese ng mga oras na ;yon subalit mali siya ng iniisip. Habang nakatrak sa dibdib nito ang kutsilyo na ibinato ko'y sinubukan ko pa itong lapatang ng paunang lunas. Ang nakita niyang kamay kong nakahawak sa kutsilyong nakatarak sa katawan ni Therese ay ito na mismo ang nagbaon nito sa sarili.

I'm Marrying The Worst (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon