Chapter 40: Stag Party

88 1 78
                                    

APOLLO'S POV

Parang kailan lang bigla na lamang akong ginulat nitong si Querem na kasal na ito. Ni walang pasabi. Tanging mga magulang at kapatid lamang ang tanging nakakaalam ng lahat. Querem is not too vocal in terms of everything. Mas gugustuhin nitong itago ang nararamdaman kaysa sabihin o ipakita niya ito. Bata pa lang naman kami may ganoon na siyang pag-uugali. Kaya nga ayaw niyan sa'kin noon. Ang buong akala niya'y katulad ako ng iba. Na nakikipagkilala lang sa kanya dahil sa estado ng kanilang pamumuhay. Little that I know sila ni Qwerty ang nagtatanggol sa'kin noong high school.

At ngayon nga'y ikakasal na itong muli sa pangalawang pagkakataon. Walang pagpapanggap, walang sakitan purong pagmamahal lang. Ni hindi muna masasabing kasal lamang sa papel dahil isang buwan mula ngayo'y ikakasal na sila. I was task to do some things for his stag party. Kasama ko si Block tapos si Khione, si Pixel at si Frost. Samantalang magkasama naman 'yong dalawa ni Richmond sa bahay nilla Querem. Malay ko kung anong pinagkakaabalahan nung dalawa.

Nasa sasakyan kaming lima ng makatanggap ako ng tawag. Dahil ako ang nagdadrive ay ikinonekta ko na lamang ito sa loud speaker.

"Hey man! Huwag mong kalimutang bumili ng harina, itlog, gatas, powedered sugar, mapple syrup, chocolate syrup, salt and pepper and cooking oil." bungad pa ni Querem

"Teka, para saan naman ang mga 'yan? Don't tell me gagawa ka ng pancake sa mismong araw ng stag party mo?!" tanong ko pa rito habang naririnig ang paghagalpak ng tawa nila Frost sa likod ng sasakyan

"Man, I badly need to learn how to cooked some fucking pancakes!" pagpapaliwanag pa nito habang naririnig ko ang pagtawa ni Richmond sa kabilang linya

"The heck?! Are you serious? It's just a simple pancake then you're asking me nor us especially, Pixel to teach you how to cooked pancake?" natatawang pahayag ko pa habang iniliko ang manibela ng sasakyan dahil malapit na kami sa supermarket

"Tska saan mo gagamitin ang paminta? Hindi naman ginagamitan ng paminta ang pancake, a? kakaiba ka talaga, Querem. Ngayon lang ako nakarinig na required pa lang lagyan ng paminta ang pancake! Man, you're hopeless!" sambit ko pa bago bumaba

"Aish! Just bought the ingredients and don't you dare laughing at me I'll not allow you to my house if you laugh!" saad pa nito tila frustrate na frustrate

"Yeah, sure. I bringing home lots of ingredients later. Just relax everything is under control! Talk to you later, we're here already." pagpapaalam ko naman bago ibinaba ang tawag

"Who the hell didn't know how to cooked a simple pancake?" tanog pa ni Pixel na mang-aasar na naman panigurado

"None other than, Querem Zanderick Tuazon! The legendary kitchen disaster king!" sambulat pa ni Pixel bago humagalpak ng tawa kulang na lang ay mahiga siya rito sa parking lot dahil sa kakatawa

Napailing na lang kaming apag at nagsabay-sabay ng lakad papasok ng supermarket para mamili ng mga pagkain at ilang mga beer at syempre ang request ng frustrated chef na si Querem. Bago pa kamin tuluyang makapasok sa loob ay narinig pa namin ang pagsigaw ni Pixel mula sa malayo.

"Fuckers, why did you leave me?! Aish!" sambit naman nito na may kasama pang pagsigaw

Nananatili namang tahimik na nakapamulsa si Khione at tila tahimik na tahimik. Nagkibit balikat na lang ako't nagpatuloy na lamang sa pagkuha ng mga bibilhin.

Nakita ko pa si Pixel na binuksan ang isang kahon ng chocolate bars na nasa estante't balewalang isinubo nito ang pagkain. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Sasawayin ko na sana ito nang pigilan ako ni Frost.

I'm Marrying The Worst (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon