Chapter 13: Let's have a date

119 3 12
                                    

ACIE'S POV

Nasilaw ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko sa pagitan ng mga kurtina na nagmumula sa labas ng bintana. Iminulat ko ang mga mata ko at napagawi agad ang aking tingin sa alarm clock na nasa bedside table. Ganoon na lamang ang pagrehistro ng gulat sa'king mata nang makita kong alas nuebe na ng umaga. Dali-dali akong tumayo at nagtungo sa banyo para magsipilyo at naghilamos. Sinabay ko na rin ang pagiipit ng buhok.

Matapos nito'y dali-dali akong bumaba ng hagdan at iningatan kong huwag madapa dahil sa huling pagbaba ko nagpagulung-gulong ako't namaga ang braso. Kaya namang ingat na ingat ako lalo na't buntis ako. Nang makababa ako'y agad akong nagtungo sa kusin subalit napatigil ako mula sa entrada nito. Paano kasi'y nagkalat ang mga kagamitan pagluluto. Mayroon sa lababo, sa kitchen counter pati na rin sa sahig.

Nagkalat rin ang iba't ibang ingredients para sa agahan. May mga hotdogs na may mga balat pa. Mayroon ding mga cracked eggs na nagkalat pati na ang mga bacon, pati pancake mix at bawang ay puros nakakalat sa kusina. In short magulo ang kusina! At ang may gawa nito'y nakatalikod sa gawi ko.

Base sa inaakto nito tila gulung-gulo na 'to at balisang-balisa. Ang likot nito at naririnig ko pa mula sa kinatatayuan nito ang pagsasalita nito.

"I know this, they flip it up for the other side to get cooked." Saad nito habang may binabaliktad na kung ano

Samantalang sa kabilang stove naman ang pinaglalagyan ng caserole. Ewan ko kung anong laman noon pero base sa naririnig ko'y mukhang magpiprito ito. May nilagay itong kung ano doon kaya naman nagtilamsikan ang mantika na nandoon.

"Fuck, ouch! You fucker oil!" Saad nito na tila gigil na gigil sa mantikang tumilamsik sa kanya

Maya-maya lang ay ang kabilang stove naman ang binalingan nito. Nataranta ito nang makitang umuusok na 'yon. Dali-dali naman nito iyong hinawakan ng walang gamit na pot holder kaya naman napaso pa ito. Agad nito iyong nabitawan at tumilapon sa sahig. Agad naman itong nagpunta sa lababo para hugasan ng tubig ang napaso nitong kamay.

Napailing na lang ako at saka lumapit. Bago pa 'ko makalapit ay rinig ko ang buntong hininga nito. Tila sawing palad na nagbubuntong hininga ito habang nasa ilalim pa rin ng rumaragasang tubig ang kamay nito. Nang makalapit ako rito'y agad ko itong niyakap. Naestatwa pa 'to mula sa pagkakatayo nang ipalibot ko ang mga braso ko rito.

Para itong tuod na nakatulos doon. Hindi na nga ata ito humihinga, e! Kaya naman tinanggal ko na ang pagkakayakap ko at iniharap ito. Pinatay ko na rin ang gripo na kanina pa umaagos ang tubig. Nang maiharap ko na 'to sa'kin ay bigla akong tumingkayad at hinalikan ito sa labi.

Ramdam kong hindi na ito humihinga talaga. Namumula ang mga tenga nito noong putulin ko ang halik na 'yon. Kinurot ko pa ang pisngi nito para bumalik lang sa katinuan.

"A-anong ginaga-wa mo dito?!" Nagpapanic na saad nito at naghahabol ng hininga na nakaharap sa'kin

"Bakit? E, bahay ko rin naman 'to, a!" Saad ko rito bago pinakatitigan

Marumi ang mukha nito. May bakas pa ng pancake mix sa pisngi pati na sa ilong. Napakagulo rin ng buhok nito. Hindi man lang ba 'to nagsuklay? Tapos nakatopless lang dito sa kusina!

May pagbalandra pa ng katawan, a. Nakita kong namumula ang dibdib nito. Siguro ito yung natilamsikan ng mantika kanina. Kumuha ako ng table napkin at binasa ko ito. Matapos niyon ay muli akong lumapit sa kanya.

Marahan kong idinampi ang table cloth sa hubad nitkng dibdib. Nakatitig lamang ito sa'kin. Nagkamali pala ako. Mukhang sa mga labi ko ito nakatingin. Napa-iwas naman ako ng tingin dito dahil nag-iiba na naman ang pakiramdam ko.

I'm Marrying The Worst (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon