Chapter 11: Life Line I

141 4 16
                                    

Dedicated to SLachesisD

QWERTY'S POV

Noong nabasag 'yong basong natabig ni Acie sinalakay ako ng labis na kaba. Nanginig ang aking mga kalamnan. Nagsimulang tumulo ang aking mga luha. Nakaramdam ako nang takot na hindi ko naramdaman sa buong buhay ko. Sinimulan kong tawagan ang kakambal ko.

Nanginginig kong dinala sa aking tainga ang aking telepono. Matapos ang ilang sandali'y sinagot nito 'yon. Narinig ko pa sa background nito ang tila nagpepresenta.

"Hello Qwerty, why did you call? I'm in the middle of an important meeting. Did something happened?" Sabi nito noong sinagot ang tawag

"W-wala naman, I'm just checking you out if you're okay. I guess you're fine tho?" Sagot ni Ate Qwerty kay Querem

"Oh, is that so? I'm fine here don't worry. Take care Acie for me. I'd probably home late tonight!" Saad nito sa kabilang linya

"Okay, take care too, Rem. Drive safely okay?" Paalala pa ni Ate Qwerty

"Yes, thanks by the way." Saad nito bago ibinaba ang tawag

Ku-kung hindi s-si Querem. Napalunok ako ng ilang beses bago hinanap ang numero ni Apollo sa aking telepono. Mas dumoble ang kaba't takot ko nang sagutin niya ito. Hindi ko alam kung bakit pero mas dumami ang mga luhang kumakawala sa'king mga mata.

"H-hello Apollo?" Nagaalalang sambit nito

"O, Qwerty I'm on my way there. Nagdadrive kasi ako kaya di ko nasagot agad." Saad ni ng kausap

"Be careful, Apollo." Nagaalalang sabi ni Are Qwerty

"I will..." hindi na muli pang naituloy ni Apollo ang sasabihin dahil bigla na lamang pinagbabaril ang sasakyan nito kaya nawalan ito ng kontrol at sumalpok ito sa pinakamalapit na puno sa tabing kalsada.

"A-apollo? Apollo s-sumagot ka!" Nagaalalang sambit nito ng marinig ang nakakabinging putok ng mga baril at pagsalpok ng sasakyan sa isang bagay

"Qwe...rty, al-always rem...embe-r tha-t...I lo-ve yo...u" saad ni Apollo bago mamatay ang tawag

Napahawak ako sa kalapit na island counter para kumuha ng lakas. Nilapitan ako ni Acie. Nagpapasalamat ako't dahil narito siya para kahit papaano'y pakalmahin ako.

"Ate, a-anong nangyari kay Apollo?" Tanong nito na labis na nakapagpaiyak sa'kin

"H-hindi ko a-lam..." Naguguluhan kong saad rito

"Na...nakarinig a-ako ng mga putok ng baril ba-go namatay ang tawag." Sambit ko rito bago iniyakap ang mga braso ko rito para kumuha ng lakas

Hinaplos-haplos nito ang aking likod at pilit na pinupunasan ang mga luhang patuloy lamang na umaagos sa magkabila kong pisngi. Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon bago ito nagsalita. Inaamin oong gusto ko nang makita si Apollo pero hindi ko pwedeng iwan si Acie lalo na't buntis ito. Subalit nakita ata nito ang pagaalinlangan kong umalis kung kaya't pumayag na rin ito.

"Sige na Ate Qwerty. Ako nang bahala sa sarili ko. Puntahan muna si Apollo." Saad nito sa'kin magtapos humiwalay ng yakap at pinunasan ang mga luhang nalalaglag sa aking mata

"S-sigurado ka? De-likado ngayon lalo na't buntis ka." Saad ko rito at hinawakan ang kamay nito na nasa pisngi ko

"Kailangan ka ni Apollo ngayon, Ate Qwerty! Huwag mo akong alalahanin kaya ko ang sarili ko." Saad pa nito bago tinuyo ang mga luhang parang gripo sa pag-agos sa magkabila kong pisngi

I'm Marrying The Worst (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon