QWERTY'S POV
Tinawagan ako ni Acie kanina habang nasa ospital sila. Kasalukuyan akong nasa kalagitnaan ng pakikipag-sparring kay Apollo. Nilapitan ko naman ang cellphone ko na nasa ibabaw ng table sa baba ng ring. Bumaba ako roon habang tinatanggal ang suot kong boxing gloves at kinuha ang cellphone ko.
"Oh, hello Acie! Kumusta ang check up?" Tanong ko rito noong sagutin ko amg tawag
"Ate, help me. Si Querem nahimatay." Sambit naman nito
"A-ano? Paano? Anong ginawa niya?!" Tanong ko naman dito
"Paano kasi nalaman niyang kambal ang anak namin!" Anunsyo pa nito
"Ah, kamba- ano?! Kambal ang pamangkin ko? Omo! Sige intayin mo ko dyan sa ospital." Saad ko pa bago madaling nagpaalam kay Apollo at kinuha ang susi ng sasakyan na nakasabit malapit sa may front door
Habang nagdadrive ako papuntang ospital ay hindi ko maiwasang matawa dahil sa isiping nahimatay si Querem dahil sa pagkabigla. Hindi naman kataka-takang magiging kambal ang anak niya dahil nasa lahi naming dalawa ang pagiging kambal. Well, hindi ko naman siya masisisi at ganoon na lamang ito dahil na rin sa pagkasabik na maging ama sa una nilang mga supling.
Nang maipark ko na ang sasakyan ay agad din naman akong lumabas at pinuntahan ang kinaroroonan nila Acie. Itinext nito sa'kin ang eksaktong kwarto kung saan sila naroon kaya naman hindi na ako nahirapang maghanap pa. Nang makapasok ako sa kwarto'y binati naman ako ni Eito.
"Qwerty? Oh, hi!" Saad naman nito nang makilala ako
"Hello Eito." Maikling saad ko rito at iginala ang paningin ko sa loob nang clinic
Agad ko namang nakita si Acie na nakaupo na sa isang sofa at si Querem ang nakahiga sa may gurney. Nilapitan ko si Querem at inilapat ang dalawa kong daliri sa may leeg nito.
Hmm, mukhang napasarap na ang tulog nito, a? Kaya naman tinapik-tapik ko ito subalit hindi pa rin ito nagising. Sinampal ko na rin subalit wala talaga. Ayoko sanang gawin 'to pero wala akong magagawa ayaw niyang gumising. Pinatama ko ang kaliwa kong kamao sa kaliwa nitong pisngi at narinig ko naman itong nagsalita.
Babies...dkfodjsja
Saad pa nito na ikinatawa ko. Napagawi naman ang tingin ko kay Acie na nakatitig aa'kin habang nanlalaki ang mga mata. I bet she saw what I do.
"Ate naman, bakit mo naman sinuntok si Rem?" Tanong pa nito noong makalapit ako sa kinalulugaran niya
"Sorry. Naexcite ako, e. Tska ang oa niya talaga kahit kailan! May pahima-himatay pa siyang nalalaman. Magbest friend talaga sila ni Apollo! Tsk. Mga akala mo tigasin pero mga mahihina pala ang loob patungkol sa pagrereveal ng gender ng baby at sa pangaganak!" Saad ko rito habang sinabayan ng pagtawa
"Ilang buwan na lang pala at manganganak ka na ano? Nakahanda na ba ang mga gamit ng babies?" Dagdag ko pa rito habang nakangiting hinahaplos ang bilugan nitong tiyan
"Oo Ate Qwerty. Ready na lahat. Laging nasa backseat nang kotse ni Querem yung mga gamit. In case raw kasi ay hindi na niua ito hahagilapin pa." Nakangiting pahayag naman nito habang tumingin sa tiyan niya
BINABASA MO ANG
I'm Marrying The Worst (Completed)
RomantizmDalawang taon na... Dalawang taon na akong nagdurusa sa pagmamahal ko kay Querem Tuazon. Patuloy pa rin akong umaasa na sana ako naman ang piliin niya. Na sana makalimutan na niya si Amie. Kailan niya ba matatanggap na hindi na maibibigay ni Amie an...