Dedicated to ScruplousMe
THIRD'S PERSON'S POV
Habang nakatanaw sa malawak na dagat at papalubog na araw si Acie ay hindi niya maiwasang mapangiti sa isiping saan siya dadalhin ni Querem. Hindi kasi ito yung tipo ng tao na mag-aaya ng ganitong mga pakulo. Siguro nga ay nagising na ito sa katotohanan! Labis siyang magpapasalamat kung ganoon nga ang nangyayari. Sana'y magtuloy-tuloy na ito para naman din iyong sa pagsasama nilang mag-asawa.
Samantalang, abala naman si Querem sa paghahanda sa gabing ito. Aayain niya kasi si Acie ng date sa yateng pag-aari ni Apollo Villareal, isa sa mga naging kaibigan nila Khio noong nasa kolehiyo sila. Pinakiusapan ni Querem si Apollo na kung maaari niyang mahiram ang yate nito't gagamitin niya upang sorpresahin ang asawa niya. Noong una'y niloloko pa siya nito dahil hindi ito ang tipo ni Querem na basta basta na lamang mag-aaya ng babae. Kilala niya ito.
Babae mismo ang nag-aaya ritong makipagdate! Ganoon ka-lakas ang appeal ng kaibigan niya. Ngunit matapos siya nitong sikmuraan ay natatawa-tawa na lang siyang pumayag. Napangiti naman ng maluwag ang kaibigan niyang si Querem ng may kasama pang pagsuntok-suntok sa hangin na akala mo'y nanalo sa lotto. Natawa na lang si Apollo sa kaibigan bago umalis.
Ngunit bago ito umalis ay humingi pa ito ng pabor kay Querem. Na kung maaari das ay ilakad daw siya nito sa kapatid nitong si Qwerty! Kakambal niya si Qwerty. Matanda lang ito sa kanya ng 5 minuto. Matagal nang may gusto si Apollo sa kapatid niya.
Sumama naman ang mukha ni Querem sa sinabi nito subalit napagtanto niyang matagal-tagal na rin ang paghihirap ni Apollo na mapapayag si Querem na ligawan ang kakambal nito. Kaya nama'y pumayag na ito at pinkiusapan ni Querem si Apollo na ingatan ang kapatid niya. Walang pagsidlan ng tuwa ang mababakas sa mukh nito! Nang sa wakas ay pumayag na rin ito na ligawan ang kapatid nitong si Qwerty. Laking tuwa nito dahil mula pagkabata ay alam na nitong si Querem na may gusto ang kanyang kaibigan sa kapatid nito.
Bagama't noong college lamang sila nagkaroon ng matibay na pundasyon ng pagkakaibigan subalit lingid sa kaalaman ni Apollo ay kilala na siya nito noon pa. Bago umalis si Apollo ay humingi p ng isang pabor si Querem kay Apollo. Hiniling nito na kung maaari'y pagsilbihan sila nito sa kanilang date mamayang gabi. Napanganga naman si Apollo sa nalaman dahil buong buhay niya hindi pa siya nagsilbi para sa ibang tao! Subalit sa huli'y pumayag rin ito sa kagustuhan niya.
Matapos ang ilang sandali pang paghahanda para sa gabing surpresa niya sa asawa'y napangiti na lamang si Querem ng maisip niyang magugustuhan ito ng kanyang mahal na asawa. Matapos tapunan ng huling tingin ang hinandang surpresa ay pumasok na siya sa kwarto ng yate. Naligo siya't nagbihis ng three piece suit na binili niya noong papunta silang Batangas noong nakaraan. Napangiti siya ng maluwang ng makita niya ang sarili sa salamin. Bahagya nitong inayos ang suot na bow tie bago lumabas ng yate at sumakay sa kotse upang sunduin si Acie.
ACIE'S POV
Matapos kong magsightseeing ay bumaba ako sa kusina upang kumuha ng tubig. Naalala kong hindi pala ako uminom ng tubig matapos kong kumain ng minatamis na saging dahil sa pagmamadali kong maapag-ayos. Naabutan ko naman si Zarie na nakasalampak sa sala at nanonood ng tv. Nanonood ito ng isang cartoon show na hindi ko alam kung anong title. Nang makita ako nitong bumaba sa hagdan ay mgumiti ito ng napakaluwang.
Akala mo'y hindi kami nagkita kanina lang. Napansin kong may hawak itong maliit na lapis at isang kapirasong lumang papel. Lumapit ito sa akin at ipinakita nito ang isang guhit na may mga stick ng tao. May mga nakalagay na pangalan sa ibaba ng mga ito. Mayroon ding puno rito at isang bahay sa likuran.

BINABASA MO ANG
I'm Marrying The Worst (Completed)
RomanceDalawang taon na... Dalawang taon na akong nagdurusa sa pagmamahal ko kay Querem Tuazon. Patuloy pa rin akong umaasa na sana ako naman ang piliin niya. Na sana makalimutan na niya si Amie. Kailan niya ba matatanggap na hindi na maibibigay ni Amie an...