Chapter 26: Just a Kiss

81 1 0
                                    

QWERTY'S POV

Ang napagkasunduang plano'y iiwan namin ang anak kong si Berry kila Acie para sila ang mag-alaga. Since Acie have the experience on taking care baby, Margarette suggested that let them be temporarily Berry's parents for a couple of hours. Napaka lang ng suhestyon niya, no? Abnormal talaga! Wala na namang magawang matino sa buhay niya.

Kinain na siguro ng mga libro utak n'on at kung anu-ano na ang pinag-iiisip. Kasalukuyan pala kaming nasa isang coffee shop dito sa Paris malapit lang sa hotel na pagmamay-ari ni Margarette. I was sipping my latté when she sat on my side. I was busy reading a certain book when she spoke randomly.

"Hey, Qwerty..." Kapagkuwa'y sambit nito

I never give a glance to her. Dahil nagtatampo pa rin ako sa kanya. Alam kong mababaw at kilala ko siya mula pa noon. She never admit a certain thing even though she feel the same way too. She's too estoic and fierce to admit it to herself.

I heard a long silence and followed by a deep and long sigh coming from her. Akala mo naman pinagsakluban ng langit 'tong malditang 'to kung makabuntong hininga, e lahat naman sa kanya okay na.

Lovelife... Check
Sex life... Check na check
Children... Check
Looks... Check
Attitude... Check na check na check

Ano pa bang kulang? Kulang na lang pati namatay na langgam bigyan niya ng malalim na buntong hininga. Sarap talagang kaltukan nito, e! Kung hindi ko lang talaga alam na Reyna siya ng UK, kanina ko pa ito sinapok dito. Mantakin mo bang mula kagabing dumating kami dito kagabi ni hindi manlang ako kinausap ng babaeng 'to!

Tapos ngayon mag-gagaganto siya? Utot niya bilog! Bahala siya sa buhay niya! Nasa libro pa rin ang buo kong pansin nang muli itong magsalita.

"Qwerty Dane? Nagtatampo ka ba? I... Ahm, ano. Pano nga ba? Shit! Okay, okay a-aamin na 'ko. I missed you too, Keyboard. Please bati na tayo. I was joking then. I'm sorry okay? Please bati na tayo." Nahihiyang sambit nito

Hindi ko ito pinansin pero nakikinig ako rito kahit na sa libro ako nakatingin. Pinigilan kong huwag mangiti o tumawa kasi masisira ang momentum ng pagtatampo ko rito at baka mayakap ko na lang ang malditang babaeng 'to ng biglaan. Inilagay ko ang bookmark na bigay niya sa'kin noong college sa page na binabasa ko at inilagay ko ang libro sa lamesa. Kinuha ko ang tasa kong may lamang latté at saka humarap sa bintanang kita ang Eiffel Tower mula sa kinauupuan ko. Muli ko na naman itong narinig na nagpakawala ng buntong hininga bago muling nagsalita.

"You know me, Qwerty. I'm not good at this. Hindi ko rin alam kung tama ba 'tong ginagawa ko dahil hindi ko talaga alam kung paano manuyo ng taong nagtatampo. So please, sabihin mo kung anong pwede kong gawin at nang magkabati na tayo?" Pagmamakaawa nito habang nakaharap pa rin sa'kin.

Nasaan ba ang ang asawa nitong maharot at iniwan sa'kin ang babaeng malditang 'to? Napakunot ang noo ko nang may biglang pumasok sa utak kong kalokohan.

"You want us to be at peace, right?" Tanong ko rito nang maibaba ko ang aking tasa sa tabi nang libro'y hinarap ko ito

"Yes." Maiksing saad nito

"Sing a song for me." Seryosong saad ko rito

"Are you serious? Ni hindi nga ako kumakanta alam mo 'yan!" Gulat at puno nang pag-aalinlangang sambit nito

"Don't play around, Margarette Rae! Alam kong marunong kang kumanta. You take some voice lessons and narinig na kitang kumanta noon. So, what now? Take it o leave it? Kung ayaw mo bahala ka na." Seryosong sambit ko pa rin dito habang tuluyang inubos ang latté na laman ng aking tasa at tuluyan itong nilapag sa lamesa

I'm Marrying The Worst (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon