Chapter 27: Papers

77 1 27
                                    

ACIE'S POV

Matapos ang pangyayaring 'yon mas lalo lamang akong naguluhan sa mga nangyayari. Tama bang maramdaman ko ulit ang pakiramdam na 'yon? Ang pakay ko noong umuwi ako ng Pilipinas ay magtayo ng sarili kong restaurant. Pero hindi sumagi sa isip ko na muling magkaroon ng intimasyon sa pagitan namin ni Querem. Matapos ang pangyayaring nagpabago sa takbo ng lahat ay natutunan kong buuin ang sarili ko.

Naguguluhan na talaga ako sa totoo lang. Noong nakaraang araw napakasweet niya. At talaga namang nakakapanibago. Hindi naman siya ganoong ka-sweet noon. Mukhang kumain ata ito ng asukal, e!

Mga limang drum at nasobrahan na sa pagiging matamis! Sa loob ng isang linggong pamamalagi namin dito sa Paris ay lagi lamang kaming magkakasama nila Ate Qwerty samantalang sila Querem ay parating kasama sila Apollo. Mostly naman ay nanonood lang kami ng movies. Boy hunting daw ang tawag doon ayon kay Ate Qwerty. Tapos saksi rin ako sa kakulitan nila este niya lang pala kasi lagi niyang binubulabog si Margarette.

Kung anu-anong trip ang pinaggagagawa niya kay Margarette. Mayroon pa ngang nilagyan nito ng mga drawing ang mukha nito gamit ang marker. Kaya naman galit na galit si Margarette noong pumasok ito ng banyo't humarap sa salamin. Mayroon pang nilagyan ni Ate Qwerty ng wasabi 'yong paboritong kape ni Margarette talaga namang parang batang naghabulan ang dalawa sa malawak na suite nila Margarette. Humahalakhak namang tumatakbo noon si Ate Qwerty.

Tuwang-tuwa sa pinaggagagawa niya, e! Talaga namang hindi na nawalan ng trip sa buhay 'tong si Ate Qwerty. Hindi ko alam kung natural na bang prankster 'to o ano, e. Hindi naman kasi ganoon si Querem. Teka nga, sinabi ko ba talaga ang pangalan niya? Hindi na 'to maganda.

Tinawag ko ang atensyon nilang dalawa. Nakaupo ako sa malaki nilang kama at nakatulala lang sa tv na nagpe-play ang isang movie.

"Guys... I need help!" Agaw ko sa atensyon nilang dalawa

Agad rin namang tumigil ang dalawa sa paghahabulan nila. Sabay pa nga silang napalingon sa'kin at talagang sabay rin sa pagsambit ng salitang 'bakit' at talaga namang hindi pa ito talagang titigil sa paghaharutan dahil bago pa man makalapit si Ate Qwerty sa kama'y tinalunan ito ni Margarette sa likod. Kaya naman bumagsak silang dalawa sa sahig. Lumikha ito ng malakas na tunog. Nanlaki na lang ang mg mata ko sa nangyari.

Nilapitan ko naman silang dalawa.

"Hey, okay lang kayong dalawa?" Tanong ko sa mga ito dahil hindi pa sila gumagalaw

"Shocks, Margarita ang sakit! Umalis ka na dyan sa likuran ko. Takte ang sakit ng buto ko sa likod. Nabalian na ata ako, a!" Sambit naman ni Ate Qwerty na nakasubsob pa rin sa carpeted floor

Umalis naman si Margarette sa likuran nito. Pagtayo ni Margarette ay nadugo ang ilong nito. Sama muna rin ang ibabang labi nito. Nagpanic naman ako sa nakita ko dahil talaga namang dumudugo talaga ang mga 'yon. Dahan-dahan namang tumayo si Ate Qwerty mula sa sahig.

Ganoon na lamang ang pagsinghap ko nang makita ko ang kalagayan niya. May black eye ito sa kaliwang mata. Putok din ang labi't kaliwang kilay nito. Animoy kapwa nakipagboxing ang dalawa sa isa't-isa dahil sa kalagayan ng mga ito. Aligaga akong naghanap ng medicine kit sa cr ng suite nila.

Kapwa naman hinila ko ang dalawa paupo sa kama. Saka ko ginamot ang mga sugat nila sa mukha. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinipiga ang bimpo na binasa ko sa tubig. Sa sobrang panginginig ng mga kamay ko'y hindi ko alam kung sino ang uunahin kong lapatan ng lunas. Hindi ko na alam kung tama pa ba ang ginagawa ko dahil namalayan ko na lang nasabay nilang pinunasan ang magkabila kong pisngi.

At doon ko lang namalayan na umiiyak na pala ako. Napatitig lamang ako sa kanilang dalawa. Ngumiti ang mga ito sa'kin at doon na ako tuluyang napatungo.

I'm Marrying The Worst (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon