KHIO'S POV
I'm Khio Dione Farreño at your service! I'm a secret agent in our gency "Orion." And Querem is my bestfriend since when we're both wearing diapers and having our pacifiers! He's a multi-billionaire young tycoon in the Philippines. He even once part of our agency.
When we're on high school until college. He merely a ruthless agent that I've seen, but enough for that. I was surprised when Querem called me earlier. All of sudden it made me think that it's really important. And my hunch is right!
I was taken a back when he mentioned Tyler Del Rio. Why the hell he need a full profile of Tyler Del Rio? Seems this is a big mess in something or someone? Maybe it's all about someone? Hmm, I don't even know, so I just do my job for my bestfriend.
I immediately sent it to him after a few minutes. Hmm, I smell something's gonna happen?! I know Querem very well. He didn't let anyone harm his beloved love ones! I was busy typing on something when someone was standing behind me and everything's went black.
ACIE'S POV
Nagising ako ng tamaan ako ng sikat ng araw. Hindi pala nakababa ang blinds ng bintana kaya pala mainit. Sumigid ang kirot ng aking kanang balikat ng gumalaw ako ng kaunti. Bumangon ako at tinanggal ko ang pagkakabuhol ng kapirasong tela na nakatali sa balikat ko. Isinuot ko ang damit kong nakita kong maayos na nakatiklop sa ibabaw ng bed side table.
Sa wari ko'y mag-aala una na ng hapon. Napahaba ata ang tulog ko. Habang bumababa ako ng hagdan ay todo ang kapit ko sa hawakan nito at talagang tinitingnan ko ang tinatapakan ko. Mahirap na't baka magpagulung-gulong ulit ako rito at hindi lang bugbog sa balikat ang makuha ko. Naghihikab akong pumasok sa kusina.
Agad kong naamoy ang mabangong amoy ng sinigang. Nagulat pa ako ng bahagya ng makita ko ang nasa edad kwarenta mahigit na babaeng nakatalikod sa gawi ko't nakaharap sa niluluto nitong sinigang. Napadako naman ang tingin ko sa lamesa dahil may nakaupo roong batang lalaki na sa tantya ko'y nasa limang taong gulang na. Ang kulot nitong buhok na bumagay sa hugis ng mukha nito. Ang matataba nitong pisngi na parang ang sarap sarap panggigilan ng kurot!
Tumigil ito sa paglalaro sa kanyang mga laruang kotse-kotsehan at pinakatitigan ako't ngumiti ng pagkatamis tamis! Nilapitan ko ito at niyakap. Kinarga ko ito at marahang pinanggigilan ang magkabila nitong pisngi.
"Anong pangalan mo?" Nakangiti kong saad
"Atho po si Zai Miel Seno!" Magiliw na saad nito kahit na bulol
Humarap sa'kin ang matandang babae at nagpakilala
"Mabuti't gising ka na, hija. Malapit nang maluto itong sinigang." Nakangiting saad nito
"Naku, pasensya na nakalimutan kong magpakilala. Ako nga pala si Rosalinda Serrano. Ako ang lola ni Zarie Mikael at ang caretaker nitong bahay." Magiliw na saad nito nang may ngiti sa mga labi
Iniupo ko ulit si Zarie sa kanyang upuan. Naglaro ito ng kanyang mga kotse-kotsehan na mapaghahalataan mong luma na ngunit magiliw pa rin nitong nilalaro. Umupo ako sa kalapit na upuan habang pinagmamasdan ko si Zarie na naglalaro. Ang gwapo niyang bata. Napakaswerte ng mga magulang niya dahil ang gwapo at ang cute ng anak nila.
Nakaramdam ako ng inggit dahil sa loob ng 2 taon na kasal kami ni Querem ay hindi pa rin kami nabibiyayaan ng supling. Kailan kaya kami magkakaroon ng sarili naming anak? Hindi man sabihin ni Querem ramdam kong gustung-gusto na niyang magkaroon kami ng anak. Nang sa gayo'y mas maging maganda na ang pakikitungo ni Querem sa'kin. Siguro naman kapag nagkaroon na kami ng anak ay mas magiging madali na lamang para sa kanya ang magbago.
![](https://img.wattpad.com/cover/71533920-288-k319153.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Marrying The Worst (Completed)
Roman d'amourDalawang taon na... Dalawang taon na akong nagdurusa sa pagmamahal ko kay Querem Tuazon. Patuloy pa rin akong umaasa na sana ako naman ang piliin niya. Na sana makalimutan na niya si Amie. Kailan niya ba matatanggap na hindi na maibibigay ni Amie an...