First glance

5K 55 0
                                    

Part1

Camilla*
POV

Paggising ko ng 5:30am dali-dali akong bumangon para makaligo. Excited na kase kong magpa interview sa trabahong inapplyan ko. Sabi nung babaeng inapplyan ko e ngayon daw ako pumunta para sa interview. Kinakabahan tuloy ako habang nagbibihis. Isa kase sa pinakamalaking kumpanya yung pagtatrabahuhan ko. Sana lang matanggap na talaga ko kase kung san-san na ko nag-apply ng trabaho. Dito sa makati kung matatanggap ako si Yllynois Rivera ang magiging amo ko. Yung building nila sa Quezon City si Yjoseff Rivera naman yung may-ari. Sobrang nakaka-kaba kase sa masungit pa ko mapupunta kung sakali.

"Hays..."

Si Meanne na kaibigan ko yung tumulong saken para makapag apply. Hindi na din masama kase sabi nya malaki daw magpasahod ang Boss nya. Nae-excite tuloy ako kase mabibili ko na yung gusto ko.

*bip!

Nagtext si Meanne. Nasan na daw ba ko. Ganito sya ka excited na mapalitan ko sya sa pagiging assistant ng Boss nyang masungit. Buntis kase si Meanne kaya aalis na sya sa trabaho at sasama na sya sa boyfriend nyang si Miguel.

*ba!

"Hay nako."

Biglang pumasok dito sa dorm tong roommate kong si Joy na umiiyak.

"Grabe. Grabe talaga bes! Hindi ako makapaniwala na magagawa ni Allen saken to!" Iyak nya.

Nagtataka naman ako kung anong ginawa ni Allen sa kanya.

"A-Anong ginawa sayo?" Nag-aalalang tanong ko.

Dali-dali nya kong nilapitan saka hinawakan sa magkabilang braso. Inaalog alog nya ko't sinasabi nitong ginahasa daw sya. Hilong-hilo tuloy ako sa ginagawa nito. Sa payat kong to madali lang akong mabubuwal.

"Nasisiraan kana ng bait Joy!"

Pagkabitaw nya saken bigla syang nagdive padapa sa kama nya.

"Ano bang nangyari Joy!"

"Bes! Ginahasa ako ni Allen! Binaboy nya ko! Paano na ko ngayon! Paano pag nabuntis ako! Anong gagawin ko!" Iyak nito.

Nakakabwisit talaga tong baklang to.

"Sira ulo ka! Masyado kang Assuming. Wala ka namang K*k* paano ka mabubuntis. T*t* meron ka!" Sigaw ko kaya tumigil sya sa pagngawa sabay higa nya't tumingin saken.

"Ikaw naman. Hindi mo manlang ako sinuportahan. Sasali kase ko sa Acting class. Mag o Audition ako sa isang show. P.B.B. ba yon." Sabi nya kaya nilapitan ko sya't binatukan.

"Sira ulo ka talaga. Ginamit mo pa si Allen. Akala ko pa naman kung anong ginawa sayo. Akala ko hinubuan ka nanaman nya sa harap ng maraming tao. Arte mo." Sabi ko.

Tawa sya ng tawa.

"Osha. Aalis na ko. Bahala ka na dian. Hays." Sabi ko.

"Ngayon na ba simula ng pasok mo?" Sabi nito.

"Oo e. Nagulat nga ko kay Meanne. Ngayon na daw. Akala ko sa lunes pa."

Sabi kase ni Meanne nung nakaraang linggo sa lunes daw dapat ang simula ng araw pag papasok sa opisina nila. Biyernes ngayon at nag-aantay nalang ako na dumating ang araw ng lunes pero napa-aga pa.

"Bye!" Sabi ko.

"Ingat!" Sabi ni Joy.

Binitbit ko na tong requirements ko saka dali-dali nang lumabas dito sa dorm namin. Dire-diretso ako ng lakad palabas ng bahay saka ko pumara ng trycicle na agad namang huminto sa tapat ko kaya sumakay kagad ako't sinabi kung saan ako pupunta...

Mr.BadBillionaire (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon