kauna-unahang panty

1.7K 38 0
                                    

Part5

Yllynois*
POV

Nag-eenjoy talaga ko sa ginagawa ko kay Camilla. Hindi ko maintindihan pero may kakaiba akong nararamdaman sa babaeng to. Gusto ko syang panggigilan ng panggigilan kase alam kong wala syang palag.

"Hmm..."

Habang malalim ko syang hinahalikan marahan nitong nilapat ang mga kamay nya dito sa dibdib ko. Sinusubukan nya kong itulak kaya lang wala syang magagawa kung malaki akong tao.

"Mmff!"

Huminto ako sa paghalik ko sa kanya tapos tinitigan ko ito sa mga mata nya. Bakas sa reaksyon nito na nabigla sya kaya nanla-laki ang mga ito habang nakatitig sa labi ko.

"Kiss me..." I whisper.

"S-Sir hindi ko po kaya." Bulong nito.

"Kaya mo yan..."

Hinihintay ko kung anong gagawin nya kung titingkayad kaya sya o hahawakan na din nya ko sa magkabilang pisngi. Hindi ako sanay maghintay sa wala kaya kapag gusto ko na may mangyari. Gagawin ko na para may mangyari.

"Ohmmmff!"

Sinunggaban ko muli sya ng halik sa labi nya. Wala syang magawa kundi sipsipin din ang labi ko sa ibaba habang sinisipsip ko tong sa itaas nya. Nangingiti ako sa pagsunod nito sa gusto ko kaya lang...

*ting!

Huminto tong elevator kaya ibig sabihin may sasabay samen paakyat. Bago pa bumukas yung pinto dali-dali na kong tumigil sa ginagawa ko't binitawan na sya. Tumayo ako ng diretso sa pwesto ko kanina saka umarte na parang walang nangyare.

"Good morning Sir." Sabi ni Yuan.

"Good morning Sir." Sabi ni Shella.

Ngumiti ako't nag good morning din tapos nanahimik na ko...

*****

Camilla*
POV

Pumwesto sa harapan namin tong dalawang sumabay samin ni Sir Yllynois. Natataranta tuloy akong nag-aayos ng buhok tyaka nitong suot ko. Nag-aalala din akong baka may makakita sa nagkalat kong lipstick dito sa labi ko kaya niready ko agad tong pouch ko saka kinuha yung bilog na salamin.

"Oh." Bulong ko.

Kalat nga yung lipstick ko kaya tiningala ko pakaliwa si Sir Yllynois may lipstick sya sa ibabang banda nung labi nya kaya marahan ko syang kinalabit sa kamay. Inabutan ko sya ng wipes na galing sa pouch ko kaya sabay pa kaming nagpupunas ng labi habang naghihintay makaakyat tong elevator na sinasakyan namin.

*

Pagbukas ng pintuan nitong elevator, umusog yung dalawang tao na kasabayan namin ni Sir Yllynois. Kumbaga gusto nilang paunahin na makalabas dito yung Boss namin kaya tahimik lang ako nung dinaanan na ko ni Sir. Nauna syang lumabas tapos sumunod na kame nitong dalawa na mukhang mag jowa.

"Hmm."

Dun sya sa office nya nagpunta. Ako naman dun na sa cubicle ko kase may pinapagawa nga pala sya.

*

Pagkatapos kong maayos yung pinapagawa ni Sir Yllynois ako na mismo ang nagdala nito sa kanya para makita nya. Sabi kase nya kanina sa email idaan ko muna sa floor manager namin na si Ms. Shaina kaya lang nakita kong nakasimangot si Ms. Shaina saken kaya kay Sir Yllynois na ko nagpunta.

"Good job Camilla. Ayos to. Hmm, diba sabi ko nga pala kanina idaan mo na muna kay Shaina to?" Sabi ni Sir.

"Sorry po Sir. Natakot po kase ko may Ms. Shaina. Nakasimangot ho kase sya saken." Sabi ko.

Mr.BadBillionaire (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon