Part7
Camilla*
POVNakakabigla naman yung sinabi ni Sir Yllynois saken. Tinitigan ko syang mabuti tapos marahan na syang ngumisi. Napalunok tuloy ako sa reaksyon nyang yun.
"Hmm. Please?" Sabi nya.
"Uhm. O-Opo. Opo. Sige po. Bukas." Sabi ko.
Kita kong ang saya-saya nya base sa maganda nyang ngiti. Dali-dali nya tuloy akong nilapitan saka hinawakan sa magkabilang pisngi.
"Oh!"
"Gusto kitang halikan..." Bulong nito.
"H-Ha? Ano po?" Sabi ko.
Marahan nitong inilapit yung mukha nya saken habang nakatitig kame sa mata ng isa't-isa. Sabay yung pagdidikit ng labi namin sa pagpikit din ng mga mata naming dalawa hanggang sa isang malalim na halik tuloy napunta tong pinagsasaluhan namin.
"Hmm..."
Nilapat ko tong mga kamay ko sa dibdib nya habang naghahalikan kame. Unti-unti nang papunta sa panggigigilan tong halik nya. Naging mapusok at may kasamang pagyakap na sya saken ganun din ako na pumulupot na ng pagyakap dito sa leeg nya. Mayamaya pa binuhat na nya ko saka pina-upo dito sa desk nya.
"Oh Sir?" Bulong ko.
Ayaw nya kong pagsalitain basta sinunggaban nanaman nya ko ng madiin na halik.
"Mmff!"
Wala akong palag kase ang higpit ng yakap nito saken habang patuloy parin kame sa paghahalikan.
*knock knock!
May biglang kumatok sa pintuan kaya huminto agad kame. Ibinaba nya ko dito saka binitawan para makapag-ayus-ayos kameng dalawa. Nakakailang pa si Sir Yllynois kase habang nag-aayos ako ng buhok bigla syang yumuko saka dinilaan ako sa labi. Nakangisi syang tumayo ng diretso habang nakatitig saken samantalang ako tulala habang nakatingala sa kanya.
*knock knock!
Dali-dali na kong kumilos saka lumapit sa pintuan para pagbuksan yung kumakatok na yun.
"Oh hey there?" Sabi ni Sir Lloyd saken kaya ngumiti ako.
Pinagbuksan ko sya ng pinto tapos pasalit-salitan yung tingin nya samen ni Sir Yllynois.
"Woah, busy kayo ah. Nakadalawang katok na ko wala manlang sumasagot. Ayieee." Sabi ni Sir Lloyd.
Narinig kong tumatawa si Sir Yllynois kaya nilingon ko sya.
"Sira ulo ka Lloyd haha. Come in bitch!" Natatawang sabi ni Sir Yllynois.
Pumasok si Sir Lloyd saka lumapit kay Sir Yllynois. Isinara ko tong pinto tapos tinignan ko na silang dalawa.
"Dude? Ano tong bag na to." Sabi ni Sir Lloyd kaya napatingin saken si Sir Yllynois.
Dali-dali akong lumapit saka sinabing order ko to sa online store. Binitbit ko na tong bigay ni Sir Yllynois tapos nagpaalam na kong babalik na sa trabaho.
"Aalis kana agad? Kakadating ko lang ah." Sabi ni Sir Lloyd.
"Uhm, may pinapagawa po si Sir Yllynois e. Kailangan ko pong matapos yun. Hehe. Sige po, mauna na ko." Sabi ko.
Parang ayaw akong palabasin ni Sir Lloyd dito kaya nagdahilan nalang si Sir Yllynois na marami akong trabaho na aasikasuhin dahil kung hindi matatapos agad yun baka mag over night ako dito. Hindi kako ko papayag kaya nagmadali na kong lumabas dito para makaiwas na kay Sir Lloyd...
*
Habang nagtatype biglang pumasok yung Email ni Sir Yllynois. Sabi nya may meeting sya mamayang 2pm. Bago daw kame pumunta sa meeting place nya magla Lunch daw muna kame. Kaya ngayon inaasikaso ko na agad yung mga kailangan nya.
BINABASA MO ANG
Mr.BadBillionaire (COMPLETE)
RomanceR🔞 ★Book3SmileAtMe★ Masarap magtrabaho sa Company na sulit mag pasweldo. Pero. Sulit din kaya ang Trabaho?? Meet my Baby Camilla na Maiinlove sa Boss nyang si Yllynois Rivera.