Kasalanan ko

1.5K 31 0
                                    

Part14

Camilla*
POV

Para akong sinasaksak ng paulit-ulit sa dibdib dahil dito sa sulat ng anak ko. Sobrang sakit isipin na ayaw na nya saken dahil lang sa pamumuhay namin dito. Nanliliit tuloy ako sa hiya kasi hanggang dito lang ako. Mahirap lang kame dito sa lugar na to. Kasalanan ko kaya ganito ang nararamdaman ng anak ko ngayon. Sana pala noon palang nagtiis nalang ako sa emosyonal na pananakit ng tatay nya saken para atlis kahit papano nandun kame kila Joy. Alam kong lahat mabibigay ng mga kaibigan ko sa kanya kahit na wala na kame ng tatay nya. Ang importante kilala nya si Yllynois.

"Cedieee! Anak ko jusko bakit!" Iyak ko.

Napa-upo na ko dito sa sahig. Nag-iiiyak ako't binabanggit ang pangalan ng anak ko. Dali-dali pumasok si Lola tapos inalalayan nya kong makatayo kaya lang ay nanghihina ako sa lungkot at bigat na nararamdaman ko ngayon.

"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Lola.

"S-Si Cedie po. Umalis. Pupuntahan raw nya yung Ama nya. Kilala nya kung sino ang tatay nya." Iyak ko.

Niyakap ako ni Lola saka inakay na maupo sa paanan ng papag. Iyak ako ng iyak kaya pinapatahan naman ako ngayon ng Lola ko.

"Lola. Kailangan kong sundan ang Anak ko." Iyak ko.

"Oo. Susunod ka kay Cedie pero ikalma mo muna ang sarili mo. Makaka sama yan sa puso mo!" Sabi nito.

Nag-aalala talaga ko sa anak ko. Basta wala akong pakialam kung atakihin pa ko ngayon sa puso ang importante saken maka-usap ko agad ang anak ko. Kailangan kong masabi sa kanya kung bakit kame lumayo sa tatay nya. Hindi ako pwedeng mag-stay pa dito kaya kailangan ko ng kumilos.

"Lola. Aalis ako. Kailangan kong sundan si Cedie. Nag-aalala ako baka san mapunta yun. Baka maligaw yun." Iyak ko.

Sabi ni Lola kumalma muna ko bago nya ko payagan. Ikinuha nya ko ng tubig na maiinom tapos kinalma ko na muna tong sarili ko para payagan nya ko. Ilang segundo lang sinabi ko nalang na ayos na ko kahit hindi basta kailangan kong mapuntahan si Cedie...

*

Nagmamadali akong ayusin ang backpack ko at backpack ni Cedie para pagdating ko dun o makita ko man sya ang importante may damit syang pamalit. Pagkatapos kong mag-ayos nagpaalam na ko kay Lola na kailangan ko nang umalis kaya wala na syang magawa kundi payagan ako para mahanap ko na agad ang Apo nya sa tuhod.

*

Ngayong nakasakay na ko sa Bus. Nagdadasal ako na sana makita ko agad si Cedie. Alam kong namasahe sya kase humingi pa sya ng pera saken kaninang umaga para daw sa project. Tyak akong sa maynila ang punta nya kaya sa maynila din mismo ang punta ko. Nandun kase si Yllynois. Malawak ang maynila pero alam kong alam ni Cedie kung saan sya pupunta nyan kase napapalabas sa TV na sa makati naka destino ang Rivera Corp. na pinag-aarian ni Yllynois Rivera.

"Nasan kana kaya ngayon Anak. Nag-aalala si Mama. Sana lang talaga nandun ka kay Elinoys." Bulong ko.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak dito habang nasa byahe. Iniisip ko si Cedie. Sinisisi ko yung sarili ko kaya nauwi kame sa ganito. Sana pala hindi ako nag-inarte noon para ngayon wala kame sa ganitong sitwasyon ng anak ko.

"Patawarin mo si Mama. Wala kase kong pera." Iyak ko.

*

Makalipas ang ilang oras ng byahe. Madaling araw na ko nakarating dito sa Makati. Pagbaba ko dito sa bus sumakay naman ako ng jeep para makapunta kay Joy.

"Jusko, sana lang talaga nandun ka Cedie. Sana lang pinatuloy ka ng ama mo." Bulong ko.

*

Pagdating dito sa kanto ng street na tinutuluyan ni Joy. Bumaba naman ako sa jeep saka sumakay sa trycicle. Sinabi ko sa lalake kung saan ako bababa kaya dun nya ko ngayon ihahatid.

Mr.BadBillionaire (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon