Part16
Camilla*
POVNapatalon pa ko sa gulat ng lumapit pa saken si Yllynois. Napahigpit pa tong kapit ko kay Hanna wag lang nya kong iiwan kasama tong lalaking nanakit saken.
"Hanna! Wag kang aalis!" Iyak ko.
Bigla akong niyakap ni Yllynois kaya nagwala na ko tyaka nakiki usap kay Hanna na tulungan ako.
"Iiwan ko po muna kayo Ma'am. Wag po kayong matakot.
Hindi na po kayo sasaktan ni Sir." Mahinahon na sabi ni Hanna."Hindi! Hindi! Wag Hanna! Dito ka lang please! Dito ka lang!" Sigaw ko.
Hindi ko mapigilan si Hanna. Nagmamadali syang maglakad hanggang sa makalabas na sya dito sa kwarto. Iyak ako ng iyak saka sinisigaw yung pangalan nya.
"Camilla. I'm so sorry. Hindi na mauulit. Nabigla lang ako. Please wag kang matakot saken. Hindi na ulit kita sasaktan..." Iyak ni Yllynois.
Iyak ako ng iyak at sinisigaw yung pangalan ni Hanna. Humihingi din ako ng tulong sa kung sino man yung nasa labas ng kwartong to. Sinubukan ko ding pumiglas sa pagkakayakap nito kaya lang masyado syang mahigpit yumakap. Mukhang ayaw nya kong pakawalan.
"Mahal na mahal kita Camilla! Please hayaan mo kong alagaan ka. I'm so sorry kung nasaktan kita. Sorry kase akala ko napabayaan yung anak ko. Please wag mo kong katakutan. Wag mo kong itaboy mahal na mahal kita please tamana wag kanang umiyak! Pagbigyan mo kong ayusin naten to. Pangako ko sayo aalagaan ko kayo ng anak naten..."
"Hindi! Bitawan mo ko!" Iyak ko.
Mahigpit nya kong yakap yakap. Halos nahihirapan na din akong huminga sa takot, kaba, iyak, pagod at hingal na hingal na kakapiglas. Hindi ko sya kayang patawarin pagkatapos nya kong gawing tanga sa loob ng isang buwan. Tapos yung nalaman ko pang kagaguhan nila ni Jessa. Hindi ko yun palalampasin. Binuntis nya ko pagkatapos sasaktan lang.
"Promise tayong tatlo lang ni Cedie yung magkakasama. Pangako ko yan sayo Camilla. Mahal ko kayo ng anak ko kaya kita hinahabol. Nagsisisi ako sa pagsigaw ko sayo dati. Yung nasaktan kita nung nakaraan buwan nabigla lang ako! Please, pagbigyan mo ko Camilla. Hindi ko kayang mawala ka ulit saken..."
Huminto na ko sa pagpiglas dala ng pagod. Malungkot na malungkot ako habang inaalala yung mga nangyare dati. Hindi ako gumagalaw basta lumuluha lang ako habang hinahalikan naman ni Yllynois tong noo ko.
"Pinagsisisihan ko yun Camilla please maniwala ka nagsisisi ako na sinisigawan kita dati. I promise hindi na mauulit yun. Hinding-hindi ko na gagawin ulit yung bagay na magpapa sama sa loob mo. Maniwala ka please mahal kita. Wala kong inisip kundi ikaw. Hindi ako pumatol kahit kanino kase iniisip kita. Naghihintay ako sa araw na dumating na ngayon at alam kong makakasama ulit kita..."
Hindi pumatol, totoo nga ba? Sinong niloloko ngayon ng lalaking to. Talaga bang mahal nya ko pero nagawa nya kong lokohin at saktan. Anong klaseng pagmamahal ba tong nararamdaman ni Yllynois. Hindi ko maintindihan bakit nya ko pinapahirapan ng ganito.
"Mahal na mahal kita Camilla..." Bulong nito.
"H-Hindi na." Bulong ko.
Lumiyad ito't tumingin sa mukha ko. Hindi ko sya kayang titigan kaya yumuko ako't pumikit. Parehas kami ngayong hindi gumagalaw pero ramdam kong nakatingin parin sya saken.
"P-Panong hindi na? Ang alin Camilla. Please. Ayusin natin to..." Sabi nito.
Pinapakiramdaman ko si Yllynois. Nanginginig na sya hanggang sa bigla nalang humagulgol ng iyak.
"C-Camilla? Please pakinggan mo ko. Wag mo kong ayawan please. Nagsisisi na ko Camilla..." Iyak nito.
"Hindi na, hindi na ko m-makikipagbalikan sayo. Ayoko na." Sabi ko tapos naiyak na din ako.
BINABASA MO ANG
Mr.BadBillionaire (COMPLETE)
RomansaR🔞 ★Book3SmileAtMe★ Masarap magtrabaho sa Company na sulit mag pasweldo. Pero. Sulit din kaya ang Trabaho?? Meet my Baby Camilla na Maiinlove sa Boss nyang si Yllynois Rivera.