The End

2.2K 49 3
                                    

Part21
F I N A L E

Camilla*
POV

Habang lumuluha tumango-tango ako kay Yllynois. Dali-dali syang tumayo sa pagkakaluhod tapos nilapitan agad nya ko't sinalubong ng matamis na halik. Nagyakapan kame at nagsalo habang lumuluha sa sobrang saya. Masayang masaya ako dahil ito yung pinapangarap ko noon pa. Ang makasal sa kanya.

"I love you Camilla..." Iyak nito.

"I love you too Elinoys." Iyak ko.

Nasa pintuan pala ng likod bahay sila Lola Camya at Cedie kasama si Nina at yung mga kasama namin dito sa bahay. Lahat sila nakangiti at pumapalakpak dahil sa surpresa saken ni Yllynois.

"Nangangako akong gagampanan ko yung pagiging mabuting asawa at ama magmula ng bumalik ka saken kasama ang anak naten. Gagawin ko lahat-lahat Camilla maging masaya lang kayo. Pangako magpapakatino ako. Well, matino naman ako dati e. Hehe. Pero mas titino ako ngayong kasama ko na kayo..." Sabi ni Yllynois.

"Nangangako din akong magiging mabuting ilaw ng tahanan, asawa at ina ako sa inyo ng anak naten. Hindi pa man tayo kasal gagawin ko na yan. Pangako. Basta? Magpakabait ka palagi." Sabi ko.

Tumango-tango si Yllynois saka ngumiti. Masaya kameng dalawa na nakatingin sa isa't-isa habang isinusuot nya sa palasingsingan ko itong singsing na regalo nya...

**

Makalipas ang ilang buwan ng pagsasama namin. Masaya kaming dalawa ni Yllynois na nakatayo sa harap ng pari. Isang simpleng kasal sa simbahan ang hiniling ko sa kanya kasama lang ang pamilya namin at mga kaibigan. Eto lang pakiramdam ko kumpleto na yung kailangan ko sa kasal naming dalawa. Totoo din yung sinabi nyang araw-araw gabi-gabi ipaparamdam nya saken kung gaano nya ko kamahal. Sana hanggang pagtanda namin hindi sya magbago.

"I love you Camilla..." Bulong nya.

"Hehe. I love you too Elinoys." Bulong ko.

Nagtinginan kaming dalawa. Sakto sinabi na ng pari yung Kiss The Bride kaya nagharap agad kame ng soon to be husband ko. Nakangiti kaming dalawa ni Yllynois habang inaalis nya tong nakaharang na belo sa mukha ko. Pagka-alis payakap nyang hinawakan ang bewang ko kasabay ng pasunggab nya ng madiin na halik sa labi ko. Nakapikit kameng dalawa hanggang sa mauwi sa malalim na halikan ang pagyayakapan namen.

"Woohoo! Congrats!--- Congrats Camilla! Elinoys!--- This is it! Congrats guys!--- Yehey! Kasal na sila!" Masayang masaya yung mga kaibigan at kamag-anak ni Yllynois.

Marahan na kaming huminto sa paghahalikan tapos tumingin na kame sa mga bisita. Ang cute ng anak kong si Cedie. Nakayakap kase sya sa Kuya Elliot nya na anak nila Kuya Yjoseff at Ate Eliza. Sila Daddy Austin at Mommy Jody naman kumakaway samen kaya tinanguan ko sila't nginitian. Sobrang sarap sa pakiramdam. Feeling ko kase may Nanay at Tatay na ko dahil sa kanila. Masaya din ako para sa Lola Camya ko. Hindi na sya mahihirapan sa pagkilos kase may usapan na kame na bibigyan namin sya ng taga alaga na maninilbihan sa kanya.

"Congratulations Elinoys and Camilla!!!"

Nakangiti kami ni Yllynois sa isa't-isa. Binuhat nya ko na parang baby tapos naglakad na ito para makalabas kame dito sa simbahan.

"Honeymoon time? Hehe. Excited na ko..." Sabi nito.

"Yeah, excited na excited na din ako Rarw. Hahaha!" Sabi ko.

Hinalikan nya ko sa noo. Kumapit ako ng mahigpit sa kanya. Sa mahigpit nitong kapit saken pakiramdam ko nasa langit na ko. Punong-puno na ko ng pagmamahal nya. Salamat talaga sa panginoon dahil kame parin ni Yllynois hanggang dulo. Sana lang ay hindi na ito matapos. Sana puro nalang kame saya at pagmamahalan...

Mr.BadBillionaire (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon