Part3
Camilla*
POVSeryoso si Ate Jean kaya mukhang seryoso din ang sinabi nyang warning saken. Magsasalita pa sana ko ng biglang bumukas yung pintuan nitong kwarto saka pumasok si Sir Yllynois.
"You two! Ano pang pinagtsitsismisan nyo! Get over here!" Sigaw ni Sir Yllynois kaya dali-dali na kameng lumapit ni Ate Jean dala-dala tong mga paper works.
Lumabas kame dito sa kwarto saka pumunta sa sakayan ng elevator.
"Ano? Anong pinag-uusapan nyo..." Sabi ni Sir Yllynois kaya nagtinginan kame ni Ate Jean.
"A-Ano po. Sinabi ko lang po kay Camilla na sa susunod gigimik kame kasama yung ibang katrabaho po namin." Sabi nalang ni Ate Jean.
"Alright, iwasan nyo nyang tsismis na yan. Maliwanag. Nasa gitna kayo ng trabaho..." Sabi ni Sir kaya nag Opo kame ni Ate Jean.
Sumakay kameng lima dito sa elevator. Tahimik kami ni Ate Jean habang nag-uusap-usap sila Sir Yllynois, Sir Jon at Sir Lloyd. Topic nila yung tungkol sa project na gagawin nila. Pagkatapos ng topic about project nauwi sa babae at gimik yung usapan nila Sir Yllynois at Sir Lloyd. Si Sir Jon tahimik nalang at nagkalikot nalang ng cellphone nya.
"Maganda dun men. Madaming babae." Sabi ni Sir Lloyd.
"Hmm. Basta maraming naka panty lang ok na ko..." Sabi ni Sir Yllynois.
Grabe, nakakatakot silang pakinggan. Iba na kase yung gimik na gusto nila. Napapalunok tuloy ako tyaka naiilang. Salamat at bumukas na tong elevator saka kame lumabas. Dun sila nagpunta sa office ni Sir Yllynois habang kame ni Ate Jean balik trabaho na ulit sa computeran...
*
Nag breaktime kame ng 11:30am at natapos ng 1pm. Buti may nagtitinda dito ng Meal kaya hindi na namin kailangang tumayo sa kinauupuan namin...
*
6:15pm. Madilim na sa labas. Nag-iisip tuloy ako ng gagawin kase tapos na yung mga pinapagawa saken ni Ate Jean. Saktong pagtingin ko sa computer, may email pala si Sir Yllynois saken.
[Pumunta ka dito. Now na...]
Tumayo ako agad dito sa kinauupuan ko saka dali-daling nagpunta sa opisina ni Sir. Kumatok na muna ko't hinintay na sabihin nyang "Come in!" tapos ay binuksan ko na tong pinto saka ako pumasok.
"Lock the door..." Utos ni Sir Yllynois kaya sinara at ni-lock ko tong pinto.
Kinakabahan tuloy ako pagharap ko sa kanila. Naka-upo kase sila Sir Jon at Sir Lloyd sa sofa habang nakatingin silang tatlo saken.
"Camilla. Ayaw mo bang sumama?" Sabi ni Sir Yllynois.
Nag-aalala tuloy ako. Inisip ko nalang yung sinabi ni Ate Jean kaya umiling ako't sumagot nang..."Ayaw ko po Sir." tapos tumango sya.
"Sayang. Magha happy happy sana tayo. Bonding ba..." Sabi nya.
"Nako. Wala po kase kong hilig sa alak Sir." Sabi ko.
"Come here..." Utos nya kaya lumapit ako't tumayo sa harapan nya.
Ilang na ilang tuloy ako habang nakatayo at nakasandal si Sir Yllynois sa desk nya. Ulo hanggang paa kung pagmasdan nya ko.
"Ang liit ng bewang mo Camilla. Pwede ko bang hawakan yan?" Sabi ni Sir Yllynois.
Hindi ko alam ang isasagot kaya tumango-tango nalang ako. Kabado tuloy ako sa dalawang hakbang nya ngayon eto, kaharap ko na sya. Marahan kong tiningala si Sir Yllynois habang pinapakiramdaman ko yung paghaplos nito sa likuran ko banda. Grabe, nakaka-kaba tong pinasukan ko. Naririnig ko pang natatawa tawa si Sir Lloyd.
"Hmm. Petit..." Bulong ni Sir Yllynois.
Dalawang kamay na nito ngayon ang pinangsusukat nya sa bewang ko. Yumuko ako para tignan tong ginagawa nya. Nasa likuran banda ko yung kanan kamay nya at nasa tyan ko naman tong kaliwang kamay nya.
"Ang sexy mo Camilla..." Sabi nito kaya tiningala ko sya.
Napapakagat labi si Sir Yllynois habang nakatingin sa mga mata ko. Grabe, kinakabahan tuloy ako sa nakaka-akit nyang titig. Naputol lang ang titigan namen sabay alis nito sa pagkaka-hawak nya saken nung nag ubu ubuhan na si Sir Lloyd na nilingon kagad namin.
"Damn dude. Nakalimutan nyo yatang nandito kame ni Jon. Hahaha!" Sabi ni Sir Lloyd.
Natatawa-tawa tuloy sila Sir Jon at Sir Yllynois na tinawag ako kaya tiningala ko ulit ito.
"Ayaw mo ba talagang sumama? Saglit lang naman tayo..." Sabi nito.
"A-Ayaw ko po Sir e. May gagawin po kase ko. Siguro next time nalang po." Sabi ko.
"Okay. You may go now..."
Ngumiti ako saka nagmamadaling umalis dito sa opisina nya. Hindi na talaga maganda yung kaba ko kanina kase feeling ko may plano sila saken. Pagdating dito sa cubicle ko hingal na hingal tuloy ako.
"Shit." Bulong ko.
Ikinakalma ko na tong sarili ko. Konti nalang uuwi na ko tyaka makakapagpahinga...
*
6:55pm kanya-kanya na sa pag-alis yung mga katrabaho ko. Nagmamadali akong tumayo saka inayos tong desk ko para maka-uwi na din ako. Nilingon ko din yung pwesto ni Ate Jean para may kasabay akong bababa tyaka lalabas dito sa building.
"Nako, wala na pala si Ate Jean?" Bulong ko.
Wala si Ate Jean sa pwesto nya. Ibig sabihin umuwi na siguro sya kaya lang...
*ba!
Biglang bumukas yung pintuan nung opisina ni Sir Yllynois tapos lumabas dun si Ate Jean. Katakataka lang kung bakit sya umiiyak.
"A-Ate Jean!" Sabi ko habang sinusundan sya kaso nagmamadali si Ate Jean na tumakbo papunta sa sakayan ng elevator. Nakipag unahan sya dun sa mga katrabaho namen kaya bago ko pa sya malapitan sumara na tong pintuan.
"Camilla. Halika dito!" Sabi ni Sir Yllynois.
Kinakabahan tuloy ako kase seryoso yung reaksyon ng Boss ko. Sabagay e palagi syang ganyan kaya lang medyo nakakatakot yung ngayon.
"Halika sabi!" Sigaw nya kaya nagmamadali akong lumapit sa kanya.
Pumasok kameng dalawa dito sa office nya. Sinara at ni-lock nya yung pinto tapos pagharap nya saken nakasimangot na ito. Kabado tuloy ako kase kaming dalawa lang yung nandito. Wala na sila Sir Jon at Sir Lloyd. Kaya ano nalang ang mangyayare ngayong dalawa lang kame dito.
"Halika sa desk ko..." Gigil nitong sabi saka na sya naglakad papunta sa pwesto nya.
Sumunod ako sa kanya. Nakatayo ako dito sa kaharap na desk nya tapos naupo sya sa pwesto nya saka pinakita saken tong folder na may paper works na gawa daw ni Ate Jean.
"Tignan mo..." Sabi nya kaya chineck ko tong gawa ni Ate Jean na may mali mali palang spelling. May iba ding nakalagay dito na hindi na about sa business. Parang script na yung nandito. Tinignan ko agad si Sir. Nakasimangot sya habang nakatingin dito sa folder na hawak ko.
"S-Sir. A-Ano pong g-gagawin ko?" Pabulong kong sabi.
"Ayusin mo yan bukas. Pag dating mo asikasuhin mo agad yan. Mali mali ginawa ni Jean tapos pinasa na pala yan sa mga Castellano. Nakakahiya. Tang*na!" Gigil na sabi nito.
"O-Opo. Gagawin ko po bukas." Sabi ko agad tapos tiningala nya ko na para syang nanggigigil.
"Come here..." Utos nya kaya para hindi mabaling saken yung galit nya e dali-dali akong naglakad pakaliwa para madaanan tong desk nya.
Ngayon, nakatayo na talaga ko ng malapit sa kanya habang sya naka-upo at nakasandal sa kinauupuan nya.
"B-Bakit po Sir?" Sabi ko.
"Bitawan mo yang hawak mo. Maupo ka dito saken. Kumandong ka..." Sabi nya...
BINABASA MO ANG
Mr.BadBillionaire (COMPLETE)
RomanceR🔞 ★Book3SmileAtMe★ Masarap magtrabaho sa Company na sulit mag pasweldo. Pero. Sulit din kaya ang Trabaho?? Meet my Baby Camilla na Maiinlove sa Boss nyang si Yllynois Rivera.