Bagong Buhay

1.5K 33 1
                                    

Part13

Camilla*
POV

Kinakabahan yata ako habang naghihintay dito sa bahay ni Allen. Hindi ko alam kung anong iisipin ko ngayon. Malandi kase si Allen kaya lang sana saken parin ang loyalty nya.

"Jusko. Sana naman makuha agad ni Allen yung mga gamit ko." Bulong ko.

Mayamaya lang dumating na si Allen dala-dala nya yung gamit ko. Halos lahat binigay ni Joy. Masaya ako kase nakuha nya to kahit andon si Yllynois.

"Nako. Salamat Bes! Buti nakuha mo to lahat?" Sabi ko.

"Nag kemekeme kame ni Baklang Joy kunware gamit ko to gaga ka kase. Hays. Basta mag-iingat ka dun sa inyo ah?" Sabi nito.

"Oo bes. Salamat talaga." Sabi ko.

Nagyakapan kame ng mahigpit. Nagpasalamat ako sa kanya tapos ng bumitaw na kame sa yakap ng isa't-isa inabutan nya ko ng 20,000 pesos. Naluluha tuloy ako habang inaalalayan nya kong lumabas dito sa bahay nya dala-dala namin tong mga bag ko. Sabi ni Allen soon magkikita parin kame nila Joy, Glenda at Shasha. Sa ngayon unahin ko na muna ang pagtakas ko kaya sumakay kame sa trycicle. Umandar na to habang nakatingin kame sa kaliwang banda. Nandun parin kase yung kotse ni Yllynois. Naiiyak ako hanggang sa nadaanan namin yung itim na kotse.

"Bes. Naka-usap ko yung Papa Labs mo. Hihintayin ka daw nya. Nako. Baka gahasain ni Joy yun!" Sabi ni Allen na naka-upo dun sa backride.

"Sana nga gahasain ni Joy e." Sabi ko.

Nanggagalaiti talaga ko sa ginawa ni Yllynois saken. Galit na galit ako sa kanya. Basta, bahala na sya sa buhay nya. Magpakasaya sya ngayon...

*

Makalipas ang ilang minuto.

Bumaba na kame ni Allen dito sa jeep. Tinulungan naman nya ko ngayong makasakay sa bus. Iyak ako ng iyak at nagpapasalamat sa kanya.

"Salamat bes! Salamat jusko mamimiss ko kayo!" Iyak ko.

Niyakap ako ni Allen. Naiyak na din ito at halos hindi na alam ang sasabihin.

"Pangako mag-iingat ako dun Bes. Basta magkikita-kita parin tayo." Iyak ko.

Tumango si Allen tapos bumitaw na kame sa pagyayakapan. Nagtawag na yung konduktor kaya maging sa pagbibitaw ng mga kamay namen hirap na hirap kameng dalawa.

"Camilla. Mag-iingat ka. Wag kang mag-alala kila Joy, Shasha at Glenda. Ako na bahalang magpaliwanag sa kanila. Okay? Tamana. Wag kang magpa-stress." Iyak ni Allen.

Tumango-tango ako tapos nagyakapan ulit kame. Pagkatapos umakyat na ko saka pumwesto dito lang sa likuran ng driver. Yung konduktor na yung nagbuhat at nagdala saken ng mga bag ko. Wala na daw paglalagyan sa bagahihan kaya dito nalang sa harap ko nilagay ang mga to.

"Salamat po Kuya." Sabi ko sa konduktor.

Iniisip ko tuloy si Yllynois kung naiisip kaya nyang ipapalaglag ko na to. Minsan ko na kaseng narinig sa kanya na hindi pa raw sya handa. Alam ko ang ibig nyang sabihin kaya din nya ko tinataboy kase ayaw nyang mabuntis ang gaya ko. Naluluha talaga ko pag naiisip na pinagsawaan lang ako.

"Jusko." Iyak ko.

Nilingon ko pa si Allen na papalayo na ko sa kanya. Umiiyak sya habang nakatingin dito. Kinawayan ko sya kaya kumaway din sya saken hanggang sa lumayo na tong bus na sinasakyan ko...

*

Makalipas ang ilang oras ng byahe.

Nagising nalang ako sa ingay ng mga kasabayan ko dito. Salamat naman at nandito na ko sa probinsya ng Lola Camya ko.

Mr.BadBillionaire (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon