Part11
Camilla*
POVNabigla ako sa sinabi ni Sir Yllynois kaya idinilat ko kagad tong mga mata ko saka ko sya tinitigan. Kita kong nakatingin na pala sya saken tapos marahan na itong yumuko at sumunggab ng halik sa labi ko. Sabay kameng pumikit tapos niyakap ko na sya ng mahigpit at sinabayan sa malalim nitong paghalik saken.
"Hmm..."
Nauwi na tuloy sa mapusok yung paghahalikan namin. Napapa-isip tuloy ako kung totoo nga kaya yung sinabi nyang gusto nya ko o may nararamdaman na kaya sya saken. Marahan akong tumigil kase iniisip ko talaga kung mahal ba nya ko gaya ng pagmamahal ko sa kanya.
"Kiss me more..." Bulong nito.
Wala akong masabi kundi sundin nalang yung gusto nya. Gusto ko ding sulitin yung oras na magkasama kame para maparamdam ko sa kanya kung gaano ko sya kagusto...
**
Umabot pa ng ilan pang buwan ang pagtatrabaho ko dito sa company ni Yllynois. Oo Yllynois nalang yung tawag ko sa kanya kase Boyfriend ko na sya pero kapag may ibang tao Sir ang tawag ko sa kanya. Kailangan kong gawin yun para maiwasan ang malaking usapin lalo't sikat ang mga Rivera. Mahirap na kase maraming babae ang mang-aaway saken kapag lumabas ang tungkol samin.
"Darling. Paki asikaso nga to. May Meeting tayo mamaya..." Utos ni Yllynois.
Inabot nya saken tong folder na may paper works na gawa nya. Ixerox ko daw kaya ngumiti ako't tumango sa kanya.
"Punta na ko sa cubicle ko." Sabi ko.
Ngitian nya ko ganun din ako sa kanya. Naglakad na ko palapit sa pintuan. Binuksan ko to tapos lumabas ako. Bago ko to isara tinignan ko sya na nakatingin na pala saken.
"I love you..." Sabi nya.
"I love you." Sabi ko.
Nakangiti kameng dalawa sa isa't-isa hanggang sa isara ko na tong pinto nya kase may gagawin pa ko.
*
Pagkatapos kong gawin yung utos ni Yllynois. Nagcheck naman ako sa computer ko. May email akong natanggap galing sa kanya kaya tumayo na ko agad dito sa kinauupuan ko dala-dala tong kailangan nya sa meeting.
*
Pagpasok ko dito sa opisina nya bigla nya kong niyakap saka hinalikan sa labi.
"Mmff! Wag kang nanggugulat!" Sabi ko.
Nakangiti pa itong sumunggab ulit ng halik sa labi ko kaya pumalupot na ko ng pagyakap sa kanya. Sinabayan ko din sya kaya mapusok na kaming naghahalikan ngayon habang nasa pagitan ng dibdib namin tong folder na may lamang paper works at xerox copy na pinagawa nya. Masayang masaya pa sya habang naghahalikan kame e iniikot nya ko.
"Ano ba? Haha. Nahihilo ako." Sabi ko.
"Wooh! Ang laki ng Baby ko!" Sigaw nito.
"Tamana. Hahaha! Nahihilo na ko." Natatawang sabi ko.
Alam kong naglalambing ito kaya gagantihan ko nalang sya ng paglalambing ko din na lagi kong pinaparamdam sa kanya.
"I love you Elinoys." Bulong ko.
"I love you more Camilla ko." Bulong nito.
Naghalikan ulit kame saka nagyakapan. Napakasaya ko kasi talagang akin na si Yllynois. Talagang ito na yung pangarap ko na maging masaya sa piling ng first love ko. Sya yun. Si Yllynois Rivera mismo. Panatag na talaga ko kaya lang...
*
Makalipas ang isa pang buwan,
Sa pang 8 months ko na dito sa kumpanya nya napansin kong nanlalamig na sya saken simula nung malaman nyang 1 month na kong buntis.
BINABASA MO ANG
Mr.BadBillionaire (COMPLETE)
RomanceR🔞 ★Book3SmileAtMe★ Masarap magtrabaho sa Company na sulit mag pasweldo. Pero. Sulit din kaya ang Trabaho?? Meet my Baby Camilla na Maiinlove sa Boss nyang si Yllynois Rivera.