Si Boss talaga

1.5K 34 0
                                    

Part18

Camilla*
POV

Nandito nga ang Lola Camya ko. Nakangiti sya saken kaya tumayo agad ako sabay yakap ng mahigpit sa kanya ganun din ito saken.

"Lola!" Sabi ko.

"Oh Camilla Apo ko." Bulong nito.

Mahigpit kaming nagyakapan pagkabitaw tumingin kame sa mata ng isa't-isa. Masaya ako dahil nakita at nakasama ko na ulit sya.

"Lola. P-Paano po kayo nakapunta dito?" Sabi ko.

"Hehe, sinundo kase ko nitong si Pogi. Nung nakaraan linggo pa ko nandito. Bali, binenta ko na kase yung bahay naten sa mas mataas na presyo para mabayaran ko na din yung pagkakasanla nun. Buti nalang tinulungan ako ni Elinoys para mabenta yung bahay lupa naten. Maganda yun may natira pa sa pera kaya tinabi ko tyaka pinasok sa bangko. Isa pa, wala na tayong intindihin dun kahit dito na tayo nakatira."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Lola. Hindi ko maintindihan yung ibig nyang sabihin kung pano kami maninirahan dito.

"A-Ano po? Tayo? Saan tayo titira? Lola, nagpapagaling lang po ako dito pag okay na ko babalik na tayo saten." Sabi ko.

Biglang nagsalita si Yllynois. Sabi nya pinakiusapan nya si Lola na dumito nalang para magkakasama na kame. Labis labis na saya yung nararamdaman ko kase ibig sabihin lahat gagawin nya maging masaya lang ako ulit. Sabi pa ni Lola nagalit daw sya kay Yllynois nung una pero nang ipaliwanag ni Yllynois yung side nya naintindihan naman daw ni Lola na may hindi lang kame pagkakaintindihan kaya kame nauwi sa ganito. Pinagsabihan na raw nya si Yllynois na kapag naulit pa yung dati at yung pananakit saken ay babawiin nya ko't babalik kame sa probinsya kasama si Cedie kahit na anong mangyare iiwan at iiwan daw namin si Yllynois kapag umiyak ulit ako.

"Bes!" Kilala ko yung boses na yun.

Agad akong lumingon pakanan at naiyak nang makita ang mga kaibigan kong sila Joy, Shasha, Glenda at Allen. Naka costume pa silang apat na tila mga diwata kesyo dyosa daw sila ng kagubatan.

"Waaaaaah! Bes!" Sigaw ko sabay takbo palapit sa kanila.

Nag salubungan kame saka nag group hug. Sobrang saya ko na makita at makasama ulit ang mga kaibigan ko. Nakita kong nasa gilid lang nakatayo si Julius at nakangiti kay Joy na masayang masaya. Talagang true love nga ang nakikita ko sa mata nya habang nakatingin dito sa kaibigan ko. Masaya ako para Joy dahil meron ng lalaking titingin ng ganito sa kanya.

"Teka! Bakit naka ganyan kayo. Ang sagwa." Sabi ko tapos nagbitawan na kame sa pagyayakapan.

Sabi ni Joy..."Ang ano neto?! Ang ganda nga namin oh. Sexy. Diba love?" Sabay tingin kay Julius na natatawa nalang at napipilitang tumango-tango.

Nagtawanan tuloy kame. Mayamaya pa nag-aya na sila Lola at Yllynois na kumain na kameng lahat kaya kanya-kanya na kame ngayon sa pag-upo. Masaya kaming nagsalo dito sa hapagkainan. Medyo naiilang nga lang ako kay Yllynois dahil panay ang hawi nito sa buhok ko tapos iniipit yung hibla nito sa likuran ng tenga ko. Nang magtama ang tingin namin sa isa't-isa para bang nabingi ako sa ngiti nya.

"Hey, let's eat..." Sabi nito.

Tumango ako saka na humarap dito sa pagkain ko. Ang sarap talaga ng timpla ni Lola Camya sa ginataang bilu-bilo. Nakangiti ako habang kumakain. Mayamaya pa may bumulong sa kaliwang tenga ko.

"Mahilig ka nga pala sa ginataang bilu-bilo..." Bulong nito.

Nanlaki ang mga mata ko sa bulong nya. Umarte nalang ako na walang narinig tapos natatawa tawa tuloy sya habang humahalik-halik sa noo at pisngi ko. Sabi nya hayaan ko daw syang lambingin ako kaya hindi na ko nagreklamo lalo't may mga bisita kame. Ayaw kong makipagtalo kase masaya ang lahat ngayon...

Mr.BadBillionaire (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon