KABANATA 08

5.1K 314 6
                                    

EJI POV's

NASA kalagitnahan na kami ng klase ng makaramdam na naman ako ng ihi. Gusto ko sanang umihi kaso parang na trauma na ako sa nangyari kahapon. Tutal kaya ko pa naman tiisin itong ihi ko.

"Shi t naiihi na talaga ako!." Mahinang bulong ko sa sarili. Malapit narin namang matapos si Ma'am sa pagtuturo kaya titiisin ko pa ng kaunti.

Ng matapos nga si Mrs. Madugo sa pagtuturo ay agad akong lumabas para umihi. Narinig ko pa ngang tinawag ako ni Adhie. Pero hindi ko na pinansin kasi naiihi na talaga ako.

Kahit nag-aalangan ay tumakbo parin ako baka makasalubong ko na naman si Crystal at kung ano-ano na namang kasinungalin ang sasabihin niya. Kung sakali mang mangyari ulit iyon sigurado akong hindi kuna matitimpi ang sarili ko at masasampal ko ng hard 'yon.

Matapos ngang umihi ay agad akong naghugas ng kamay. Salamat nalang sa Diyos at hindi ko nakasalubong si Crystal.

Nasa harapan ako ng salamin ngayon at inaayos ang buhok kong hanggang balikat na hindi ko na ito napagupitan pa kasi sayang lang sa pera kung 'yong pinanggupit ko e! Pinangkain ko nalang.

Matapos makapag hugas nga ay aalis na sana ako ng bigla nalang akong nabunggo ng matigas na bagay. Muntik pa akong matumba mabuti nalang at na manage ko iyong sarili kong hindi matumba.

Pagharap ko ay nakita ko ang isang lalakeng nakatitig saakin ng seryoso nakatingala pa nga ako matangkad din kasi ang taong itong parang magkasing tangkad sila ni Adhie.

Ng makita ko ang muka ng taong ito ay ayad akong nakaramdam ng inis sa katawan.

"Hindi ka ba marunong tumingin sa dinaraanan mo."

"Hindi ko napansin!"

"Anong hindi mo napansin tayo na nga lang iyong tao dito hindi mo pa ako nakita. Ang laki laki mong tao tapos-"

"You're too short kaya hindi ko napansin."

"Hoy anong too short hindi ako maliit no!" Inis na saad ko. Ngayon alam ko na 'yong feeling ni Jang pag tinatawag siyang maliit ni Adhie. Tinignan lang ako neto sa muka at hindi sumagot.

"Hoy! Anong tinitingin tingin mo diyaan. Wag mo nga akong tignan anong akala mo nakalimutan ko na iyong ginawa mo saakin kahapon."

"What I didn't do anything wrong."

"Anong walang ginawang mali. Ni hindi mo nga man lang tinanong kung anong totoong nangyari. Tapos itutulak mo nalang ako basta basta at tsaka sinong salot? Baka ikaw?"

"You made her cry. And don't call me plague because you're the one who plague here." Sabay lapit saakin. Ewan ko ba kung bakit napaatras nalang ng kusa ang mga paa ko. Sa paraan kasi ng tingin niya saakin para niyang tinitignan ang buong pagkatao ko.

"S-sinong salot. S-sinabi ko ng hindi ako s-salot kundi i-ikaw." Nauutal na saad ko. Bigla atang nawala lahat ng tapang ko sa katawan dahil sa titig niya.

Patuloy lamang ako sa pag-atras dahil sa hindi malamang dahilan bawat hakbang niya papalapit ay siya namang atras ko papalayo at pagtitig sa muka niya.

"B-bakit kaba lumalapit saakin?" Medyo kinakabahan ko ng tanong. Hindi ko namalayan na naka dikit na pala ang likod ko sa pader kaya naman masama na akong napatingin sakaniya. "Lumayo ka nga saakin."

Hindi ito nakinig saakin at mas lalo niya lamang inilapit ang muka niya saakin tsaka niya itinungkod ang mga kamay niya sa pader.

Halos maduling narin ako sa lapit ng muka namin sa isat isa. May matangos itong ilong kulay-abong pares ng mata at makinis na muka. Maganda rin ang pagkakaayos ng jawline niya. Hindi nalalayo kay Adhie ang muka niya dahil masasabi kong guwapo rin ito. "Ano ba itong naiisip ko dapat nagagalit parin ako sa taong ito."

"Done checking my face." May ngising saad niya saakin. Shit bat ang pogi ng paraan niya ng pagkaka smirk.

"Hindi pa." Wal sa sarili kong sagot. Ng marinig ko ang mahina niyang tawa ay doon ako nagising sa katotohan. "HUH!A-anong done checking. F-FYI I didn't check your face."

"Really? Okey If you say so." At tsaka lalong lapit ng muka niya. Napapikit na lamang ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Ramdam ko narin ang hininga niyang tumatama sa labi ko.

Bigla ko siyang naitulak ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Masamang tinignan ko muna siya bago ako tumakbo palabas.

"Oh my god anong nangyari kanina. At anong gagawin niya kanina hahalikan niya ba ako? OH MY GOD ERASE ERASE." Saad ko habang tumatakbo at 'pinapakiramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Eji saan kaba nanggaling. Kanina pa kita hinihintay. Tinatawagn kita pero hindi ka naman sumasagot pinag-aalala mo ako." Si Adhie.

Tinignan ko nga ang phone kong luma at nakita ko doon iyong mga miss called ni Adhie.

"Sorry nagloloko na naman ata itong cellphone ko. Kaya hindi ko namalayan na tumatawag ka pala." Palusot ko sakaniya. Ayokong malaman niya iyong nangyari kanina alam ko naman kasi na kapag sinabi ko na nagpunta ako ng banyo magtatanong ng magtatanong na naman ito ng kung ano ano.

"Ganon ba. Ang sabi ko naman kasi sayo bibilihin nalang kita ng bagong phone."

"Yan ang wag mong gagawin. Pwede pa naman itong phone ko at tsaka anong sasabihin nalang ng mga tao dito kapag nalaman nilang binilhan mo ako ng cellphone edi natawag akong manggagamit niyan."

"Wag mo kasing intindihin 'yong mga sinasabi nila tsaka hindi din lang naman nila malalaman iyon."

"Kahit na wag mo parin akong bibilhan. Isa pa ang gusto ko pinaghihirapan ko ang isang bagay bago ko makuha para naman mapahalagaan ko ito kasi alam kong pinaghirapan ko iyong isang bagay."

"Sige ikaw nang panalo. Pero bakit namumula itong mga pisngi mo?" Saby pisil sa pisngi ko.

"M-mainit lang kaya namumula."

"Talaga ba?"

"Oo naman."

"Sige." Hinde kumbinsido niyang saad.

Ng madako ang tingin ko sa pintuan ay nakita ko doon si Philiphe na kung umasta ay parang walang ginawang masama sa akin kanina. 'Masama nga ba?'

Hindi man lang halata sa muka nito ang ginawa niya kanina. Kung titignan mo kasi ito ngayon wala ka man lang mababakasang emosyon sa mga muka niya.

Pagdating ng guro namin ay may hawak itong bowl at may mga papel sa loob.

"So guys hindi na ako magpapatumpik tumpik pa. You guys are having a activity but by pair ito so don't worry. Total sakto naman kayong 34 kaya by twos." Maraming umalma pero wala naman silang magagawa dahil grades din lang nila ang nakasalalay dito.

Hindi ko alam pero masama ang feeling ko sa activity na 'to. Nagpatuloy lang sa pagbunot si ma'am. Siya na lang daw ang bubunot para walang daya.

"Hernandez and Addison." Si Adhie at Pitchy.

"OH MY GOD YES!" Tili ni Pitchy.

"Castro and Gonzales." Hindi muna nag sink in saakin iyong sinabi ni ma'am kaya naman ng magsink in na sa utak ko ay agad akong napatayo.

"MA'AM! BAKIT SIYA PA PWEDE BANG IBA NALANG AYOKONG MAKASAMA ANG TAONG ITO."

"Me too." Maikling saad ni Philiphe.

"No buts mga anak. Para hindi naman unfair sa iba." Napaupo na lamang ako sa sinabi ni ma'am. Sa dinami dami ng makaka partner ko bakit siya pa pwede namang si Pitchy nalang e!.

Nang tignan ko ito ay nakita kong ang maliit na ngisi sa labi niya. My god no way!

That Handsome Is A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon