KABANATA 44

2.9K 169 16
                                    

Warning: STRONG SCENE/WORDS BELOW IF YOU'RE NOT COMFORTABLE FEEL FREE TO SKIP.

THIRD PERSON POV

NAIWANG naistatwa si Philip sa kaniyang kinatatayuan ng makita niyang dinukot ng tatlong armadong lalake si Eji. Nagising nalang ang diwa niya ng marinig ang pagharurot ng puting van kaya naman agad na nagpunta sa parking lot si Philiphe kung nasaan ng kotse niya at sinundan ang kotseng tumangay kay Eji.

Nablangko ang utak niya at hindi na niya alam ang gagawin. Ng makitang malayo na sakaniya ang puting van ay agad niyang binilisan ang pagpapatakbo at agad na sinundan ang sasakiyan habang labis ang kaba na nararamdaman niya sa mga oras na ito.

Naisipan niya na ding tawagan si Adhie upang ipaalam ang nangyari pero hindi sinasagot ni Adhie ang tawag na sa kasalukuyan ay nakataas ang kilay habang tinitignan lang ang pangalang 'Gago' sa cellphone niya. Yoon ang naisip na ipangalan ni Adhie dahil para sakaniya ay gago naman talaga si Philip.

"Fvck you Hernandez answer my call." Pagmumura niya habang hindi inaalis ang tingin sa puting van. Ilang saglit pa ay naisipan ng sagutin ni Adhie ang tawag kaya agad na nakahinga si Philip. "You moron kanina pa ako tawag ng tawag di ka sumasagot. May dumukot sa kapatid mo." Diretsong saad na ni Philip dahil para sakaniya kaylangan niya ng magpaligoy hindi na yung kung ano ano pang gagawing intro. Dahil wala ng panahon at baka mapaano pa si Eji.

"ANO!!?" Agad na napabalikwas si Adhie ng marinig niya ang sinabi ni Philip. "Stop joking you jerk. It's not funny!" Pagbabanta ni Adhie.

"DO YOU THINK I AM JOKING?! YOU STUPID." Sigaw naman ni Philip dahil sa labis na frustration na nararamdaman ngayon. "Anong akala ng taong ito nagloloko ako." Bulong niya sa isipan pero agad ding natigilan ng mabanggit sa isipan ang salitang 'nagloloko'. "I send you my exact location now. I will open my gps so you just follow me here." Saad niya tsaka pinatay ang tawag para makapag concentrate sa pagmamaneho at isinend ang location niya kay Adhie.

Gusto pa sanang magsalita ni Adhie kaso binabaan na siya ng tawag ni Philip kaya wala siyang nagawa kundi ang kumatok nalang sa kuwarto ng magulang niya.

"MOM! DAD OPEN THE DOOR PLEASE!!!" Natataranta na din niyang saad dahil kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan niya. Lumabas ang magulang niya na halata ang pagtataka sa muka. Huminga muna ng malalim si Adhie bago sabihin ang pakay niya. "Mom, Dad si Eji kinidnap daw!!"

Agad na nanghina ang ginang ng marinig ang sinabi ng panganay na anak. "Paanong nangyaring nakidnap siya?" Nanghihinang tanong padin ng ginang samantalang ang asawa nitong lalake ay may nararamdaman ding pangamba sa puso niya pero kaylangan niyang tibayan ang loob niya para sa asawa at anak.

"Susunod po ako sa sinend na location saakin ni Gonzales tumawag nalang po kayo ng pulis."

"Pero anak baka mapaano ka?" Nag-aalalang tanong ng ginang.

"Wala na po akong paki Mom. Kaylangan po ng tulong ni Eji kaya mauna na po ako sainyo." Tsaka kumaripas ng takbo si Adhie papunta sa kotse niya at mabilis na minaneho ang sasakiyan papunta sa sinend ni Philipe na lugar.

Samantalang sa kabilang banda ay labis na takot at kaba ang nararamdaman ni Eji habang tinututukan siya ng baril ng isa sa mga armado. Naluluha narin siya dahil iniisip niya ang kapakanan ng sanggol sa sinapupunan niya. "Anong kaylangan niyo saakin? Bakit niyo ako dinukot?" Naluluha at puno ng takot na tanong niya sa mga armadong lalake.

"Malalaman mo din bata!" Sagot ng isa sa mga armadong lalake. Hindi niya magawang lumaban dahil natatakot siya na baka mapaano ang bata sa sinapupunan niya. "Manahimik ka kung ayaw mong putukan ko ng bala iyang bunganga mo!" Sigaw ng isa sakanila. Kaya naman kahit na nahihirapan ay pinilit niya ang sarili na patahanin.

That Handsome Is A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon