KABANATA 16

4.1K 261 15
                                    

EJI's POV

GULAT akong napatingin kay Crystal ng galit itong sumigaw. Napano ba tong babaeng ito naulol na naman ba o kumalat na naman ang rabis niya sa katawan niya. Joke!

"I CAN'T ACCEPT THIS PAANONG HINDI MAN LANG AKO NANALO!!!" Galit na sigaw niya tsaka lumapit sa mga nanalo at pinagpuputol ang mga sash nila.

Ng matapos siya sa tatlong nanalo ay saakin naman siya bumaling at tinignan ako ng masama. "Paanong ikaw pa ang nanalo at hindi ako." Galit niyang sigaw saakin at sabay sabunot.

Hindi ako lumalaban dahil kahit papaano alam kong babae parin siya pero tulad nga ng sinabi ko mag dasal siya sa mga santong kilala niya pag nawalan ako ng timpi may hangganan ang pasensiya ko.

"Aray ko tumigil ka nga!" Sigaw ko tsaka pilit na tinatanggal ang kamay niyang nakasabunot sa buhok ko. Marami naring mga taong nakikiisyoso at kumukuha ng video.

Iba na talaga ang tao ngayon uunahin pang makakuha ngvideo kesa ang tumulong. Ang ilan sa mga lumahok sa paligsahan ay tumutulong narin pero wala silang magawa. Masyadong nilalamon ng galit at inggit ang puso ni Crystal kaya niya 'to nagagawa.

Tumigil sa pagsabunot saakin si Crystal at ang pinuntirya niya naman ay ang pag-agaw sa trophy na hawak ko. Hindi na ako nakipaghilaan pa sa kaniya dahil kahit na importante ito saakin ay nagparaya nalang ako dahil alam kong ito lang ang makakapagpagaan ng loob niya.

"Saakin nababagay ang trophy na ito. Nawala na nga lang saakin ang titolo ng pagiging Queen pati ba naman ang manalo sa music contest na ito mawawala saakin." Naiiyak na saad niya.

Somehow I suddenly felt sorry towards her. I don't know why I feel this basta ang alam ko may dahilan sa likod ng lahat ng ito. Hindi naman kasi pwedeng basta trip niya lang na mang-agaw ng kung ano ano sa isang tao.

"Lahat ng bagay nawala na saakin kaya hindi ako makakapayag na pati ito ay mawawala saakin." Lumuluha paring saad niya.

Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa dahil bigla niya nalang akong itinulak ng malakas kaya nahulog ako sa may kataasang stage.

Huli ko nalang na namalayan ay ang pagka-untog ng ulo ko sa lapag at nawalan ng malay.

"BESHIE!!"

"KUYA."

"EJI!!"

ILANG saglit pa ay naramdaman ko nalang ang may kalakasang sampal sa pisngi ko kaya naman agad akong nagising.

"Aray ko naman!" Saad ko at napaupo agad. Sino ba naman kasing matinong tao ang sasampal sayo habang natutulog ka.

"Oh diba sinabi ko na sainyo na magigising din siya kapag sinampal ko." Boses ni Pitchy. "Nagising din ang mahal na prinsesa." Si Pitchy ulit.

"Aray ko naman Pitch eh! Natutulog 'yong tao nanampal ka bakit ka nga pala nandito sa bahay?" Tanong ko habang naka pout at kinukusot ang mata.

"HAHAHA!!! G'ga wala ka sa bahay niyo nasa hospital ka. Nakalimutan mo na ata iyong nangyari. Tska mag dadalawang araw ka ng tulog ano teh! Enjoy mo pag b-beauty rest mo."

"HAHAHAHA!!!! lutang pa ata iyong utak mo Eji." Si Adhie.

"Oo nga kuya hahaha nakakatawa ka." Si Jang.

Doon ko lang naalala ang mga nangyari saakin. Hayst! Pangalawang beses ko ng mapunta sa ganitong sitwasiyon ng dahil kay Crystal. Sana wala ng susunod.

"Hindi naman ako nag b-beauty rest eh! Tsaka bat ang tagal kong nakatulog." Reklamo ko sa kanila.

"Masyado ka daw pagod kaya napatagal ka sa pagtulog. At medyo nawalan kadin ng dugo dahil sa pagkakahulog mo sa stage. Pero wag kang mag-alala minor injury lang naman. Nako kung may masama talagang nangyari sayo masasampal ko ng hard ang bitchesang 'yon." Mahabang lintanya ni Pitch.

That Handsome Is A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon